Chapter 4

1100 Words
Biglang namutla si Ashley nang makita si Kyle sa pasilyo ng club. Siniko siya ng manager na kasama at sininyasan na umalis na. Dinala siya nito sa may dulong parte nang mga VIP room, bago siya pumasok ay sinulyapan muna niya ang lalaking naglalakad palabas. " C'mon Ashley, you can do it," bulong niya sa sarili. Maya-maya taas ang noo na pumasok siya sa kwarto nakita niya ang limang lalaki na nakaupo at may apat na bodyguard na nakatayo sa tabi. Tinawag naman ng mga ito ang manager na kasama ko. " Hi, Mr. Brown! " bati ni Sonia as in (Sonny) ang baklang manager ng club. Biglang may binulong ang lalaki sa manager at nagpatango tango ito. Maya-maya nagpaalam na ito sa lalaki at sumenyas sa akin gamit ang mga mata, nakuha naman ni Ashley ang ibig nitong sabihin. Dahan-dahang umupo si Ashley sa tabi ni Mr. Brown paglapag niya sa tray na dala. Nagulat siya ng biglang humawak sa mga hita niya ang lalaki at agad naman niya itong tinanggal. " Not here, gusto ko sa labas or maybe sa bahay mo," nang aakit na bulong ni Ashley sa lalaki. Halos maubos na ang pagtitimpi niya sarap ng upakan ang mga ugok nato nasa isip niya ng mga oras na yun. " Ohhhh hahaha, hindi na makaghintay ang aking magandang babae ngayong gabi, maiiwan ko na kayo at nang makapag umpisa kami ng maaga," tumatawang saad ni Mr. Brown sa mga kasama. Binigyan naman siya nito ng inumin at kinuha naman niya para hindi ito magduda sa kanya. " Oo s'ya sige kumpadre mauna kana at nang mahaba-haba pa ang biyahe mo," narinig ni Ashley na biro ng kasama nito na halatang may edad na din. Paglabas namin sa private room sumunod naman ang apat na bodyguard sa likod. Habang nasa pasilyo kami papaliko sa labas, biglang may dumaklot sa aking braso at ginuyod ako. Naalarma naman ang mga bodyguard at biglang nagsilapitan. Si Kyle pala ang humila sa akin aakma siyang hilain ako palabas ng magsalita si Mr. Brown. " Mr. Mondragon, she is mine nabili ko na siya kaya humanap ka na ng iba," nakangiting sabi ni Mr. Brown kay Kyle. Tinitigan naman ako ng matalim ni Kyle. " So ganito ka palang babae, alam ba ito ng mga magulang mo?" bulong ni Kyle sa kanya. " Mr. Mondragon, wala kang pakialam, please mind your own business," sagot ni Ashley dito. Nanggagalaiti sa galit si Kyle, at biglang hinawakan ang braso niya ng kay higpit at agad na tumalikod. Naiwan siyang napatitig sa likuran nito habang unti-unting nawawala ito sa karamihan. " Let's go," saad ni Mr. Brown, sabay hila kay Ashley palabas ng club. Sumakay sila sa magarang sasakyan na naghihintay sa labas ng club. Panaka naka'y sumulyap sa Ashley sa likod kung nakasunod ba ang mga kabaro niya. Nakahinga siya ng maluwag ng tila nakaramdam ang mga ito sa iniisip niya, dahil narinig niyang sabi ng mga ito na wag mag alala dahil nakasunod sila sa kanya. Mahaba-haba ang byahe namin, parang nasa kadulo-dulohan na sila ng Cavite dahil halos ilang oras din silang nasa daan. Maya-maya nakarating din sila, nakita niya ang tila abandonadong bahay. Napalingon ako, malayo ito sa kabahayan dahil mukhang nasa tuktok kami ng bundok. Napansin ni Mr. Brown ang pagtataka sa mukha niya. " Don't worry, di ka nag iisa dito," nakangiting saad nito. " Andito po ba ang pamilya niyo?" patay malisyang tanong ni Ashley. " No! Bakasyonan ko lang ang lugar na'to kapag hindi ako masaya hahaha!" tumatawang parang demonyo. Inakay niya ako papasok sa bahay, nagulat ako sa nakita ko sa loob. Mga gamit na nagkalat at maraming tali sa tabi ng malaking kama, may bahid pang dugo ang mga ito. Inikot ni Ashley ang kanyang paningin, maraming pinto na nakapalibot mukhang mga kwarto ang mga ito. Nagulat siya ng sumenyas si Mr. Brown sa isang bodyguard, agad itong lumapit sa kanya at ginuyod siya. " Saan mo ako dadalhin?" tanong niya sa lalaki, ngunit nanatili itong tahimik habang dinala siya sa isang kwarto. Nagpanggap siyang takot, kaya nagmamakaawa siya ng todo sa bodyguard na pakawalan siya. Nung naiwang mag isa si Ashley, agad niyang kinausap ang mga back-up sa labas. Isinalaysay niya ang mga nakita sa loob, pati ang kadami sa bodyguard sa loob. Kinuha niya ang maliit na kutsilyo na nakatago sa ilalim ng skirt niya. Unti-unti niyang binutas ang dingding na plywood upang masilip ang nasa kabilang kwarto. Habang nasa kalagitnaan ng ginagawa, bigla siyang nakarinig ng boses sa labas ng kwarto. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok ang isang bodyguard at binigay sa kanya ang damit. " Mag-ayos ka at isuot mo yan, dahil maya-maya ikaw ang uunahin ni boss, naintindihan mo?" tanong nito na halatang may pagnanasa din ang mga mata. Mga hayop mga halang ang kaluluwa naisip ni Ashley habang nanggigil na nakatingin sa lalaki. " Okay, i understand," sagot ni Ashley. Paglabas ng lalaki dali-dali niyang sinilip ang butas na ginawa niya. Napatutop siya sa bibig nang makita ang babae na nakasuot ng katulad na damit na binigay sa kanya. Halos balot ito nang dugo, halatang galing sa tali na pinapalo dito, umakyat ang dugo ni Ashley sa galit. Nag mensahe siya sa mga kasama sa labas. "Roger, positive andito sa loob nang mga kwarto ang mga biktima," balita niya sa mga kasamahan. " Copy, mag ingat ka diyan, maghintay kami sa signal mo roger," sagot sa kanya. Ilang sandaling naghintay si Ashley, maya-maya muling bumukas ang pinto at bumungad ang dalawang lalaki. " Ikaw! Tumayo ka diyan! " utos ng isang lalaki kay Ashley. Tumayo siya at sumunod sa dalawang lalaki. Kinaladkad siya papunta sa malaking kama na nasa gitna, habang napapalibotan ng mga gwardiya. Mabilis na pinagmasdan ni Ashley ang paligid. " Mr. Brown, what's the meaning of this?" tanong ni Ashley sa lalaking nakaupo sa paanan ng malaking kama. " You want this right?" nakangising parang tigre na nais tumuklaw ng kanyang pagkain. " Yes! Pero hindi sa ganitong paraan!" nagpanggap si Ashley na nag-alala. Unti-unti siyang lumapit sa lalaki, napansin niya ang isang lubid at baseball bat sa tabi nito. " You want to start now?" saad ni Mr. Brown ng makalapit si Ashley sa kanya. " Okay! " sagot ni Ashley. Nagkunwari siyang inaalis ang sapatos, sabay kuha sa maliit na kutsilyo na nakatago sa gilid ng sapatos. Inipit niya ito sa palad niya. Tumayo ang lalaki sabay tanggal sa damit nito. Diring-diri naman si Ashley ng makita ang matabang katawan nito, na puno nang mga peklat na halatang mga kalmot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD