Fairy-god Eli

1333 Words
Sa ngayon ay na sa unang taon ako ng kolehiyo sa kursong Bs Tourism dahil mula aking pagka-bata ay pangarap ko nang maging isang flight attendant. Maayos ang aking buhay dahil sa mga ipinundar ng mga magulang kong abugado at seaman bago sila mawalay sa akin, swerte ako kahit papaano dahil hindi pa ako nabubuo sa sinapupunan ng aking ina ay agad na nilang pinaghandaan ang aking kinabukasan at sa kadahilanan na rin na ang aming angkan ay likas na mariwasa kaya kahit kapiraso ng kahirapan ay hindi ko naranasan. May mga kasam-bahay naman at driver na naghahatid palagi sa akin sa UST na aking pinapasukan sa kasalukuyan, madalas rin akong dalawin ni Tita She na kapatid ng aking ina kaya kahit papaano ay nababawasan ang pangungulila ko sa kanila. Si Tita ay isang matandang dalaga dahil sa ilang mga rason kagaya ng mahina ang kaniyang matres at hindi niya kaya magdalang-tao, ngunit ayon sa kaniya’y kuntento na siya sa kinahinatnan ng buhay niya ngayon at mas naalagaan ang sarili nang tinanggap na niyang hindi kasama sa plano ni Bathala ang magkaroon siya ng kakasamahing lalaki sa buhay. “Good morning Ma’am! Ready na po ang sasakyan sa ibaba,” bungad na bati sa akin ni Manong Danielo habang ako ay nag-aalmusal sa dining area na may ngiti sa kaniyang mga labi, ang driver ko mula pagkabata na lagi akong hinahatid-sundo saan ko man gusto magpunta. “Ok po mang Dan susunod na po ako! Uhm, Tita I have to go na ha? may event pa po kasi sa University today baka maipit pa kami sa traffic eh, bye bye enjoy po kayo sa Tita’s night out n’yo with your friends later!” saad ko. Tumayo na ako mula sa lamesa sabay hablot sa aking bag at dali-dali nang lumabas ng bahay sabay sakay na sa sasakyan. “Take care Eli!” pasigaw na payo ni Tita habang kumukuway mula sa gilid ng pintuan. “Thanks manong Dan! I’ll just call you later ha?” Pag-papasalamat ko sa kaniya dahil sa ligtas niyang paghahatid sa akin, as always. “Sige, ingat po kayo!” aniya at muli nang nagmaneho pauwi. Katutung-tong pa lamang ng isa kong paa sa room namin ay agad na akong sinalubong ng isa sa matalik kong kaibigan na si Callista. “Girl, may flowers and chocolates na naman sa seat mo as usual, ugh! Feeling ko masisira na ngipin namin ni Bea kakakain ng chocolates na ‘yan e!” pareklamong singhal niya. “Wow nagawa mo pang magreklamo eh sarap na sarap kadin naman! Tingnan mo yung isa ‘don oh aga-aga kumakain nang chocolates ko!” saad ko naman. “Hoy naririnig ko kayo d’yan ha! In besides, you're not a fan of sweets naman kaya kami na lamang ang papapak ng mga ‘to kaysa itapon mo pa!” sambit naman ni Bea na kaibigan ko rin mula sa kaniyang kina-uupuan na nasa isa’t kalahating metro ang layo mula sa aking kinatatayuan, may lahing aso siguro s’ya. “Oo kaya nga sa inyo ko ibinibigay di’ba, don’t angal-angal na ya’ll making me galit!” sabi ko naman sa pasarkastikong paraan. Hindi sa pagmamayabang pero lahat ng boys sa room na ‘to ay nakapanligaw na sa akin, haba ng hair ko no? Paki braid nga! “Ok, class dismissed purr!” Lumabas na sa silid ang isa naming Professor na parte ng LGBT+ pagkatapos niya magklase sa subject na Acro Perspective of Tourism and Hospitality. “Omg confirmed na confirmed na talaga si Prof, crush ko pa naman s’ya dati huhu!” Lumapit la’ng sa upuan ko si Cali para ipahayag ang komento niya dahil nagladlad na ang Proffesor namin na dati nitong pinag-papantasyahan. “Ayaw mo pa kasi maniwala sabi ko sa’yo dati ko pa s’ya naaamoy HAHAHA t*nga mo kasi!” pang-aasar kong sagot sa kaniya at pabiro siyang nag iyak-iyakan na parang batang inagawan ng candy. Isa lang ang subject na meron kami ngayon dahil magaganap sa araw na ito ang basketball try-outs. “Girl what brand of perfume should I use?” tanong sa akin ni Cali. “Jusko feeling mo naman sisinghutin ka ng mga players HAHAHA! Pero I think the Valkrie suits for today's event,” sagot ko sa bruha at sinimulan nang wisik-wisikin sa katawan niya ang pabangong aking pinili sa para sa kaniya. “Miss Elizabeth Cruz, what shade of tint should I put on my kissable lips? sunod na nagtanong ang isa pang bruhilda na si Bea. “Wow nahiya ka pa na isama pati apelyido ng Mom ko ha! Hmm I think, that glossy red montana. Para ka na kasing sinapak sa ibang shades HAHAHA!” I answered sarcastically, she rolled her eyes and start putting the shade that I chose. Excited na naman sina ate mo Cali at Bea dahil makakakita na naman sila ng pawisan, matatangkad at mababangong lalaki, ugh! “How about you Eli hindi ka ba mag-aayos? We’ll be the chanter of red team kaya dapat we smell and look good!” pagtatakang tanong ni Cali dahil naka-upo lamang ako at hinihintay silang matapos mag-ayos. “Well,” Tumayo ako at tumitig sa kanilang dalawa, saktong-sakto ang dampi ng sinag ng araw sa aking balat nu’ng mga oras na iyon dahilan para mas tumaas ang kompyansa ko sa aking sarili, dahan-dahan kong hinawi ang aking buhok sa harapan nila mula sa aking noo papunta sa likuran at sinabi ko ng buong loob na, “Need pa ba talaga?” CALLISTA’S POV Katatapos lamang ng isang klase para sa araw na ito at ang lahat ay snagsisimula nang maghanda para sa gaganaping basketball try-outs maya-maya lamang. Halos lahat ng kaklase namin ay nagsisilapit kay Eli lalo na sa mga ganitong sitwasyon upang mag-patulong sa pagpili ng kanilang mga gagamiting bagay sa katawan nila dahil kilala rin si Eli bilang fairy-god mother dito sa UST dahil sa maganda nitong taste pagdating sa pagpili sa lahat ng bagay. Tinanong ko si Eli kung bakit hindi pa siya naibo para mag-ayos samantalang ang try-outs ay malapit-lapit na rin na magsimula. Walang ano-ano’y bigla na lamang siyang tumayo at sinabing, ”Well,” sabay hawi sa kaniyang makintab at mahabang buhok patalikod, “Need pa ba talaga?” taas noo niyang sabi. Tila ang hininga ko’y nalagot nu’ng mga oras na iyon at nagmistulang yelong tigdo-dos na bagong hugot sa refrigirator. The sun rays are perfectly aligned to my best friend’s soft and pale skin, she’s like a sunflower in a field under the beautiful tropical sun and her beautiful eyes are shining just like stars in the night sky, and her lips? Damn all I can say is she’s the real definition of the word ‘perfect’. Pakiramdam ko ay bigla nalang bumagal ang ikot ng mundo at nanatiling asintado ng aking mga paningin kay Eli, “F*ck, bakit ganito ang nararamdaman ko? Sa pagkaka-alam ko straight ako ah? Crazy Cali umayos ka ha kababae mong tao!” pagka-usap ko sa aking sarili mula sa utak at pilit na pinipigilan ang bugso ng aking nararamdaman habang hindi ko pa rin maigalaw ang aking katawan. Kahit ang iba naming mga kaklase ay napatingin rin sa kaniya, well tama yung kasabihan na magyabang ka kung may ipagmamayabang ka. Kaya ‘pag si Eli ang gumawa nito ay ayos la’ng dahil kung ako man ang bibiyayaan ng ganiyang mukha, ay jusko dai ipapa-billboard ko talaga ‘to sa lahat ng sulok sa Pilipinas! Maganda rin naman ako pero iba talaga ang enerhiya ng kagandahan na nanggagaling sa kaniya, damn. Ngunit kahit matagal na kaming magkakaibigan ay isa pa rin siyang misteryo sa aming lahat, ang tanging alam lang namin sa kaniya ay kung saan siya nakatira at kung anong petsa ng kaarawan nito. Hindi rin kami sigurado sa ginagamit niyang pangalan at apelyido, hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa amin kung bakit sobra niyang mapag-tago pero sa kabilang banda ay gusto rin naming respetuhin ang pribado niyang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD