Chapter 2

1033 Words
" Bryan, anu ba ma late na ako bilisan mo naman," sigaw ni Ashley sa kaibigan. Pumapasok siya bilang Lady guard sa Mondragon hotel and resort isang pinaka sikat na hotel sa buong Pilipinas. " Besh ano kaba natataranta ako sayo ehh," sagot nito. Si Bryan ay isang event planner sa Mondragon hotel and resort. " Ang bagal mo naman kasi alam mong ngayon ang dating ng mga bisita galing sa ibang bansa," sagot naman ni Ashley habang naka upo sa kanyang motorsiklo, ito ang alaga niya at tanging sasakyan papuntang trabaho. Naka angkas sa likod niya si Bryan, habang nasa daan sila di naman mapigilan ng ibang kalalakihan na mapalingon sa kanya, dahil di naman talaga maitatago ang angking ganda ni Ashley lalo na pag nakasuot na ito ng paboritong itim na damit at sombrero tapos salamin sa mata, lumalabas ang kaputian nito. Napasulyap si Ashley sa kasabay na Lamborghini sports car sa tabi nila, " Ang gara besh yayamanin ang may ari" bulong ni Bryan habang nasa stoplight sila. " Mom, stop it ayaw ko ng pag-usapan yang about sa blind date na yan, im not interested okay bye.....," pinatayan ni Kyle ng cellphone ang Mommy niya. Gustong gusto na nitong mag asawa na siya dahil sa pagiging playboy niya kaya kahit sino nalang ang gustong ipa blind date sa kanya. Napailing siya habang naghihintay ng green light, napalingon siya sa katabing naka motor,saktong nakatingin din sa dako niya ang babae. Ang ganda niya, pero di mawari ni Kyle kung tomboy ba ito dahil sa awra nito. Sayang, bulong niya sa sarili at pinaandar na ang sasakyan niya, nagtaka naman siya kasi laging nakasunod sa kanya ang naka motor na babae hanggang sa..... hotel nila? Dumeretso ang babae sa likurang bahagi ng hotel. Habang naghahanda si Ashley, tinawagan siya ng headquarters na sa entrance siya naka a sign. Habang papunta sa entrance nakasalubong niya ang tatlong lalaki na naka tuxedo, kilala niya ito si Kyle Mondragon ang sikat na playboy kung makapagpalit ng girlfriend ay parang nagpapalit lang din ng damit. Napatingin ito sa kanya at napakunot ang noo. Di naman din kasi maikakailang gwapo ito kaya andaming naghahabol dito. Pagpasok ni Kyle sa opisina, andoon na ang Ama naghihintay sa kanya. " Are you ready son?" tanong ng ama niya. " Of course Dad!" sagot naman ni Kyle. "Wag kang hambog dahil hindi ito katulad ng mga babae mong madali mo lang mabilog ang utak. Remember mga bigating investors natin sila galing sa ibat ibang bansa kaya be careful with your words," saad ng dating CEO ng Mondragon hotel and resort na si Frederick Mondragon. Ipapasa niya sa anak ang lahat ng responsibility bilang CEO ng Mondragon Hotel na may iba ibang branch sa buong Pilipinas at maging sa ibang bansa. " Understood Dad don't worry," seryoso niyang sagot. Playboy man si Kyle, pero pagdating sa kompanya at trabaho seryoso ito. Masyado din itong strikto pag dating sa mga empleyado, kaya kapag namataan ng mga ito ang mukha ni Kyle sa hotel di na sila magkanda ugaga maghanap ng gagawin binansagan nila itong " tigre". Bukod sa kilalang hottest playboy billionaire si Kyle, isa din itong matalino, nag tapos ito sa isang sikat na eskwelahan sa London sa kursong Masters degree in business administration (MBA). Kaya karamihan sa mga kasusyo ng ama sa kompanya ay bilib sa kanya. Unti-unting nagsidatingan ang mga VIP visitors ng Hotel kaya busy mood na si Ashley sa pag maniubra upang mapanatiling safe ang mga VIP at peaceful ang kapaligiran. Dahil din kasi sa mga natanggap na death threats ng pamilya Mondragon kaya nag deploy ng maraming security guards at may mga undercover agents din na katulad ni Ashley. Isa si Ashley Sarmiento sa mga mabagsik na membro ng Special Task force, graduate siya ng Criminology at nagtapos din ng Certified Public Accountant (CPA) sa isang sikat na eskwelahan sa manila. Dahil sa talino at husay niya sa martial arts, maraming ahensya ang gustong kumuha sa kanya. Kaya siya ang napili na mag imbestiga sa kaso ng Mondragon family. Lingid sa kaalaman ng lahat na isa siyang spy na nag panggap bilang lady guard sa Mondragon hotel upang matukoy kung sino ang may pakana sa lahat ng death threats ng pamilya Mondragon. Sa loob ng malaking conference room nagtipon-tipon ang mga bigating business tycoons. Naituring na isa sa pinaka malaking share holder meeting ang pagtitipon ngayon, dahil inanunsyo ng dating CEO ang pag take over ni Kyle sa kanyang posisyon. Malaki ang suportang binigay ng mga investors sa pag take over ni Kyle sa kompanya, maya-maya nag offer ng toast si Mr. Frederick Mondragon and dating CEO. Nagpalakpakan ang mga nasa loob ng conference room at maya-maya nag umpisang nagsilabasan ang mga ito ng matapos ang meeting. Abala naman si Ashley sa pag escort sa mga VIP palabas ng hotel. Habang pabalik sa loob nakasalubong niya ang mag-amang Mondragon. Napayuko naman siya bilang pag galang, ngunit ang inaakala niya na dumiretso ito palabas ay huminto ito sa harap niya. " Are you Ashley right?" tanong ni Frederick sa kanya. " Yes Sir," biglang napatingin si Ashley sa matanda, napasulyap siya sa mukha ni Kyle na nagulat dahil kilala siya ng ama nito. " Kilala niyo po ako?" nagulat na tanong ni Ashley. "Yes of course iha, lagi kang naikwento ng ama mo sa akin" sagot ni Frederick. Naiwang napatulala si Ashley, tinapik naman ni Frederick ang balikat niya bago ito tuluyang umalis. " Dad, you know that woman?" di mapigilan ni Kyle ang magtanong sa ama habang papunta sila sa naghihintay na sasakyan. " Yes, anak yan ng kaibigan ko noong high school, si General Rondel Sarmiento" kwento ng ama ni Kyle sa kanya. " Ganun ba Dad, kaya pala mukhang mayabang" sagot ni Kyle, na may halong pagsisinungaling dahil unang kita palang niya sa dalaga attracted na siya dito. " Son wag ka agad mag judge ng tao, dahil malay mo baka siya pa makatuluyan mo" biro ng ama sa kanya sabay kindat. " Di naman halatang nagbibiro ka Dad," tumatawang sagot ni Kyle. No way, wala pa akong balak mag asawa hanggat di ko makita ulit ang babaeng yun nasa isip ni Kyle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD