Chapter 3

1637 Words
Pagkatapos mag report ni Ashley sa headquarters, dumeretso na sya sa apartment niya,nagulat siya ng ng kumatok sinilip niya muna sa konting butas saka binuksan ang ama niya ang dumating. " Napadalaw ka dad," tanong niya sabay yakap dito. Nag iisang anak lang siya ni General Rondel Sarmiento at asawa nitong si Mrs. Editha Sarmiento ang ina ni Ashley. "Bakit bawal bang dalawin ang nag iisang anak ko?" sagot nito. " Syempre naman pwedeng pwede kayo pa....kumusta po si mommy dad," tanong ni Ashley sa ama habang pinag handa niya ito ng maiinom. "She's fine, ayun bulaklak pa din laging kaharap, anak hindi kaba malungkot dito?" nalulungkot na tanong ng ama ni Ashley. " Hindi naman dad, alam mo naman ako diba gusto ko ng tahimik na kapaligiran," mabining sagot ni Ashley sa ama. Nakipag kwentuhan muna ang ama niya saka ito umuwi,kahit gaano ito ka abala sa trabaho di nito nakakalimutang dalawin si Ashley. Sa kabilang dako, pinaligiran naman si Kyle ng mga babae sa club. Kamakailan lang nakipaghiwalay siya sa nobyang si Jecel isang sikat na modelo. Nagsawa na siya dito dahil sa sobrang pagkaselosa. Maya-maya nakita niyang parating si Adrian ang kanyang kaibigan. " Bro kumusta?" tanong nito sa kanya. " Okay lang naman pogi pa din," biro niya habang sinasalinan ng alak ang kaibigan sa isang baso. " Himalang nagawi ka dito mag-isa asan na ang modelo mo?" biro nito sa kanya. " Wag mo akong tanungin dahil broken hearted ako ngayon," tumatawang tinungga niya ang laman ng baso. " Ohhhh maniwala naman ako, ikaw na bigo wahahahaha di pa pinanganak ang maka gawa sayo niyan," sagot ni Adrian. " Nakakasawa ang pagiging selosa niya kaya ayun di ko napigilan nakipag hiwalay ako sa kanya," sabi ni Kyle. " Sana lang di siya katulad kay Krizzel na mahilig magbanta." Napailing nalang si Adrian sa kaibigan. Nagkaroon ng problema si Kyle noon dahil ayaw makipaghiwalay si Krizzel Del Monte sa kanya. Nagbanta ito na gagawin ang lahat upang hindi siya maagaw ng iba. Hindi naman nagpaapekto si Kyle dito, dahil alam niyang walang kakayahan ang babae na gumawa ng ikakasama nito. Si Krizzel ay anak ng isang Governor, kaya tiwala si Kyle na di nito kayang gumawa ng eksena na ikakasira din ng pangalan ng ama nito. Di na nag abalang gumising ng maaga si Ashley dahil pang gabi siya ngayon, kaya pinili niya munang mahiga upang makapag pahinga magpa deliver na lang siya ng almusal mamaya. Naalimpungatan siya ng tumunog ang cell phone niya, ang mommy niya ang tumawag. " Hello, mom!" saad ni Ashley, habang tumihaya mula sa pagkakadapa. " Naku anak tanghali na tulog kapa?" tanong nito sa kabilang linya. " Mom, pang gabi po ako mamaya, kaya kailangan kong matulog hmmm," paliwanag ni Ashley sa ina. " Okay, basta kumain ka ng maayos ha, wag magpagutom bumisita ka dito sa bahay pag wala kang pasok," malungkot nitong saad. "I miss you mom!" paglalambing ni Ashley sa ina dahil alam niyang nagtatampo ito. Dahil sa trabahong pinili niya, mas minabuti niyang wag tumira sa bahay ng mga magulang upang wag malaman ng iba ang tunay niyang trabaho at katauhan. Pagkatapos ng pag uusap nila ng mommy niya bumangon na din siya at nag order ng almusal sa Jollibee. Dali-dali siyang naligo at nagbihis ng pang bahay, maya-maya dumating ang order niyang almusal. Kinagabihan papalabas si Kyle sa opisina niya ng may namataan sa isang sulok ng hotel, nilapitan niya ang mga ito. Nagulat siya ng makilala ang isa, yung babaeng guard na kilala ng ama niya. Anong ginagawa niya dito at sino ang kausap niya na para bang may tinatago dahil halos bulong lang ang pag uusap nila ng lalaking kasama nito. " What are you doing here, di naman pinag bawal ang office romance pero bakit kailangan niyo pang magtago dito,"tanong ni Kyle. Nagulat naman si Ashley dahil di niya namalayan na dumating ito. " No sir, may tinanong lang po siya about sa trabaho," sagot ni Ashley habang nakayuko. " Oohhh nang ganoon ka lapit? " saad ni Kyle na nakataas ang isang kilay. Di niya alam kung bakit parang may kunting selos siyang naramdaman ng makitang may kausap itong ibang lalaki. " Yes sir, " sagot ni Ashley. Agad namang tumango tango si Kyle at biglang tumalikod paalis. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ashley, bakit di niya naramdaman na paparating si Kyle. Kausap niya ang kanyang kasamang agent, dahil may dagdag silang assignment. Kaya nag plano sila kung ano ang gagawin upang mahuli nila ang target, lagi raw itong nasa club. Ginagamit nito ang pera upang maka biktima ng mga magagandang babae sa club at dinadala sa hideout nito. Kaya kailangan ni Ashley mag isip ng paraan kung paano nila masagawa ang operation bukas ng gabi, upang maisalba ang mga babaeng dinala nito sa hideout na hindi pa nila alam kung saan. Napamura si Kyle habang nagmamaneho pauwi sa bahay niya. Di siya maka paniwala na ang babaeng hinahangaan ng ama ay hindi pala ganoon ka tino. Pagdating niya sa kanyang bahay sinalubong siya ng kanyang driver. Malaki ang kanyang bahay na dalawang palapag, masiyon na ito kung ituring dahil sa laki nito at sa disenyong napaka elegante. May malaking swimming pool sa likod at garahe sa harap. Mayroon siyang dalawang katulong, isang hardinero at isang driver na nag aalaga sa mga mamahalin niyang sasakyan. Lahat ng ito ay kagustuhan ng mga magulang niya, dahil kung siya ang papipiliin mas gustuhin niyang mag stay sa condo niya. Habang nagpapahinga sa may beranda, tinutungga niya ang basong may laman ng whiskey. Bigla na lang lumitaw sa utak niya ang mukha ng lady guard sa hotel nila. " Parang anghel sa harapan ng daddy ko pero iba ang ugali pag nakatalikod" bulon ni Kyle sa sarili na para bang hirap na hirap mag move on sa nakita niya. Maagang naghanda si Ashley para pumasok dahil kailangan niyang pumasok sa araw para magawa nila ang misyon kinagabihan, buti naman at pumayag ang kasama niya na makipag palitan. Dumaan siya sa kwarto ni Bryan para maisabay niya ito sa pagpasok. Magkatabi lang ang apartment nilang dalawa, si Bryan ang tanging kaibigan niya at nakakaalam sa buong pagkatao niya liban sa mga kasamahan sa headquarter. Papasok sa entrance ng hotel ang sports car ni Kyle ng namataan niya ang dalaga na naka tayo sa tabi habang may kausap sa cell phone. Napansin niya ang seryosong mukha ng dalaga at mukhang nagpapaliwanag sa kausap nito. Napansin niya ang magandang hubog ng katawan nito dahil sa suot na uniform, matangkad ito at may kaputian. Napakurap siya sa mga naiisip, kaya mabilis niya pinatakbo ang sasakyan patungo sa parking lot. Nakuha naman ang atensyon ng ibang nandoon kasama na si Ashley na biglang napalingon dahil sa lakas ng uggong ng sasakyan. " Good morning sir," bati ni Ashley kay Kyle ng dumaan ito sa harap niya. " Anong maganda sa morning, maaga palang di kana nakatutok sa trabaho mo, sino ba ang nagpapasahod sayo yang kausap mo?" galit sa sagot ni Kyle. Iniwan nitong napamulagat si Ashley sa gulat, nagkatinginan nalang sila ng kasamahan na nakarinig sa sinabi ng lalaki. Mabilis na lumipas ang maghapon, naghahanda si Ashley upang tumungo sa isang sikat na club na napag kasunduan ng mga kasamahan. The Royalty club isa sa pinaka sikat na club sa Manila, dito laging pumupunta ang mga mayayamang kalalakihan, dahil halos magagandang babae ang mga staff dito. Pumayag naman ang may ari sa napag kasunduan nila na maging waiter si Ashley sa mga VIP guest ng club. Habang nag hahanda sa likod, di mapigilan ni Ashley na maasiwa sa damit na maiksi. Di siya sanay sa ganoong damit, tube na may blazer pero kitang kita ang magandang braso niya at paresan ng maiksing palda. Kitang- kita ang magandang hubog at makinis na katawan ni Ashley. " Hindi ko ata kayang lumabas nito," sabi niya sa manager ng club na bakla. " Naku teh! Wag kang ganyan dahil tinalbugan mo ang pinakasikat naming babae dito sa club, ang ganda mo sobra perfect ang beauty mo teh, sigurado andaming tutulo ang laway pag lumabas ka." halatang hangang hanga ang manager sa awra niya. " Naku umayos ka diyan ngayon lang 'to, gusto kong mapabilis ang misyon na to at ng makapag palit na ako." sagot niya, kinilabutan si Ashley sa sinabi ng manager. Maya-maya sinamahan na siya ng manager palabas ng dressing area. Halos mabibingi si Ashley sa tugtog na napakalakas. Iniisip nalang niya na andoon siya para mag party, dahil sa pinili niya itong propesyon na ito kaya kailangan niyang lakasan ang loob para maging successful ang misyon nila. Narinig ni Ashley sa maliit na radyo sa tainga niya na nakaantabay na sa labas ang ibang member ng CIDG na naka civilian din upang hindi sila mahalata. Bumulong ang manager na dumating na ang target nila. Isang mayamang negosyante na nagtatago sa alyas na Mr. Brown. Isa itong fil-am (Filipino-American) na nasa late 50's ang edad ngunit dahil sa matikas nitong awra kaya madami pa ding babae ang naghahabol dito. Ang hindi nila maintindihan ay kung ano ang ginagawa nito sa mga babae na dinadala sa labas dahil ni isa walang bumabalik kaya nag reklamo ang may-ari ng club sa mga pulis dahil na rin sa mga pamilya ng mga biktima na pumunta sa club at hinanap ang mga anak nila. Paglabas ni Ashley may dala siyang tray ng inumin papunta sa private room ni Mr. Brown. Habang naglalakad agaw pansin naman sa mga lalaki ang kanyang alindog, buti nalang kasama niya ang manager dahil feeling niya para na siyang natunaw sa mga titig ng mga kalalakihan. Saktong nasa pasilyo na sila ng mga private rooms ng club nakasalubong niya ang di inaasahang lalaki na may kasamang dalawang babae sa tabi nito si Kyle Mondragon........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD