bc

One Memorable Night (The Billionaire's Club 1 )

book_age18+
1.1K
FOLLOW
8.1K
READ
billionaire
possessive
one-night stand
escape while being pregnant
arrogant
CEO
boss
drama
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Isang simpleng dalaga na hindi matakasan ang gusot na kanyang kinasadlakan. Ang magkaroon ng one night stand sa isang lalaki na nakilala niya sa kasal ng kanyang kaibigan. 

Isang gabi na nagpabago sa buhay ni Alyanna Castillo. Isang gabi na kailanman ay hindi na pwedeng ibalik dahil nagsimula ang lahat mula nang nakilala niya si Zedric Kim ang bagong Presidente ng ZK Mall. Na kung saan siya ay namamasukan bilang promo girl ng isang sikat na cosmetics brand. 

Paano kung ang dalawang taong magkaiba ang katayuan sa buhay pinagtagpo ng kapalaran. At kahit pilitin mang itago ang lihim ng nakaraan, kung ang tadhana ang gumawa ng paraan upang ito'y mabunyag. Ang lihim na dapat ay walang makakaalam lalo na't ang lalaking mahal mo ay ikakasal na sa iba. 

Ito ang  kwento nang isang simpleng dalaga na hahamakin ang lahat wag lang mawalay sa taong pinakaimportate sa buhay niya. Magtatagumpay ba kaya s'ya? O, magpaparaya nalang para sa katahimikan ng lahat.

Abangan ang kanilang kwento.

chap-preview
Free preview
Prologue - SPG- R-18+ Not suitable for young readers.
Best friends for life. Ang motto ng magkaibigang Alyanna at Claire. Hindi makalimutan ni Alyanna ang unang pagkrus ng landas nilang dalawa. Hindi n'ya akalain na ang babaeng sa akala n'ya ay anak ng isang mahirap ay napakayaman pala. Habang naglalakad s'ya noon sa may eskinita. Isang babae at lalaki ang naghahabulan. Sa malayo palang ay akala n'ya nagtutuksuhan lang ang mga ito. Ngunit nang malapit na ito sa kanya narinig n'yang sumigaw ang babae na humahabol ng 'magnanakaw!'. Walang pag-aatubiling pinatid n'ya ang lalaki nang tumapat ito sa kanya saka mabilis na hinablot ang bag sa mga kamay nito. Dahil nakadapa ito bigla nitong hinawakan ang kanyang paa. Mabilis naman ang kanyang pag-aksyon. Sinipa n'ya ito sa mukha kaya napaimpit ito sa sakit sakto namang pagdating ng babae kasama nito ang mga pulis. Mula noon hindi na s'ya nilubayan pa ni Carol. Minsan napagkamalan pa silang magjowa dahil na rin sa kanya. Hindi s'ya mahilig sa mga seksi at fit na mga damit kabaliktaran naman kay Carol. Napaka sexy nito at ubod ng ganda. Ang tingin tuloy ng mga tao sa kanya ay isang lesbian. Minsan nga ay tinutukso pa s'ya ng kaibigan na maging sila nalang ng totohanan. Ngunit alam naman n'yang binibiro lang s'ya nito dahil engage na ito at malapit ng ikasal. Napangiti si Alyanna ng maalala ang nakaraan. Kay bilis ng panahon. Heto na s'ya ngayon naghahanda upang um-attend sa kasal ng kaibigan na gaganapin sa Cebu. Ilang pirasong damit lang ang dala n'ya dahil pagkatapos ng kasal uuwi na s'ya kaagad kinabukasan dahil dalawang araw lang ang leave na binigay ng kanyang supervisor. Nagtatrabaho s'ya bilang promo girl sa isang malaki at sikat na Mall sa buong Pilipinas ang ZK Mall. Kinuha n'ya ang kanyang cellphone sa may maliit na lamesita sa tabi ng kanyang higaan. Nais n'yang tawagan at kumustahin ang kanyang mga magulang na nasa Mindoro. "Nay! Kumusta po kayo ni Tatay?" bungad n'yang tanong sa ina. Na-paralyze ang kanyang ama mula noong umuwi ito galing sa Saudi. Kaya ngayon s'ya nalang ang tanging masasandalan ng kanyang ina sa lahat ng gastusin sa kanilang tahanan. "Okay naman kami anak huwag kang mag-alala sa amin. Maraming salamat nga pala sa pinadala mong pera. Nakabili na ako ng gamot para sa tatay mo anak." masiglang sagot ng kanyang ina. Napangiti s'ya. "Ganun po ba? Salamat naman po sa Diyos, nay." tugon n'ya sa ina. "Maraming salamat din saiyo anak dahil mas inuuna mo pa kami kesa sa sarili mong kaligayahan. Sana kapag uuwi ka rito ay may kasama kanang boyfriend. Alyanna, anak biente-tres kana pero wala ka pa ring boyfriend. Hindi ka naman pangit ah! Impossible na walang nanliligaw saiyo riyan." mahabang litanya ng kanyang ina. Napabuntong-hininga nalang siya. Wala pa kasi talaga sa priority n'ya ang magka-jowa. Nais n'ya pang makaipon para maipagamot ang ama sa pribadong hospital sa Manila. Alam n'yang gagaling pa ito. Namimis na kasi n’ya ang masigla nitong mukha habang tinutulungan nito ang kanyang ina sa gawaing bahay. Hindi pabayang asawa ang kanilang ama. Pagdating niya sa airport halos beinte minutos din s'yang naghintay ng kanyang flight patungong Cebu. Habang nakatayo sa tabi ng poste may narinig s'yang boses na napakasarap pakinggan sa tainga. Dahan-dahan n'yang nilingon ang may-ari ng boses na iyon. Ngunit s'ya mismo ay nagulat sa nakita. "Gosh! Artista ba s'ya?" bulong n'ya sa sarili habang nakatakip ang isang kamay sa bibig dahil sa paghanga sa kagwapohan ng lalaki. Tumayo s'ya ng matuwid saka kinalma ang sarili. "Bro, ba't hindi mo inaya si Monica na sumama sa'yo sa Cebu?" narinig n'yang tanong ng isang lalaking kasama nito. Hindi n'ya matukoy kung sino ang tinatanong nito. Siguro girlfriend n'ya ang nabanggit na babae. Hula ng kanyang isipan. "I asked her. But you know her bro pagdating sa trabaho n'ya hindi mo 'yon maaya lalo pa't hindi naman sila close ng ikakasal." umiiling na sagot ng lalaki. Napabuntong-hininga siya. Badtrip naman may girlfriend na siya. Hiyaw ng kanyang puso. Ang landi mo teh! sagot naman ng kanyang isip. Hindi sinasadyang napalingon s'ya sa gawi ng lalaki. Ngunit huli nang mapagtanto n'yang nakatingin rin pala ito sa kanya. Saglit silang nagkatitigan. Para hindi s'ya mahalata nito na kumakabog ang kanyang puso ngumiti na lamang s'ya bago binawi ang tingin at yumuko. Gabi nang makarating si Alyanna sa resort kung saan gaganapin ang kasal ng kaibigan. Dahil sa pagod hindi na s'ya nagbalak pang bumaba. Mayamaya habang abala s'ya sa panonood ng kdrama nakarinig s'ya ng mahinang katok sa pinto. Alam n'yang ang kaibigan n'ya ito kaya mabilis ang hakbang na tinungo n'ya ang pintuan upang pagbuksan ito. "Bes ko!" Agad s'ya nitong niyakap. "Akala ko hindi mo ako sisiputin." Nakabusangot nitong saad. "Ano ka ba! Minsan lang 'to mangyari sa buhay mo paaasahin ba naman kita?" Sagot n'ya habang yakap-yakap ang kaibigan. "I love you!" "Thank you, Bes. I love you too." Kapwa Sila nagtawanan dahil sa kanilang ka-dramahan. Sabay pa na nagtrapo ng mga luha. Kinabukasan, maagang naggayak si Alyanna upang hindi s'ya mahuhuli sa ceremony. Nakakahiya kapag sakaling mangyari iyon. Saktong alas-siyete e medya ay handa na s'ya kaya agad n'yang pinuntahan ang kaibigan. Tumulo ang kanyang mga luha nang makita itong nakasuot ng wedding gown. "Why are you crying?" Biro nito sa kanya. "Tss.. tears of joy nga di ba? Pa'no kasi napakaganda mo bes ko." nakabusangot n'yang turan. Kinurot s'ya nito sa tagiliran. "Ikaw din naman. Sana nga makahanap kana rin ng jowa para ikaw ang sumunod na magsuot ng ganito." turo nito sa suot na wedding gown. "Asus, hindi pa ako nagmamadali. Darating din tayo riyan." nakangiti n'yang sagot. Nang mag-umpisa ang kasal halos namilog ang kanyang mga mata ng makita ang kanyang partner maging ito ay nagulat ng makita siya. "You?" hindi makapaniwalang bigkas nito. Ngumiti lang s'ya dahil hindi n'ya alam kung ano ang sasabihin. Bigla s'yang napepe. "What a small world huh!" muli nitong sabi. "Kung alam ko lang na dito ka rin pupunta sana sinabay kana namin kahapon dahil mukhang nag-iisa kalang." dagdag pa nito habang nakangiti. Lumabas ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin na mas lalong dumagdag sa karisma nito. Naipilig ni Alyanna ang kanyang ulo dahil sa mga naiisip. Ngayon lang nangyari sa kanya ang ganito. Masyado s'yang apektado sa lalaki lalo na ang nananahimik n'yang puso. "By the way. I'm Zedric." pakilala nito sa sarili. Natawa s'ya. "Alyanna, Alyanna Castillo." "Oh! Ba't ka natawa?" nakangising tanong ni Zedric kay Alyanna. "Pa'no kasi kanina pa tayo nagdadaldalan ngayon kapa nakaalalang magpakilala." tugon niya. "Oi mukhang nagkatuwaan na kayo riyang dalawa. Mag-uumpisa na tayo." singit sa kanila ng baklang organizer sa kasal na si Danny sa umaga Dina sa gabi. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Alyanna ang malagkit na tingin ng bakla sa kanyang kapareha. Napansin ni Alyanna ang panaka-nakang sulyap ni Zedric sa kanya kanina habang nasa harap sila ng altar. Pagkatapos ng seremonyas ng kasal kanina ay nagpaalam na siya kay Carol na babalik na sa kanyang kwarto. Sinabi n'ya lang sa kaibigan na masama ang kanyang pakiramdam. Hindi na s'ya nakatagal sa reception dahil pakiramdam n'ya hindi s'ya nababagay doon. Para kasi s'yang kaawa-awang nilalang sa tabi na walang makausap. Ayaw naman n'yang abalahin ang kaibigan dahil maraming bumabati rito na mga mayayamang bisita. Habang nagpapahinga sa kanyang kwarto ay hindi n'ya mapigilang kiligin. First time ito mangyari sa buhay n'ya. Nais n'ya sanang mag-open up sa kaibigan ngunit busy ito at saka alam n'yang walang humpay na tukso ang aabutin n'ya rito. Nakatulog si Alyanna sa kakaisip. Nagising nalang s'ya ng may kumatok sa kanyang pintuan. Pagbukas n'ya ng pinto sumalubong sa kanya ang isang waiter na may dalang pagkain. "Sa akin po ba iyan?" nagtatakang tanong niya. Nais n'yang manigurado dahil hindi naman s'ya nag-order ng pagkain. "Kayo po ba si Miss Alyanna Castillo maam?" tanong ng waiter sa kanya. Tumango s'ya. "Para po talaga sa inyo ito maam. Pakibasa nalang po ng card para malaman ninyo kung kanino galing." paliwanag ng lalaki sa kanya. "Okay. Maraming Salamat." Nanlaki ang kanyang mga mata nang mabasa ang nakasulat sa card. "Galing sa kanya?" Nausal n'ya. Napaisip s'ya bigla dahil sa ginawa nito. Kinagabihan marami na ang bisita na dumating sa pool party na isinagawa para sa bagong kasal. Nagdadalawang isip si Alyanna kung pupunta ba s'ya o magpahinga nalang sa kanyang kwarto. Sa kalagitnaan ng kanyang pag-iisip nakatanggap s'ya ng message mula sa kaibigan. Wala s'yang choice kundi bumaba. Samantalang kanina pa hinahanap ng mga mata ni Zedric ang babaeng nakapareha. Nasa isang sulok silang magbarkada nakaupo sa may pabilog na mesa. "Who are you looking for?" Birong tanong ng kaibigan n'yang si Kyle sa kanya. "Nothing." Umiiling n'yang sagot. Palibhasa ay playboy kaya alam na alam ang galawan. "Wee! Kanina ka pa balisa, tol! Huwag kang mag-alala darating 'yon, okay?" Muli nitong kantiyaw sa kanya. Hindi nakatiis si Zedric. Tumayo s'ya upang magpahangin at hanapin na rin sana ang babae ngunit biglang tumunog ang kanyang cellphone. "Babe!" "Nakarating kalang d'yan kinalimutan mo na ako." Nagtatampong saad ng kausap niya. "I'm sorry naging busy lang. You know naman kapag ganitong okasyon maraming businessman ang uma-attend kaya ayun napasabak instead na magpahinga." Sagot n'ya rito which is totoo naman. Pagod na s'ya sa pakikipag-usap sa mga taong lumalapit sa kanya para lang makipag-usap tungkol sa negosyo. Mayamaya nagpaalam na rin s'ya rito. "Bye, babe. I-I love you too." parang ayaw pang lumabas sa kanyang bibig ang mga katagang iyon. Ang mga katagang iyon ay hindi nakaligtas sa pandinig ni Alyanna na nasa kabilang parted ng halaman kung saan nakatayo si Zedric. Napanghina s'ya sa narinig dahil umasa ang kanyang puso sa unang pagkakataon ngunit palpak pa. Natanaw n'ya ang dalawang babae at isang bakla na may bitbit na tray ng alak. Nilapitan n'ya agad ang mga ito at agad na kinuha ang isang baso saka walang prenong tinungga iyon. "W-Wait... Miss! H-Hindi po yan p-pwe..." Hindi na natapos ng bakla ang sasabihin dahil kinuha n'ya muli ang isang baso at deritsong tinungga ang laman niyon. Napanganga ang mga ito, gulat na gulat dahil sa ginawa n'ya. "Pa'no na yan. Baka mapagalitan tayo." Narinig n'yang bulong ng isang babae. "Tara na habang hindi pa umepekto." Agad na umalis ang tatlo. Nagtaka naman si Alyanna sa naramdamang pagkahilo at biglang pag-init ng kanyang buong katawan. Wala sa sarili na huhubarin n'ya sana ang suot na white t-shirt at sexy short ngunit may biglang pumigil sa mga kamay n'ya. "What the h**l is wrong with you? Maghuhubad kana lang basta-basta kahit saan?" Singhal ni Zedric sa dalaga. "M-Mainit ang katawan ko. G-gusto kong magbabad sa malamig na tubig." Nanghihinang sagot ni Alyanna. "Bakit ka kasi uminom ng marami hindi mo naman pala kaya." inis na sabi ni Zedric Hindi pinansin ni Alyanna ang sinabi ng lalaki. Gusto na n'yang bumalik sa kanyang kwarto bago paman s'ya himatayin dito. "D-dalhin mo ako sa room ko please. Gusto kong maligo." Pakiusap n'ya rito kahit hindi s'ya sigurado kung ang lalaki na tumutulong sa kanya ay ang lalaking kanina pa laman ng kanyang isipan. Agad na inakay ni Zedric ang babae patungo sa elevator. May hinala s'ya sa nangyayari rito. Sigurado s'yang may nagpa-inom dito ng drugs. Pagdating nila sa kwarto ni Alyanna. Mabilis ang mga galaw na tinanggal n'ya ang kanyang mga damit hanggang sa naka-panty at bra nalang s'ya na nakatayo sa harapan ni Zedric na hindi n'ya namamalayan. Balak n'ya sanang magbabad sa bathtub ngunit nang tiningnan n'ya ang gwapong mukha ng lalaki ay lalong uminit ang kanyang pakiramdam. Ipinilig n'ya ang kanyang ulo upang labanan ang nasa kanyang isipan at init ng kanyang katawan. Humakbang s'ya paakyat sa isang baitang ng sahig patungo sa banyo. "Where are you going?" bigla s'yang hinila ni Zedric kaya napasubsob s'ya sa dibdib nito. "I w-want to take a bath. K-kasi baka ma-mahahalikan na kita kapag hindi ko napigilan ang sarili ko." humihikbi habang nauutal na sagot ni Alyanna. Napatitig si Zedric sa mapupulang mga labi ni Alyanna. Natutukso na rin siyang halikan ito. "Really? Bakit hindi mo gawin?" panunukso n'ya sa babae. Nagulat si Alyanna sa narinig. Okay lang sa kanya na halikan n'ya? Sigaw ng kanyang isipan. Napangiti s'ya. Walang pag-aalinlangan na sinunggaban niya ito ng halik. Mayamaya kapwa hingal na tumigil ang dalawa ng halos maubusan ng hininga. Magkadikit ang kanilang mga noo habang magkayakap. "I want you." bulong ni Zedric kay Alyanna. "Ohh! Can you do it now, please? I'm going ins*ne now, Zedric." paungol niyang sagot. Dahil sa kanyang sagot ay mabilis ang galaw na binuhat s'ya ni Zedric patungo sa malaking kama. Mabilis itong naghubad ng damit saka dumagan sa kanya. Habang magkahinang ang mga labi ay naglandas ang kamay ni Zedric mula sa kanyang dibdib na nagdulot sa kanya ng lalong pag-init. Napaigtad s'ya ng sakupin ng bibig nito ang kanyang malulusog na dibdib. Para s'yang bata na takot maagawan ng candy. Mayamaya bumaba ang halik nito sa kanyang puson. Hanggang sa dumako iyon sa kanyang kaselanan ay halos umarko ang kanyang katawan sa sobrang sarap na kanyang nararamdaman. "Ohh, sh*t!" Halos hindi na n'ya maintindihan ang galaw ng kanyang katawan hanggang sa may lumabas na mainit-init na likido sa kanyang ibaba. Mayamaya bumalik si Zedric sa kanyang itaas upang humanda sa pagpasok nito sa kanyang kweba. Bahala na! Sigaw ng isipan ni Alyanna. "Alyanna, nakakabaliw ka." bulong ni Zedric sa kanyang tainga na lalong nagdulot ng ibayong kiliti sa kanya. Ngumiti s'ya sa lalaki saka kusang inilapit ang mukha rito upang halikan. Hindi na pinatagal pa ni Zedric. Dahan-dahan n'yang ipinasok ang kanyang kahabaan sa makipot nitong kweba. "I'm sorry. Hindi ko alam." nag-aalalang bulong ni Zedric. Hindi n'ya alam na s'ya ang unang lalaki sa buhay nito. "Ipatuloy mo lang." pabulong n'yang sagot. Hindi n'ya napigilan ang pagngilid ng mga luha sa kanyang mga mata. Ang kanina'y masakit ngayon ay unti-unting sumasarap. Nang maramdaman ni Zedric ang pagsabay ni Alyanna sa kanyang mga galaw mas lalo pa n'yang tinuduhan sa pag-indayog hanggang sa alam n'yang malapit na ito sa sukdulan. "Ahhh!" Kapwa sigaw nilang dalawa ng sabay nilang abutin ang sarili nilang orgasm. Sa loob ng kwartong iyon nangyari ang hindi inaasahan ni Alyanna sa tanang buhay n'ya. Kinabukasan bumungad kay Alyanna ang natuklasan tungkol sa lalaking nasa harapan n'ya na tulog at nakadapa. Tumulo ang kanyang mga luha nang mabasa sa internet ang balitang engage na pala ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook