Chapter 2 - They meet again

1347 Words
Alyanna POV No way, lasing lang ako. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata. Pagtingin ko ulit sa kinaroroonan niya, wala na akong nakita roon. Hay nako Alyanna, hindi ka pa rin talaga nakaka-move on. Nag-iilusyon ka pa rin na muli kayong magkita. Bulong ko sa aking sarili. Alam kong malabong mangyari ang mga na-i-imagine ko dahil napakalawak ng mundo. Inaamin ko naman sa aking sarili na may gusto ako sa kanya unang beses palang na nasulyapan ko ang gwapo n'yang mukha. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko eh. Dahil mula noong may nangyari sa amin ng gabing iyon para na akong nawalan ng mukha. Pa bagang nahihiya ako sa aking ginawa kaya ayaw ko ng magkita kaming muli. Kaya maging kaibigan ko ay tinalikuran ko na dahil sa hiya. Naalala ko noong nalaman ng aking mga magulang ang tungkol sa pagbubuntis ko na walang ama. Halos himatayin si Mama sa sama ng loob. Sabi pa n'ya sa akin hahanapin namin ang nakabuntis sa akin. Kaso... Hindi ko s'ya kilala. Pangalan lang n'ya ang alam ko. Gustuhin ko mang tanungin si Carol kaso nahihiya ako dahil sa nalaman kong engage na siya. Kaya kinumbinsi ko nalang ang aking mga magulang. Muli akong sinalinan ni Dimple ng alak. Hindi na ako tumanggi dahil gusto kong makalimot. Ang hirap dahil hanggang ngayon andito parin ako nakakulong sa kabaliwan ko. Maraming nais na manligaw sa akin. Ngunit sa una palang ay pinakita ko na kaagad ang pagkawalang interest ko sa kanila. Kaya ayun lumayo at hindi na muling nagpakita pa sa akin. Bago ako nagdesisyon na umalis muli kong inikot ang aking paningin sa loob ng club baka sakaling muli ko s'yang makita. Ngunit nabigo lang ako. Bakit pa nga ba? Pinangako ko na sa aking sarili noon na kapag dumating ang panahon na magkasalubong man kami ng landas. Hinding-hindi ko s'ya papansinin na parang hindi ko s'ya nakilala. NAGPAALAM na nga akong mauuna nang umuwi kay Dimple. Dahil hindi ko na makaya baka rito pa ako makatulog sa club. Naglakad-lakad muna ako, habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin sa park na katabi ng club. Another winter na naman ang matatapos ngayong taon. Konting tiyaga pa makakauwi na rin ako sa Pinas. Habang naglalakad pakiramdam ko bumibigat na ang talukap ng aking mga mata kaya napalinga-linga ako upang maghanap ng maupuan. Napangiti ako ng masulyapan ko sa unahan ang bakanteng bakal na upuan. Makaupo nga muna at ng mahimasmasan. Napatingala ako sa langit, nagkalat ang maraming bituin na may nabuong iba't-ibang hugis. Sa hindi maipaliwanag na emosyon, biglang tumulo ang aking mga luha. Dahil sa biglang pagbigat ng aking dibdib. Umilaw ang aking cellphone at doon tumambad ang nakangiting mukha ni Aiden na aking wallpaper. "God, kunting tiis pa makakauwi rin ako. Ikaw ang nakakaalam kung gaano ko namis ang anak ko." bulong ko sa aking sarili. Mis na mis na kita Aiden malaki kana anak ko! Hindi ko na mapigilan ang pag-agos ng aking mga luha. "Ano ba Alyanna tiis lang, kaya mo yan ilang buwan kana rito na kaya mo nga. Makakauwi ka rin at makakasama mo rin ang anak mo!" patuloy kong bulong habang nakatitig sa cellphone ko na may picture ni Aiden. Ganito pala ang feeling kapag malasing. Pakiramdam ko kasi para akong may sira sa utak na umiiyak at kinakausap ang sarili rito sa park. Tsk! "Alyanna?" May narinig akong pamilyar na boses. Dahan-dahan kong iniangat ang aking mukha upang tingalahin ang lalaking nakatayo sa aking harapan. Seryoso ang mukha ni Zedric habang nakatitig sa akin. "Z-Zedric?" nauutal kong bulong. Hindi ako makapaniwala na nandito siya sa harapan ko ngayon. "Anak mo?" biglang tanong niya na ikinagulat ko. "Haa? Ahh, y-yes, yes anak ko!" nakalimutan ko palang i-switch off ang cellphone ko kaya nakita niya ang picture ni Aiden. Ba't siya nandito? So...ibig sabihin ba hindi ako namamalikmata lang kanina? "Is it really you? Yung nasa loob ng club kanina?" wala sa sariling tanong ko. "Yes! Why? Hindi ka makapaniwala? Mukhang takot ka ata na makita ako! May tinatago kaba sa akin, Alyanna?" he answered, seriously. Malay ko ba sa sinasabi niya. Hindi ko naman inaasahan na out of all places, dito pa kami magkikitang muli sa South Korea. Sigaw ng aking isipan habang hindi makatingin sa kanya. "Mr. Kim, I'm sorry hindi ko po alam ang mga pinagsasabi mo. Kailangan ko na pong umalis dahil late na. May pasok pa ako bukas sa factory. Goodbye." Aakmang tatalikod na sana ako upang maiwasan ang magkabukuan dahil mahirap na baka dumulas pa ang aking bibig kapagkuwan. "Bigla ka nalang nawala at ni anino'y hindi ko mahagilap. And then now you will leave me again without explanation? That day, hindi ka man lang nag-abalang gisingin ako or even saying goodbye. Umalis kalang na walang paalam ng araw na iyon. My God, Alyanna! Anong akala mo sa akin isang gigolo? After what you've done to me?" galit na sumbat niya sa akin. Hindi ako nakaimik. Kung tutuusin nga tama naman ang ginawa ko dahil ayaw kong maging sagabal sa buhay niya dahil lang sa may nangyari sa amin. But wait a minute. What did he say? Napatitig ako sa kanya. Halos magkalapit lang ang aming mga katawan kaya amoy na amoy ko ang kanyang hininga. "T-teka nga muna. May ginawa ba ako sa'yo? Parang baliktad naman ata, Mr. Kim! Ako ang nawalan at hindi ikaw! Kung makapag-react ka naman akala mo ninakawan ka ng virginity." I retort. Humalakhak siya ng malakas dahil sa sinabi ko. Nakabusangot akong hinarap siya na animo'y wala ng balak na tumigil sa pagtawa. Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod n'yang ginawa. Bigla n'ya akong niyakap ng mahigpit. "Alyanna, you have no idea how much you mean to me. Darling, why did you leave? I looked for you anywhere. Ngunit hindi kita matagpuan. Where have you been all this time?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. Nag-uunahan sa pagpatak ang aking mga luha. Wala akong balak manggulo sa kanyang buhay. Nang umagang iyon, pagbukas ko sa aking cellphone upang tingnan sana ang oras. Hindi ko maintindihan kung bakit may tumutulak sa akin na buksan ang aking social media account. Doon tumambad sa akin ang balita tungkol sa nalalapit na engagement party ni Zedric kay Monica. Kaya nakapag-desisyon akong umalis ng maaga at kahit sa kaibigan ko ay hindi na ako nakapagpaalam. "It's been four years, Zed. Kalimutan mo na ang lahat na nangyari sa atin. And please, forget about me. You are engaged now and I-I'm already married." nakayuko kong saad. "What happened between us, is just a one night stand. Furthermore, we don't know each other much, hindi ba? Kaya madali lang na kalimutan natin ang nangyari." Tumango-tango kong sabi habang iniiwas ang paningin sa kanya. Napahilamos siya sa kanyang mga palad at nagpaikot-ikot sa harapan ko na para bang may nais siyang sabihin ngunit hindi niya masabi. "Kalimutan? Gano'n lang ba kadali sa'yo yun, Alyanna? Kaya ka ba nag-asawa kaagad?" galit niyang bulyaw sa akin. "I'm sorry," matipid kong sagot. Pilit kong pinatatag ang aking sarili upang huwag bumigay sa kanyang harapan. "Sorry? Your sorry is not acceptable, Alyanna. You know, I'm a man of dignity. On that night. I promised myself. That you will be the woman I want to marry with. Because, I know myself that, I'm the first in your life. I want to be responsible for everything happened between us that night." pagsusumamo nya. Para akong binagsakan ng langit sa aking narinig. Hilam sa luha ang aking mga mata na tumingin sa nagsusumamong lalaki sa aking harapan. Ang ama ng aking anak. Matagal kaming nagtitigan hanggang sa unti-unting bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Para akong pinako sa aking kinatatayuan ng bigla nalang niyang inilapat ang mga labi niya sa mga labi ko. Bugso ng damdamin ang nagtulak sa akin na tumugon dahil mis na mis ko na siya sobra. Iniawang ko ang aking bibig upang tuluyan niyang mapasok. Mayamaya ay napayakap ako sa kanya dahil nawalan na ako ng lakas. Muli na namang nanaig ang bulong ng aking puso kesa sa isipan. Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD