Chapter 3 - Forget about us

1393 Words
Zedric POV Ganoon lang kadali sa babaeng 'to na kalimutan ang lahat? Siya ang unang babae na umagaw ng atensyon ko kaya kahit ilang taon ko rin s'yang hinanap ay hindi pa rin ako susuko. Pilit niyang kumawala sa mahigpit kong yakap kaya tinapos ko nalang ang napakasarap na halik na aming pinagsaluan saka itinapat ang aking noo sa kanya. "Saan ka ba namamasukan dito?" tanong ko sa kanya. "Hindi mo na kailangan pang malaman." sagot niya sa akin habang iniiwas ang mukha. Tinitigan ko siya dahil ang laki ng pinagbago n'ya pero ang simpleng ganda n'ya ay naroon parin. Marami akong gustong malaman. Mga tanong noon sa aking isipan ngunit natatakot ako sa maririnig kong isagot n'ya. Anong tinatago n'ya sa akin bakit ganoon na lamang s'ya kung umiwas? Hindi na ako makapaghintay pa naglakas-loob akong nagtanong. "Alyanna, pagkatapos ba ng gabing iyon nag-asawa kana agad?" hindi ko mapigilang magtanong dahil curios ako sa batang nakita ko sa phone n'ya. Malaki na ang bata hula ko nasa mahigit tatlong taon na ito, at napaka-cute ng bata parang kamukha ko noong aking kabataan. Napakurap ako sa aking iniisip. Hindi kaya ako ang ama? "No!.. I mean yes. Kaya nga ako may anak di'ba?" kabadong sagot niya na siyang ipinagtaka ko dahil sa mga kinikilos at reaksyon niya. "Ako ba ang ama?" panghuhuli ko sa kanya. Napansin ko na biglang namutla si Alyanna. Ewan ko kung bakit gustong-gusto kong malaman. Sabay biglang bumilis ang pintig ng aking puso habang naghihintay ng sagot n'ya. Ngunit nanlumo ako sa sagot niya na taliwas sa aking inaasahan. "What the h*ll are you talking about? May asawa nga ako hindi ba?! Kung ano-anong pumapasok d'yan sa kukote mo. Tigilan muna ako kasi ayaw ko ng gulo. Nananahimik ako Zedric, kaya please lang sa susunod na magkita man tayong muli, isipin mo nalang na hindi mo ako kilala!" she blurted out, sabay talikod sana sa akin. Bigla kong nahablot ang braso niya at iniharap muli sa akin. "Ganun lang ba kadali sa'yo ang talikuran ako, Alyanna? Asan ang konsensya mo? Bakit kapag hinahalikan kita nagpapaubaya ka. Gumaganti ka pa nga sa halik ko?! Ano yun, trip mo lang? Answer me!" sa sobrang galit ko hindi ko alam napalakas na pala ang boses ko. Ngunit wala akong pakialam kung marinig man ng mga dumaan sa aming tapat. "Dapat ko pa bang sagutin iyan, Zedric?" sagot niya na unti-unting tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. "Akala mo ba madali para sa akin ang lahat? Please lang, kung concern ka pa sa akin layuan mo na lang ako para sa ikakatahimik ng buhay natin pareho. May fiancée kana hindi ba? Balita pa nga sa buong mundo eh! Kaya ano pang hahabulin mo sa akin? Gusto mo pa bang ipamukha sa akin na pang one night stand lang ako?" dagdag pa n'ya na ikinasama ng mukha ko. Yung feeling na parang sasabog ang dibdib ko dahil hindi ako makapaniwala na ang babaeng ipinaglaban ko sa aking ina ay hindi pala karapat-dapat. So... Ganon pala ang tingin n'ya sa akin? Ang saklap naman. Ni hindi pa nga niya ako kilala kung maka-judge siya sa akin wagas? Nagngingitngit ang aking kalooban habang tinitigan siya ng matalas. This is the first time na may gumawa sa akin ng ganito. Ikaw lang Alyanna. Ikaw lang! Mali ang pagkakakilala ko sa iyo. Napakabait mo sa mga kwento ni Carol. Pero bakit iba ata ang nakikita ko ngayon. "FINE, kung iyan ang gusto mong mangyari! Ni hindi mo pa nga inalam ang side ko! Pambihira naman oh!" napailing ako habang nakatingin sa kanya na nakayuko parin. "You know what? Hindi ako makapaniwala na maging ang kaibigan mo ay tinalikuran mo rin. You don't deserve my love, Alyanna." galit na sagot ko sa kanya habang dahan-dahan s'yang humakbang papalayo sa akin. D*mn it! Napamura ako sa sobrang sakit. How could this woman treat me like this? Sino ba siya sa inaakala niya? Ako si Zedric Kim! Never akong naghabol ng babae. Ngayon lang. F*ck! Pero bakit ang sakit. Masakit dahil ilang taon ko s'yang hinanap. Ngayong natagpuan ko na s'ya pilit naman niya akong tinutulak papalayo. Ano ba talaga Alyanna, nakakabaliw ka na! Habang nakaupo ako sa upuang inalisan ni Alyanna. Nakapikit ang aking mga mata na inalala ang mga pangungumbinsi ng aking mga kaibigan kanina sa club. Alam nila ang kabaliwan ko kay Alyanna na kahit sa pagtulog ko ay naroon sya. Kung gaano ako na-depressed noong hindi ko mahanap si Alyanna. Ano nalang ang masasabi nila ngayon kapag malaman nila ang nangyari. The kid. Ang mukha ng bata na hindi mawala-wala sa aking isipan. May asawa na nga ba talaga siya? Malalaman ko rin ang lahat, Alyanna. FLASHBACK YUNG akala kong namalikmata lang ako, pero totoo talagang nakita ko si Alyanna. Kasama niya ang isang pinay at isang Koreano. "Bro, lapitan mo kaya," sabi ni Kyle sa akin. "Tanungin mo kung bakit siya biglang nawala na parang bula." Umiling ako. "No way, hindi ko pag-aaksayahan ng panahon ang isang katulad niya. Kita mo naman kahit dito sa ibang bansa nagawa pa niyang pumasok sa club kahit na wala s'yang gaanong kakilala." Nilagok ko ang natirang alak sa aking baso. "Ikaw bahala, baka magsisi ka bukas. Hindi mo alam kung saan mo na naman siya hahagilapin. Bro, kahit hindi mo naman sinasabi sa amin alam naming hinahanap mo pa rin siya." tinatapik-tapik niya ang balikat ko. Hindi ko maintindihan ang iniisip ng babaeng ito. Kahit nga si Carol ay walang alam kung anong nangyari sa kanya. Hindi namin mahagilap. Sabi pa ni Carol noon sa mall na pag-aari namin namamasukan si Alyanna bilang promo. Ngunit nang puntahan ko sa department niya, nag resign na raw ito. Matagal na panahon din ang ginugol ko para hanapin siya. Tinutulan ko ang kasal namin ni Monica dahil nais ko sana munang mahanap si Alyanna dahil iyon ang kasunduan namin ni Mommy. Binigyan ako ni mommy ng huling palugit kung hindi ko pa s'ya mahahanap ngayong taon ay matutuloy na ang kasal namin ni Monica. "Oo na! Alam ko naman na wala talaga akong kawala sa inyo eh!" napakamot nalang ako sa ulo. Tinungga kong muli ang laman ng aking baso. Masaya ako dahil muli na namang nakadalaw ang tropa ko rito sa South Korea. Kaya pinagbigyan ko sila na gumala kahit pagod ako sa trabaho. "Hanggang ngayon talaga mahina ka parin sa diskarte bro!" biro ni Kyle sa akin. "Oo na, ikaw ng magaling dumiskarte sa mga babae. Kaya nga maniniwala na ako sa iyo eh! By the way, curious lang ako kung saan siya nagtatrabaho rito!" nagkatinginan silang tatlo. "What? May mali ba sa sinabi ko?" nagtatakang tanong ko. Natuon sa akin ang mga mata nila. "Bro! Curious ka sa lahat ng bagay pero bakit hindi ka pa tumatayo riyan. Lapitan mo kaya at tanungin para malaman mo." saad pa ni Adrian. Napatingin ulit ako sa kinaroroonan ni Alyanna ngunit wala na siya roon. "She's gone!" wala sa sarili kong usal. Nakaramdam ako ng panghihinayang dahil pagkakataon ko na sana iyon ngunit pinalagpas ko pa. "Habulin mo kaya baka nasa labas pa s'ya!" sagot naman ni Kyle. Nakatingin silang tatlo sa akin na para bang nababasa nila ang iniisip ko. Tumayo ako at kinuha ang coat sa backrest ng upuan. "Okay, I will!" protesta ko habang nakataas ang dalawang kamay. Iniwan ko silang nagtatawanan. Paglabas ko ng club agad kong hinanap si Alyanna. Palinga-linga ako habang naglalakad, ngunit hindi ko pa rin siya matagpuan. May nakita akong nakatalikod na babae nilapitan ko ngunit hindi pala iyon si Alyanna. Lahat ng agam-agam ko ay unti-unting nawala. Napahaplos ako sa aking baba dahil sa pagkabigo. Hindi ko namalayan na dinala ako ng aking mga paa sa park. At doon nakita ko si Alyanna, nakaupo at halatang umiiyak habang kinakausap ang picture sa cellphone nito. Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kinaroroonan n'ya. Habang palapit ako sa kanya walang tigil ang dagundong ng aking dibdib. Mayamaya nasa harapan na n'ya ako ngunit hindi man lang s'ya nag-angat ng tingin kaya natuon ang mga mata ko sa hawak n'yang cellphone. Teka! Picture ng batang lalaki? May asawa na ba siya? END OF FLASHBACK Nang gabing iyon para akong na-amnesia dahil hindi ko na alam kong paano ako nakauwi sa aking condo. Wish ko lang na pati pagkikita naming muli ni Alyanna ay makakalimutan ko rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD