Story By Juvy Pem
author-avatar

Juvy Pem

ABOUTquote
Happy new year sa inyong lahat. Pasensya na po kau sa matagal na hiatus. I will do my best na maayos ang lahat ng aking libro. ~~~ THANK YOU SO MUCH GUYS ~~~ ~~~ Mwuaaahhhh hugs ~~~
bc
One Memorable Night (The Billionaire's Club 1 )
Updated at Jan 16, 2024, 21:25
Isang simpleng dalaga na hindi matakasan ang gusot na kanyang kinasadlakan. Ang magkaroon ng one night stand sa isang lalaki na nakilala niya sa kasal ng kanyang kaibigan.  Isang gabi na nagpabago sa buhay ni Alyanna Castillo. Isang gabi na kailanman ay hindi na pwedeng ibalik dahil nagsimula ang lahat mula nang nakilala niya si Zedric Kim ang bagong Presidente ng ZK Mall. Na kung saan siya ay namamasukan bilang promo girl ng isang sikat na cosmetics brand.  Paano kung ang dalawang taong magkaiba ang katayuan sa buhay pinagtagpo ng kapalaran. At kahit pilitin mang itago ang lihim ng nakaraan, kung ang tadhana ang gumawa ng paraan upang ito'y mabunyag. Ang lihim na dapat ay walang makakaalam lalo na't ang lalaking mahal mo ay ikakasal na sa iba.  Ito ang  kwento nang isang simpleng dalaga na hahamakin ang lahat wag lang mawalay sa taong pinakaimportate sa buhay niya. Magtatagumpay ba kaya s'ya? O, magpaparaya nalang para sa katahimikan ng lahat. Abangan ang kanilang kwento.
like
bc
THE CEO'S SURROGATE MAID
Updated at Apr 29, 2023, 15:28
( ON GOING ) Free to Read Minsan sa buhay nakakalimutan natin na may dignidad din tayong pinangangalagaan. Dahil sa sobrang obsessed natin sa mga bagay o tao na hinahangaan.      Hindi akalain ni Margot Alcantara, na magbabago ang takbo ng buhay mula nang nakilala niya si Axel Soriano. Sobrang obsessed siya dito, na kahit sarili n'yang pangarap ay kaya n'yang isakripisyo alang-alang sa pagmamahal niya sa lalaki, kahit malabo s'yang mapansin nito. Nag-apply s'ya bilang housemaid ni Axel upang mapalapit sa binata.       Si Axel Soriano ay dating sikat na artista, at ngayo'y CEO ng isang sikat na clothing brand. Hindi ito pabor sa long time relationship, dahil hindi pa rin ito naka-move on sa kanyang first love. Ngunit sinubok siya ng kanyang mga magulang, nais ng mga ito na magka-apo. May naisip si Axel na paraan upang maibigay ang hinihingi ng mga magulang. Naghanap siya nang surrogate mother na willing sa lahat ng condition na ibibigay niya. Ngunit hindi niya akalain na papayag ang kanyang housemaid, gumawa siya nang agreement at pinapirma ito.       Abangan kung ano ang mangyayari sa buhay ni Margot pagkatapos n'yang maibigay ang gusto nang lalaki. Malalaman kaya ni Axel ang tunay na nararamdaman nang dalaga? Ano ang mararamdaman ni Axel pag nawala si Margot sa buhay niya, gayong alam niya na siya ang unang lalaki sa buhay nito? 
like
bc
Legally Your's
Updated at Mar 31, 2023, 16:40
Umibig at pinagtaksilan. Sinaktan at pinaasa. Kaya mo pa bang magpatawad sa taong lahat ng pasakit ay pinaranas sa'yo ng walang pag-aalinlangan? Isang gabing pagkakamali na nagdulot sa kanya ng matinding paghihirap. Ang akala ni Ivy ay biro lamang nang tanggapin n'ya ang alok na kasal ng bilyonaryong si Javier sa isang pool party. Ngunit nagising siya isang araw na totoong kasal na s'ya kay Javier Kent Mallari. Hindi na s'ya nakatakas sa sitwasyon n'ya kaya minabuti nalang na tanggapin n'ya ang lahat. Ngunit sa isang iglap natuklasan n'yang isa lamang pala iyong pagkukunwari sa harapan ng karamihan. Makakaya ba n'yang ipaglaban ang pagmamahal sa lalaki kung ang matindi n'yang kaagaw dito ay ang babaeng labis nitong minahal? Paano paglalapitin ng isang bata ang dalawang puso na labis ang pagkamuhi sa isa't-isa? Makakaya kayang tanggapin ni Ivy si Javier alang-alang sa kapakanan ng kanilang anak? Sundan kung paano iikot ang kanilang kwento.
like
bc
The Billionaire and the Lady guard ( The Billionaire Series #2 )
Updated at Feb 18, 2022, 02:44
( ON GOING ) SOON TO UPDATE Isang playboy billionaire, at isang astig na Lady guard. Dalawang tao na may magkaibang prinsipyo at paninindigan humantong sa isang kasalan?         Si Kyle Mondragon dakilang playboy at nag iisang taga pagmana ng Mondragon Hotel and Resort. Hindi nito ugali ang maghabol at matali sa isang babae. Ashley Sarmiento, isang astig na lady guard ng Mondragon hotel. Matapang at handang ibuwis ang buhay sa ngalan ng trabaho. Nagkatagpo sa isang hindi sinasadyang pagkakataon, na nagdulot nang hindi pagkakaunawaan sa isa't-isa. Sa isang iglap humantong ang dalawa sa isang kasalan na pinagkasunduan ng kanilang mga magulang. Ang buong akala ni Kyle ay kilala na niya ang dalaga, ngunit habang tumatagal nagiging misteryoso ang katauhan nito. Paano kung isang araw matuklasan ni Kyle na ang babaeng matagal na niyang pinapahanap na laging laman ng mga panaginip niya at ang kanyang asawa ay iisa. Abangan ang kwento ni Kyle at Ashley. At kung ano ang lihim ng katauhan ni Ashley Sarmiento.
like
bc
Madly Inlove ( Sugar Daddy Series #4 Collaboration )
Updated at Feb 6, 2022, 12:31
Malayo man ang agwat nang edad at katayuan sa buhay, ngunit hindi ito hadlang sa pag-iibigan ni Jasper at Zana.      Si Jasper ay hiwalay sa kaniyang unang asawa na si Annika. Pinagkasundo sila nang kanilang pamilya, ngunit hindi naging maayos ang kanilang pagsasama, at nauwi sa hiwalayan.      Si Zana ay kasambahay ni Jasper at yaya ng kan'yang anak. Mataas ang pangarap nito sa buhay, para sa sarili at sa pamilya. Matutupad nga ba ito ngayong may namagitan na sa kanila ng kanyang amo na si Jasper?     Mahahadlangan ba ng dating asawa ni Jasper ang relasyon niya sa yaya ng kaniyang anak? Maaagaw pa rin ba si Jasper ng dating asawa, ngayong pilit nitong bumalik sa kanya? At paano niya ipaglaban ang pag-ibig niya para kay Zana? Abangan ang kwento ni Jasper at Zana Grace. 
like