Enemies into Lovers

Enemies into Lovers

book_age12+
4
FOLLOW
1K
READ
badgirl
independent
tragedy
comedy
campus
enimies to lovers
school
multiple personality
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Once upon a time, there were two individual students in University of Santo Thomas.

The time will come for them, they meant to be mortal enemies but for some reasons they will fall deep in love with each other.

What challenges are waiting for them?

Will they have a happy ending? or something will happen that will tear the both of them apart?

chap-preview
Free preview
Eli's bad dream
DISCLAIMER: This is a work of fiction, Pure fictional. This might contain some tagalog and english cursing so I'm giving a warning. Names, characters, places, business, events and incidents are product of the author's imagination or just used for fictitious matter. Resemblance to actual person living or dead are pure coincidental. *** ISAAC’S POV “Ay kalabaw!” gitlang pagmulat ng aking mga mata mula sa pagkahimbing dahil kumalembang na ang mga tainga ng aking alarm clock at naglagapak pa ako nang malakas sa sahig. “Sign ko na ba ‘to para foam nala’ng ang gawin kong higaan? Sh*t mabubukulan pa ata!” asar na singhal ko. Pagkaraan lamang ng ilang segundo ay bumukas ang pintuan at kaagad na bumungad si nana Sita, ang yaya naming itinuturing ko na bilang pangalawa kong ina dahil sanggol pa lamang ako ay naririto na siya sa amin para maglingkod at inalagaan talaga niya kami nang maayos na para na ring mga anak niya. “Good morning Isaac! Handa na ‘yung umagahan n’yo sa ibaba, nagluto na kami ng Mom n’yo ng mga paborito niyong ulam ni Jannah,” aniya. “Ay sige po nana wait I’ll just wash my face po then sabay-sabay na po tayo kumain,” I said politely and jumped off my bed quickly to fix it and to get ready for today. I’m now a second year college in University Of Santo Thomas and I chose Bs marine because this is the only job that I think suits on me . My Dad is also a seaman before and I’m making it as one of my inspirations to study harder for our family. Pagkababa ko mula sa aking kwarto upang kumain ng almusal ay tumambad kaagad si Mom at Jannah na nag-aantay sa akin sa hapag-kainan. “Good morning my baby boy!” Mom greeted me with excitement on her face. “Mom naman college na ako baby boy parin tawag mo sa’kin? HAHAHA! Oh anong tinatawa-tawa mo diyan Jannah? Halika nga rito!” Lumapit ako sa kapatid kong nakaupo na sa lamesa at kiniliti siya nang bahagya. “Mommy oh si Kuya!” sumbong ng bunso kong kapatid kay Mom habang tawa nang tawa dahil sa mga kiliti ko sa kaniya. Kadalasang hinihinto ko na ang pang-aasar sa tuwing sinusumbong niya ako sa aming Ina, nakasanayan na rin dahil lagi akong pinapalo sa pwet dati hehe. “Yaya iwan mo na muna ‘yan sabayan mo na kaming mag-almusal rito oh,” yakag ni Mom kay yaya Sita dahil para sa amin ay parte na rin sya ng pamilya at masaya kaming nag- almusal nang sabay-sabay. “Mom alis na po kami ni Jannah baka ma-stuck pa po kami sa traffic eh,” Kumukuway kaming magkapatid na nagpaalam sa aming ina habang naglalakad kami papunta sa sasakyan. “Ok sweeties! Ingat sa pagda-drive Isaac ha? Don’t forget to put your seatbelts on, i love you both!” Habilin niya at maya-maya'y sumakay na rin kami ni Jannah sa kotse at dali-dali ko na itong pinaandar. “Kuya dito nalang ako I’m so late na eh huhu pick me up later na lang ha? Ok bye!” Lumabas agad siya nang agaran sa aking sasakyan na parang ibong matagal na nakulong sa hawla pagkatapat palang namin sa harap ng school niya at ‘di ko na nagawang makapag-paalam pa, hayst big girl na talaga ang princess ko. Kaagad ko na ring pinaadar muli ang aking sasakyan dahil malayo-layo pa ang UST kung saan ako nag-aaral mula sa school na pinapasukan ng nakababata kong kapatid. ELIZABETH’S POV Nakita ko na lamang ang aking sarili sa gitna ng kalsada, makulimlim ang kalangitan at tila nagbabadya ito ng pagdating ng malakas na ulan. Sa bandang dulo ng kalsada na ito ay may naaninag akong usok na para bang nanggagaling sa isang sasakyan kaya naman ‘di na ako nagdalawang-isip, kaagad akong kumaripas nang takbo dahil pakiramdam ko ay may kailangan akong tulungan at iligtas. Habang tumatakbo ako ay papalapit rin ako nang papalapit at mas nakikita ko ang bawat detalye patungkol sa aking natuklasan, hindi ko mawari ang aking nararamdaman ngunit pakiramdam ko ay pamilyar ang pangyayaring ito at tila narito na rin ako noon. Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad, sa wakas ay isang metro na lamang ang aking layo mula sa naturang sasakyan. Nakabaligtad pala ito at nasaksihan ng dalawa kong mga mata ang mga taong duguan sa loob nito at mukhang malubha ang sinapit nang mga ito. Sinubukan kong tumawag sa emergency ngunit wala akong mapaghagilapan ng aking telepono kaya naman mas lumapit pa ako rito para tingnan kung anong klaseng tulong ang aking magagawa. May dalawang tao sa unahan na kung iyong pagmamasdan ay masasabi mong mag-asawa ang mga ito, paglingon ko naman sa likuran na upuan ay may nakita akong bata na sa tansya ko ay na sa mga isang taong gulang pa lamang. The kid looks so helpless and can't do anything but to cry. My heart suddenly crushed just like a pieces of broken glass because I can imagine this child’s future, it's really hard to grow up without the support from parents because I know how it feels like. I didn’t even had the chance to have fun with them when my mind is already awaken. So without a second thought, I quickly pulled the door knob as hard as I can, it’s not even locked but it feels like something is stopping it from opening. Habang pinipilit ko pa rin na buksan ang pintuan ng kotse ay bumuhos na ang napakalakas na ulan na tila ang bawat patak nito ay nagbibigay-simbulo sa aking mga iniluha na nagmula sa madidilim kong ala-ala. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngunit habang hindi ko sinusukuang buksan ang pintong ito para iligtas kahit man la’ng ang bata ay pumapatak na rin ang aking mga luha na tila sumasabay sa bawat bugso ng ulan. Pagkalipas ng ilang segundo ay napalingon akong muli sa bata dahil napansin kong tumigil na ito sa paghagulgol at naka sentro la’ng ang mga paningin nito sa akin at gano’n rin ako, walang ano-ano’y tila naparalisa ang aking buong katawan mula sa pagkaka-upo sa basang semento ng daang iyon at nanatili kaming magkatitigan ng bata na para bang may gusto siyang ipahiwatig sa akin. Ilang minuto rin ang inabot ng pagtitigan namin at ang mga luha ko ay patuloy sa pagbuhos habang tanging ulo ko pa rin ang tangi kong naigagalaw. Habang humahagulgol ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay bigla akong nakarinig ng katok sa bintana sa unahang upuan ng sasakyan kung saan nakapuwesto ang mag-asawa, bigla akong nagulintang sa sumunod na nangyari na halos ikinahiwalay nang aking kaluluwa mula sa aking katawan. Pagkadungaw ko kasi sa pwesto kung saan sila naipit ay bigla silang nagmulat at tanging itim lamang ang kulay ng kanilang mga nagbibilugang mata habang ang mga mukha nila ay halos hindi na rin makita sa dami ng tumulong dugo rito mula sa kanilang mga ulo, sinilip ko rin ang batang kanina ko pang pinipilit iligtas at naging itim rin ang mga mata nito na siya namang hindi na kinaya ng bugso ng aking damdamin at napahiyaw nalamang ako nang malakas sa sobrang takot na aking naramdaman. “Ah!” malakas kong sigaw na hindi na inalintana kung mahahalit man ang aking mga ugat sa lalamunan at hindi na muling makaka-awit pa sabay bangon ko nang pa-upo habang hinahabol ko ang aking hininga. “Gosh! I’m glad it’s just a nightmare,” I sighed with relief. “Eli are you ok?! Wait for me ‘wag kang gagalaw kung nasaan ka ngayon please!” tarantang sabi ni Tita She habang binubuksan niya ang nakakandado kong pintuan ng kwarto gamit ang duplicate keys na binigay ko sa kaniya para sa mga hindi inaasahang pangyayari kagaya nito. Pagkabukas niya ay para siyang sasabak sa boxing ring sa kaniyang ekspresyon na may hawak pang siyanse sa kanang kamay nito, “Woah Tita chill ka lang binangungot la’ng po ako!” pagpapakalma ko sa nag-iinit niyang mga ugat sa ulo. “Ay gano’n? Akala ko naman pinasok na tayo ng magnanakaw jusmiyo aatakihin ako sa puso!” hinihingal na saad niya. Agad siyang lumapit sa study table sa kwarto ko at nagsalin ng tubig sa baso mula sa dispenser, “Oh ito inom ka muna at ‘wag ka muna tatayo sa higaan hanggang hindi ka pa ok ha? ano ba napanaginipan mo?” Inabot ni Tita sa akin ang baso na may lamang tubig kasabay ng sunod-sunod na tanong nito sa akin at ipinaliwanag ko naman sa kaniya kung anong naganap sa bangungot kong iyon dahil ayon sa kasabihan, kailangan mong isalaysay ang bawat detalye ng pangyayari sa bangungot na iyong naranasan sa ibang tao nang sa gayo’n ay hindi na ito muling mangyari pa. Hindi talaga ako nagpapaniwala sa mga ganito pero kaysa naman maranasan ko itong muli ay naniwala na lamang ako at sinamahan ko na rin ng panalangin. Kinuwento sa akin ni tita noon na kaming tatlo ng aking ama at ina ay nakasakay sa kotse dahil may naghahabol sa amin na awtoridad dahil may nagawang pagkakamali ng aking ama. Ayon sa imbestigasyon ay nawalan ng preno ang sasakyan at dahilan ito para tumilapon at bumaligtad . Biglang sumuot sa aking isipan na, ang bata palang iyon na pilit kong iniligtas ay walang iba kun’di ako at ang dalawa namang tao sa unahan ay ang aking mga magulang. Pagkatapos daw ng insidente na iyon ay namatay ang aking mga magulang at tila iniligtas ako ng anghel na nagbabantay sa akin dahil ayon sa kanila ay napaka-imposible na wala man la’ng daw akong natamong kahit maliit na gasgas sa katawan ngunit naging posible ito at binansagan ako bilang ‘the lucky child’. Swerte man sa kanilang paningin ay kabaligtaran naman ang sa akin, ang mundong ito ay isang malaking kashungahan lamang. Nabubuhay ako ngayon sa pagiging misteryosong babae dahil sa nagawang pagkakamali ng aking ama na tila ako ang pinagbabayad ng lahat ng iyon ngayon kaya bakit ko pa nga ba hihilingin na mabuhay? Paano kung malaman ng ibang tao na mamamatay-tao ang aking ama? Takot akong mag-iba ang tingin ng mga tao sa akin kaya pinanatili ko na lamang na ako lang at ang tita ko ang nakaka-alam ng buo kong pagkatao. My dad’s name is Gabriele and he’s a seaman, and also a criminal. Pinaslang niya ang noo’y matalik niyang kaibigan sa barko. Ayon sa isinalaysay ng mga kasama nila noon sa barko sa mga pulisya ay mistulang magnet daw ang dalawa sa pagkat sadyang hindi sila mapaghiwalay at halos magkapatid na rin ang turingan ng mga ito sa isa’t-isa. Ngunit may sumubok sa katatagan ng kanilang pag-kakaibigan, ang pinaka pinuno nila doon ay nawalan ng mamahaling alahas at ang mga tao sa lugar kung saan ito huling namataan ay tanging ang aking ama, ang matalik niyang kaibigan na si Carlos at ang kanilang pinuno. Tila nagbabagang apoy ang ulo sa galit ng nasabing pinuno nu’ng natuklasan niyang nawawala ang kaniyang kwintas sa kadahilanang iyon ay kaya nang makapag-pagawa ng rest house para sana sa kaniyang binubuhay na pamilya. Nataranta silang dalawa sa sinabi ng chief na ipapakulong niya ang kung sino ma’ng mapapatunayang kumuha nito. Natakot sila dahil kapag hindi umamin ang tunay na kumuha ng bagay na iyon, paglipas ng isang linggo ay parehas silang mawawalan ng trabaho at maaari pang sintensyahan ng lima hanggang sampung taon na pagkakakulong nagkasala man o hindi. Hindi sila maaaring mawalan ng trabaho dahil may kani-kaniya silang pamilyang binubuhay kaya nauwi ito sa turuan at painitan ng mga ulo. Noong araw na iyon ay hindi pa rin nareresolba ang kaso kaya naman nagpatuloy sila sa pag-iimbestiga sa nasabing pangyayari. Sumapit na ang gabi at ang mga tauhan sa barko ay pumasok na sa kani-kanilang silid para magpahinga. Nakuhanan ng isang cctv camera sa barko ang aking ama na lasing na lasing at may hawak pang isang bote ng alak sa kaliwa nitong kamay na pumasok sa loob ng kwartong pinagpapahingahan ni Carlos. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na ito sa silid na tila pagod na pagod at may nakita ring mga mantsiya sa kaniyang damit bago siya magsuot ng itim na jacket. Mukha daw itong wala sa sarili noong mga oras na iyon mula sa mga nakuhanan pa ng ibang cctv sa loob ng barko, maingat itong bumalik sa silid niya para walang kahit sino ang maghinala upang kuhanin ang iba niyang importanteng kagamitan at kumaripas nang takbo sa ibabang bahagi ng barko para kuhanin ang emergency jetski na ginamit niya sa pagtakas. Naka tyamba naman siya nu’ng mga oras na iyon dahil ang barko ay malapit-lapit na rin sa pangpang ng Maynila kung saan tunay na nanggaling ang barkong kanilang sinasakyan. Nakita na lamang nila ang laman ng cctv camera kinabukasan matapos nilang matagpuan ang kaawa-awang sinapit ng napakabait na marino. Punong-puno ng sarili niyang dugo ang kaniyang kama at ang mga mata niya’y nakatirik na dahil na rin sa lala ng natamo nitong mga sugat at ayon sa imbestigasyon, ito’y pinaslang gamit ang binasag na bote ng alak na ginamit ng suspect na pansaksak at walang ibang may gumawa no’n kun’di ang aking ama. Nareport agad nila ito sa pulisya at makalipas ang bente-kwatro oras ay napag-alaman nilang dumaretso siya sa aming bahay para sunduin kaming mag-ina, ang aking ina ay isang abogada. Nalaman rin nila kinalaunan ang lugar kung saan kami panibagong nakatira at doon nagsimula ang pakikipaghabulan ng aking ama sa mga awtoridad habang sakay-sakay niya kami sa kaniyang sasakyan na sa huli, nauwi sa isang malalang trahedya. “Nakaabot ka sa panahong ito at hindi ka nagpatalo sa depresyon, I’m so proud of you, hija. Kaya sana ay matupad na lahat ng minimithi mo sa buhay, lagi lang kaming nandito para suportahan ka.” Pagpapagaan ng loob sa akin ni Tita.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
758.4K
bc

The Lone Alpha

read
121.3K
bc

Dominating the Dominatrix

read
51.0K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
523.4K
bc

In The Arms Of My Ex's Elder Brother.

read
7.8K
bc

Remarried Again: My Husband's Brother.

read
7.0K
bc

The CEO'S Plaything

read
12.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook