Prologue
" Itali mo ng maayos at nang hindi makawala," narinig ni Kyle ang malakas na boses ng lalaki.
Nakatali siya sa isang sulok, at nakatakip ang mga mata, may nakatabon na sako sa ulo niya. Di niya mawari kung saang lugar ito dahil naamoy niya ang mga usok ng sigarilyo. Ano ang kailangan ng mga taong ito sa akin? Tanong ni Kyle sa sarili, pilit niyang inaabot ang tali sa mga kamay niya ngunit napaka higpit ng pagka tali nito.
" Boss, kailangan na nating tapusin 'to kasi baka matunugan pa tayo ng mga pulis" sabi naman ng isang lalaki.
" Maghintay ka, di pa nga natin napapakinabangan hindi mo ba kilala yan? Anak yan ni Frederick Mondragon mayaman yan kahit 10 Million kayang ibigay ng tatay niyan hindi ka talaga nag iisip." sagot ng tinatawag na boss.
Ibig sabihin pera ang habol ng mga ito sa kanya? Ngunit paano siya nakilala nang mga ito? Habang nakikinig si Kyle sa mga pinag-usapan ng mga kumidnap sa kanya, napaisip siya kung sino ba ang mastermind ng mga ito.
Maya-maya may tumunog na cellphone.
" Ma'am, anong gagawin namin dito?" tanong ng lalaki sa kausap sa cellphone.
" Okay ma'am, kami na po bahala basta ang napagkasunduan wag mong kalimutan, kundi yari sa amin 'to." nagulat si Kyle sa narinig, so ang ibig sabihin babae ang mastermind sa pag kidnap sa kanya?
" Ayos mga tol! Doble ang kita, iba ang manggagaling kay madam, pwede pa natin siyang ipatubos sa ama niya! Nagsigawan sa tuwa ang mga holdaper.
Gigil na gigil si Kyle sa narinig, kailangan niyang makawala dito, kundi pati ang ama niya ay madadamay sa gulo.
Pilit kumawala ni Kyle sa pagkakatali sa kanya, sana man lang may makakakita sa kanya doon at ng hindi mag tagumpay ang mga ugok nato, naisip ni Kyle.
" Boss, maganda ba yung babae na nakausap mo?" narinig ni Kyle na tanong nang isa, halatang lasing na.
" Sshhh bunganga mo! Baka marinig ka pa diyan at malalagot tayo!" sagot ng tinatawag na boss.
Parang unti-unti nang himatayin si Kyle dahil sa amoy ng sako at nahihirapan siyang huminga dahil walang hangin na nakakapasok.
Pilit niyang nilalabanan ang pagkahilo, naalala niya ang nangyari.
Habang naglalakad s'ya papasok sa club, biglang may sumabay sa kanya na tatlong lalaki. Hindi niya ito pinansin dahil sa pag-aakalang mga costumer din ito nang club. Ngunit bigla na lamang s'yang inatake nang mga ito. Nagising siya sa ganoong kalagayan.
Ilang sandaling katahimikan, habang naririnig niya ang mga tunog ng bote at pag uusap ng mga lasing na nagbabantay sa kanya narinig niya ang biglang banggggg........
Isang malakas na sipa ang tumama sa tiyan ng isang lalaki. Nagulat si Kyle ng may lumapit sa kanya at tinanggal ang nakatakip sa mga mata niya at pati ang nakataling mga kamay niya. Sa may di kalayuan nakita niya ang isang babae, malakas ang loob nitong nakipag laban sa limang lalaki. Napatunganga si Kyle sa nakita dahil ang bilis ng mga kamay nito napatulog nito ang limang kalaban.
Kahit medyo may kadiliman sa kinaroroonan nila naaninag niya ang magandang hubog ng katawan nito at mahabang straight na buhok. Di niya maaninag ang mukha dahil nakatakip ito ng mask. Ngunit ang di nakaligtas sa mga mata niya ang tattoo na rose sa may bandang kaliwang balikat nito, dahil natanggal ang suot na jacket nito kaya kitang kita ang tattoo dahil sa suot nitong spaghetti strap na pang-loob.
" Sir, ligtas kana po, parating na po ang mga pulis para arestuhin ang mga kidnaper na yan buti nalang nakita namin ang pagdukot nila sayo kung hindi nako kawawa ka po" sabi ng lalaki na tumulong sa kanya. Mukhang bata pa din ito at halatang may pagka-babae kung gumalaw. Dahil sa kadiliman ng paligid kaya di niya masyadong maaninag ang mukha nito.
" Maraming salamat," sagot niya sa lalaking tumulong sa kanya.
" No problem Sir!" saad ng lalaki, sabay tayo.
" Sino ba kayo paano ko kayo masuklian sa pagtulong niyo sa akin. " kunwaring tanong ni Kyle para lang malaman ang pangalan ng babae.
" Ahhh, wag na po!" nag-iingat si Bryan na wag makilala ni Kyle, kaya minabuti niyang umiwas.
" Tayo na dude, ang mga pulis na ang bahala sa kanya. " tawag ng babae sabay suot ng kalo sa ulo. Kahit ang boses napaka lambing sarap pakinggan, umaandar na naman ang pagka playboy ni Kyle kahit sa ganoong sitwasyon. Lumakad naman ang lalaki at sumunod sa babae palabas ng gusali. Naiwang nakatulala si Kyle at maya-maya dumating na din ang mga pulis at inaresto ang limang lalaki.
Hindi mawala sa isip ni Kyle ang nangyari nang gabing iyon. Pinahanap niya sa kanilang mga tauhan ang dalawang taong tumulong sa kanya. Ngunit wala silang makitang lead dahil walang cctv sa lugar nang pinangyarihan.
Di na muna pumupunta si Kyle sa mga club mula nang magyari yun. Dahil nakatanggap ulit sila nang isang death threats. Kaya malaking kaisipan sa kanila kung sino ang may galit sa kanya, o di kaya sa pamilya niya.
Maliban sa mga babaeng nasaktan niya wala na siyang lead kung sino ang may lakas ng loob na gumawa sa kanya nang ganun.
Mula naman nang gabing iyon, laging napapanaginipan ni Kyle ang nangyari at laging nandoon ang babae. Di man niya maaninag ang mukha nito ngunit alam ni Kyle na napaka ganda nito. Nananatiling misteryoso sa kanya ang babae.
Samantalang lingid sa kaalaman ni Kyle na alam ng babae lahat ng kinikilos niya. Pati ang pag-utos niya na ipahanap ito. Minsan napapangiti ang babae, dahil mula noong gabing yun, bihira nalang nitong makita na pumasok si Kyle sa club. At nilalayuan niya ang mga babaeng lumalapit sa kanya.
Nakatanggap ang babae ng order mula sa headquarter. Inatasan itong imbestigahan ang mga banta sa pamilyang Mondragon. Pilit nitong itinatago ang identity, dahil ayaw nitong masangkot ulit sa buhay ni Kyle Mondragon. Dahil ito ang lalaking sumira sa munting pantasya niya noon.
Malalaman kaya ni Kyle ang tinatagong katauhan ng babae? Ano ang kinalaman ni Kyle sa nakaraan ng dalaga na pilit nitong kinalimutan.