bc

Darker Shades of Romance: Rouge Series 2

book_age18+
644
FOLLOW
2.7K
READ
dark
possessive
family
arrogant
CEO
drama
bxg
genius
office/work place
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Zerin Loe Del Costa is a perfectionist CEO of a very well-known company. Ang gusto niya ang laging masusunod.

Pero what if-- another CEO and a bossy one became his Co worker? And not just a co-worker, because Danelle Pascua is the girl she doesn't want to work with in his whole life?

What will happen?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
Danelle P.O.V "Where is my secretary?" Seryosong tanong ko kay Yanx. Kanina pa kasi ako tumatawag doon sa company hotline pero hindi naman sinasagot nu'ng secretary ko. She should be always there to answer my calls! Tsk. “Wait. I'll just look for her.” Sagot ni Yanx sa kabilang linya. Nag-intay ako ng ilang sandali bago ko narinig na may kinausap si Yanx du'n sa background. “Are you that busy Stella, that you don't even bother answering your freaking line?” “Sorry, Miss.” Narinig ko na lang na nag-disconnect na 'yung line ni Yanx kaya naman tinawagan ko na 'yung line nung secretary ko. “Hello” "Send me your resignation letter ten minutes from now. I'm expecting that I won't see your face in my company when I come back. You see, I'm not paying you Stella just to make me wait." Seryoso na sabi ko du'n sa kabilang linya bago pa siya makapagsalita. “Ma'am please, give me another chance! Let me stay.” Natataranta na sabi niya. "No." May diin na sabi ko saka pinatay 'yung tawag. Nagsasayang lang talaga ako ng pera para mapasweldo 'yung mga katulad niyang hindi naman magawa nang tama ang trabahong pinapasukan nila. One more thing, hindi talaga ako nagsesesante ng mga empleyado ko. Hindi 'yun uso sa'kin dahil inuutusan ko sila na mag-resign mismo. After all, sila naman 'yung may kasalanan kaya natatanggal sila at hindi ako. Muli kong tinawagan 'yung telephone line ni Yanx at mabilis naman niya itong sinagot. Mabuti pa talaga itong si Yanx, hindi ako pinag-iintay kahit na ayaw niyang naabala pag nagtratrabaho. 'Yeah?' "Find me another secretary. 'Yung matino at maasahan naman, nakakasawa na 'yung lagi na lang kayong pumapalpak sa pagpalit ng mga nagre-resign. Another thing, i-send mo sa akin lahat ng mga daily reports ASAP," sabi ko. 'Ok, fine I'll do it kahit na hindi naman ako 'yung assistant mo." Seryoso niyang sabi mula sa kabilang linya kaya mahina akong napatawa bago ko ibinaba 'yung tawag. Alam naman kasi niya na nag-resign na 'yung assistant ko dahil matanda na kaya hindi siya makaangal. Ilang buwan na rin kasi akong nandito sa Pilipinas dahil du'n sa kapatid kong si Troy. Kinailangan ko kasi siyang sundan nu'ng nalaman ko na pumunta siya dito dahil natatakot ako sa pwede na naman niyang gawin. Last time kasi na hinayaan ko siya ay kinidnap niya 'yung ex-girlfriend niyang si Yue Dane at kamuntikan nang mapatay. Kaya nu'ng narinig ko siya nu'ng minsan na may balak na naman siyang kidnapin si Dane, pinakulong ko na siya. Ewan ko ba du'n sa batang 'yun, lagi na lang niyang pinapasakit ang ulo ko. Ilang ulit ko na rin siyang pinipilit na bumalik na lang sa Florida pero sadyang matigas ang ulo niya at hindi nakikinig sa akin. Damn?! Bigla akong nagitla dahil sa pagtunog nu'ng cellphone ko na nakapatong du'n sa coffee table kaya tinatamad na bumangon ako at lumapit du'n sa lamesa para kunin 'yun. ~Anxhien Calling... Ngayon lang siya napatawag ah? Mabilis ko nang sinagot 'yung tawag habang naglalakad pabalik du'n sa kama para mahiga ulit. "Hello?" 'Ano? Kamusta ka na diyan? Ako na 'yung unang tumawag huh?! Kahit ilang buwan ka nang wala dito, parang wala ka pa ring balak na tumawag sa akin para kamustahin ako at 'yung baby ko!" Sarcastic na sagot niya sa akin. Big deal na ba 'yun? Grabe talaga itong babaeng ito, laging pinalalaki 'yung maliliit na problema. "You knew I'm busy Xhien, iniintindi ko pa 'yung kapatid ko dito kaya wala akong time na makatawag sa'yo." Hindi niya ako pinatapos na makapagsalita dahil nagsalita na naman siya. 'Pero lagi kang may time para tawagan 'yung kompanya mo dito?! Parang mas mahalaga pa 'yung kompanya mo sa'kin ah?!' Naiinis na sabi niya kaya hindi ko na napigilan na mapatawa. "Hahaha, of course Xhien mas mahalaga 'yung kompanya ko kesa sa'yo dahil hindi mo naman ako bibigyan ng pera di ba? Ibibili mo ba ako ng kotse? O kaya naman ay ng mga bags?" Tumatawa pa rin na tanong ko sa kaniya. Bigla siyang napatigil sa kabilang linya kaya mas lalo akong napatawa. “No.” Mahina niyang sagot sa akin. May pa-effect pa kasi siya na 'inis' e, hindi naman pala niya ako bibigyan ng pera at ng mga luho ko. Hahahaha! "See? Mas mahalaga pa rin 'yung kompanya ko."Nakangisi na sabi ko sa kaniya. “Smart mouth ka talaga ano?! Argh! Bahala ka nga diyan!” Inis niyang sagot sa akin bago ibinaba 'yung tawag. Hahahaha, ako pa kasi ang pagda-dramahan niya. As if na hindi niya ako kilala di ba? By the way, I am Danelle Joyce Pascua but you can call me Danelle. I am a businesswomen, meron akong company sa Florida pero kinailangan ko muna 'yung iwan para bantayan ang nag-iisa kong kapatid na si Troy. Hangang doon na lang muna ang iku-kwento ko. Tuluyan na akong bumangon mula sa pagkakahiga at pumasok du'n sa bathroom para maligo. Pupuntahan ko muna si Troy du'n sa condo niya, baka kasi lasing na lasing na naman 'yun. Naligo ako at nagsuot ng isang simpleng tight black sleeveless top at isang white denim shorts saka heels. Inilugay ko rin 'yung wavy hair ko at nag-apply nang konting lipgloss saka kinuha 'yung itim na purse at lumabas ng bahay para dumiretso du'n sa garahe. Dahil matagal-tagal na rin ako dito sa Pilipinas kaya naman kinailangan ko talaga na bumili ng kotse at sariling condo dahil mas napapagastos ako sa kakabayad ng renta at ng pamasahe. Kahit may trabaho naman kasi ako na maayos, kailangan pa rin na magtipid para sa mga hindi inaasahan na kagastusan. You know, like bagong labas na heels o kaya naman ay bags sa mall. Hahaha! Hobby ko kasi ang mag-shopping, especially buying new heels and bags. Sumakay ako sa kotse ko at mabilis na pinaandar 'yun papunta roon sa condo ni Troy, dumaan muna rin ako sa isang Café para bumili ng kape pantanggal nang hangover niya. Pindot ko du'n sa bell pero wala pa rin na nagbubukas, ilang minuto uli ang hinintay ko pero wala pa rin talagang nagbubukas nu'ng pinto kaya pinihit ko na 'yung doorknob at nagulat ako dahil hindi iyon naka-lock. What? Iniiwan niya lang na nakabukas ang pinto ng condo niya nang ganito? Paano pag nanakawan siya? Napaka burara talaga nu'ng lalaking 'yun! Tsk. Pumasok na ako du'n sa loob at nagulat ako dahil sa bumungad sa akin. Napaka dumi nang buong condo niya, ang daming nakakalat na bote ng beer at upos ng sigarilyo sa sahig pati na rin sa lamesa. "Troy?!" Galit na tawag ko pero walang sumagot. Lumakad ulit ako papunta naman du'n sa kwarto niya para doon siya hanapin pero bukas din 'yung pinto nu'n at nasilip ko na wala siya sa loob. Saan kaya nagpunta 'yun? Inilabas ko doon sa purse na dala ko 'yung cellphone at hinanap 'yung number ni Troy sa contacts at tinawagan. Calling Troy... Nakaramdam na ako nang kaba nang hindi niya sinasagot 'yung cellphone niya at patuloy lang 'yon sa pag-ring. Damn! Where the f**k is he?! He's not picking my calls for Pete's sake!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook