ISAAC’S POV
“Hi baby! Free ka ba mamaya?” bungad na bati kaagad sa akin ni Mark pagkababa ko pa lamang ng sasakyan.
“No,” I coldly answered and I look straight to his teary eyes, damn i feel so bad again.
Una pala'ng naman ay sinabi ko nang wala talaga akong espesyal na nararamdaman para sa kan’ya kagaya ng nararamdaman nito para sa akin pero masyado niyang binigyan ng mga kahulugan ang kabaitan ko sa kaniya, normal lamang naman iyon sa akin lalo na kung matalik kong kaibigan ngunit iba pala ang kaniyang nasa isip kaya naman hindi niya tigilan ang pangungulit sa akin.
I always act cold so his feelings for me wouldn’t last long, but I don’t think its working.
“Aw ok, uhm btw look oh I made some cupcakes! Ako ang nag-bake n’yan for you!” he said gracefully with a wink and he pointed a lunch box in front of me with cupcakes inside.
“Oh nice, it looks so delicious! For sure magugustuhan ‘yan ng friends mo.” I coldy replied and lowkey rejected the cupcakes because I don’t want him to keep his special feelings for me, he’s just wasting his time.
I feel bad but I need to act like this so he will no longer expect that I’m gonna like him more than friends, he’s my close friend before but since he confessed his feelings for me, everything changed.
I felt awkward whenever I’m with this guy so I started running away from our friendship because I don’t think it'll work anymore.
“Ok Mark gonna go I still have so many things to work on.” I walked away from him without taking the cupcakes that he baked for me, sh*t how long will this take? I hope he realize things sooner because I’m tired of being such a jerk.
MARK’S POV
Maaga akong gumising ngayon para mag-bake para kay Isaac na aking kaibigan, noon.
Mula nu'ng nilantad ko ang aking tunay na pagkatao at aminin dito ang aking ispesyal na nararamdaman para sa kaniya ay unti-unti na siyang lumayo, kahit ang mga kaibigan namin ay nilalayuan na rin ako, hindi naman kami ganito noon.
Nakakapagsising inamin ko pa ang matagal ko nang itinatagong nararamdaman na dapat tinago ko na lamang talaga dahil bukod sa nasira nito ang aming pagkakaibigan, hindi na rin siya komportableng ako ay laging nasa paligid niya kagaya ng dati.
We used to be so happy together. We always bond with our friends in the club after school, get drunk and do shitty things together.
Damn, I really miss everything, I miss him. Hindi ko naman aakalaing magkakaroon ako ng pagtingin sa kaibigan kong ito, nahulog lang din ako.
At dahil sa mali kong desisyon, sa isang iglap ay tila naglaho na lamang na parang bula ang lahat ng aming pinagsamahan.
Habang umiiwas si Isaac sa'kin ay lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kaniya, nakakat*nga talaga magmahal.
The things that I’m doing for him is getting crazier and crazier each day. I even baked cupcakes and searched the procedures on the internet on how to make perfect cupcakes because I used to always fail in my past pastries.
And I’m glad that for the first time, I made a perfect and delicious cupcakes!
Hindi niya nga lang tinanggap, alam ko namang masasaktan ako sa huli pero sa huli pa naman ‘yon, charot!
Umupo ako sa pinakamalapit na bench sabay bukas ng lunchbox at isa-isa kong kinain ang mga ginawa kong cupcakes habang umaagos na sa aking mga mata ang mga luhang ako rin ang dahilan, kung alam niya la’ng kung gaano ko s’ya kamahal.
I felt like a thousand of daggers were being thrust into my chest and twisted.
Pero hindi ako susuko, hindi ako titigil hanggang hindi ko s’ya nakukuha.
Darating din ang araw na makikita niya ang mga efforts ko at mamahalin niya rin ako gaya ng pagmamahal ko sa kaniya, hindi lang bilang kaibigan.
ISAAC’S POV
“What’s up mga dude?!” pagbati ko sa mga tropa kong sina Vince, Charles at Jerome nu’ng pinuntahan ko sila sa isang bench sa loob ng gymnasium kung saan sila naka-upo at naglilikutan.
“Eyy!”
sabay-sabay nilang bati sa akin pabalik at isa-isa kong tinapik ang kanilang mga likuran, sa sobrang tatagal na naming magkakasama ay para na kaming magkakambal na apat sa kadahilanang halos iisa lamang palagi ang aming mga kilos.
Tumabi ako sa kanila at nakipag -kwentuhan gaya ng lagi naming ginagawa.
“Ano Isaac kinukulit ka pa rin ba nu’ng Mark na iyon? Jusmiyo sinira niya ang almost 6 years na pagkaka-ibigan n’yo dahil la’ng sa kabaklaan n'ya!” inis na singhal ni Vince na may halong pagkadismaya.
“Yeah! Kanina nga pagkababa ko sa sasakyan sinalubong agad niya ako at inabot ang lunch box na may cupcakes na siya daw ang gumawa,” sagot ko sa tanong ni Vince na kumukulo ang dugo.
“Damn pare, he’s obsessed.” Sabay iling ng ulo ni Vince.
“Tinanggap mo ba? Nasaan na?! Lantakan na natin yan!” tanong ni Jerome, hayst ang siba talaga!
“Ikaw talaga napakatakaw mo Jerome HAHAHA! Hindi ko tinanggap, para hindi na niya isipin na may pag-asa kaming dalawa, nakokonsensya na nga ako eh,” saad ko habang nakahalumbaba.
“No bro, you just made the right choice, nice move!” sabi naman ni Charles.
Lima kaming magkakasama noon subalit ang isa ay napalayo na sa amin at siya ay walang iba kun’di si Mark.
Palagi kaming magkakasama noon, nagha-hiking, tumatambay sa club kapag free time namin at marami pang iba, sobrang solid ng friendship naming lima kaso ayon nga ang nangyari. Wala naman kaming problema sa pagiging bakla pero ang mali kasi niya ay ang hindi siya nagtiwala sa amin samantalang buong-buo naman ang tiwala namin dito, pakiramdam namin ay natraydor kami.
Nagsisimula nang magsipasok ang mga tao sa loob ng gymnasium dahil malapit na rin magsimula ang try-outs, dumating na rin ang ibang susubok kung sila ba ay makakapasok sa grupong bubuuin.
Naigrupo na kami sa dalawang pangkat, magkasama kami ni Vince sa red team at si Jerome at Charles naman ay magkasama sa blue team.
Ang red team ay pinag-topless habang ang blue team naman ay pinanatiling suot ang kanilang mga damit, buti nalang talaga mahilig kami mag work-out mag to-tropa kaya ready kami sa mga ganitomg hubaran, joke!
“Ready na ba kayong madurog sa amin ni Charles mga pre? HAHAHA!” pagmamayabang na saad sa amin ni Jerome.
“Kayo ang dapat mag-ready sa amin, ang matatalong grupo manlilibre sa club mamaya ha?!” taas-noo ko namang sabi sa kanila at humudyat na si coach para sa pagsisimula ng laro.
ELIZABETH’S POV
“Ugh sumisikip na yung cheerleading skirt ko nakakainis! Kasya lang ‘to sa akin last week eh!” reklamo ni Bea sa sumisikip niyang palda, kain ka pa ng chocolates ko ha!
Pagkatapos namin mag-ayos ay dumiretso na kami sa girl’s locker closet para isuot ang aming mga cheerleading suit, kami rin kasi ang magiging cheerleader ng bubuuing basketball team ng UST at palagi kaming makakasama sa mga laro kaya naman kailangan pa namin mag-ensayo.
“Kasalanan talaga ‘yan ni Eli teh! Kung hindi sana s’ya maganda edi sana wala tayong kinakain na isang damakmak na chocolates araw-araw!” pabirong paninisi sa akin ni Cali.
“Tama!” pag sang-ayon naman ni Bea at pinantirikan ko sila ng mata.
“Wow nagkampihan pa talaga kayo ha, kapag nga hindi n’yo nauubos eh inuuwi ninyo sa mga bahay niyo ta’s doon nilalantakan!” pagtatanggol ko sa aking sarili at sabay silang naghagikgikan na parang mga demonyo, hay nako!
Magsisimula na ang try-outs kaya naman lumabas na kami mula sa locker para pumwesto na sa gymnasium, kinulot lamang nina Bea ang aking buhok at naglagay ng mascara dahil sapat na rin ang natural na pula ng aking mga labi.¹
“Playing smart, shooting sharp, crawling with a spark, team red!” we’re energetically chanting for red team, my co-cheerleaders loves our red cheerleading suits, well I’m not surprised because I am the one who designed it.
Hindi maitago ng dalawa kong kaibigan ang kilig habang nanonood ng laro, ang blue team ay nanatiling suot ang kanilang mga damit samantalang ang red team naman ay naka topless kaya naman ganito na lamang kung lumuwa ang mga mata ng dalawang bruhilyang ito.
Natapos ang laro at ang red team ang nagwagi sa score na 47-50, tuwang-tuwa naman ang mga kaibigan ko d’yan dahil nanalo raw ang mga baby nila.
"Hoy nakita mo ba yung mga tres ni Vince? Ack he's so hot talaga!" saad ni Cali.
“Hay nako puro kayo lalaki puro naman ‘yan sakit sa ulo!” panenermon ko sa kanila.
“Ay teh hindi naman kasi kami tomboy kagaya mo HAHAHA! Huwag ka nang magalit manang!” pang-aasar pa sa akin ni Bea, talagang sinusubukan ng dalawang ito ang pasensya ko!
ISAAC’S POV
“Congrats mga dude!” Pagbati sa amin nina Charles at Jerome sa aming pagkapanalo, natapos ang laban sa score na 47-50.
“Oh paano ba ‘yan? Sagot niyong dalawa ang drinks natin sa club mamaya ha? HAHAHA!” pang-aasar pa ni Vince sa dalawa.
“Hoy naman 47-47 na tayo kanina, naka tyamba la’ng si Isaac ng 3 points!” asar-talo ni Jerome, niluwa naman ni Vince ang kaniyang dila at gumawa na naman ng nakakairitang mga ekspresyon para asarin lalo si Jerome.
“Kanina ay isa-isa kong inusisa ang inyong mga galaw at liksi pagdating sa larangan ng sports na ito at kitang-kita kong may potensyal kayong lahat ngunit may walong indibidwal na talaga namang nangibabaw, lalo na sina Jerome, Isaac, Charles at Vince, sobra ninyo akong pinahangang magto-tropa sa pinakita ninyong determinasyon at masaya akong ibalita na kasali kayong apat sa aking napili na bumuo ng UST storm bulls, congratulations!” saad ni Coach Damian.
Ang anunsyo niyang iyon ay mistulang awitin sa aming mga taingang magkakaibigan, ang aming mga kaluluwa ay nagpapalakpakan sa loob ng aming katawan.
“Ang aking mga babanggitin ay ang lahat ng napili kong bubuo sa aking grupo at ang hindi naman matatawag, nawa’y mas pag-igihan n'yo pa at wag kayong panghihinaan ng loob, fighting!” aniya.
“Mark sanchez, David salazar, Jay Reyes, Shan nico lim, Isaac, Jerome, charles, Vince, kayo ang aking mga napili at nawa’y hindi n’yo ako biguin, binabati ko kayo!” pag-aanunsiyo ni Coach at lahat kami ay nag-kamayan na sumisimbulo bilang respeto sa isa’t isa.
Sa kalagitnaan naman ng aming pagseselebrasyon ay may biglang yumapos sa aking likuran,
“Congratulations my baby! Come here punasan ko pawis mo, nako magkakasakit ka niyan!” Humarap ako at kagaya ng inaasahan ko ay si Mark nga itong yumapos sa akin, nagtinginan naman ang mga tao sa aming dalawa na siyang ikinakulo ng aking dugo.
“No! Stop this sh*t Mark! Magagalit kasi girlfriend ko tsaka can you please distance your self on me na? Wala ka ngang pag-asa sa akin napaka desperado mo!” galit kong singhal kay Mark at tinulak ko ang kaniyang mga bisig papalayo sa akin, masyado akong na-highblood nu’ng mga oras na iyon kaya hindi ko na nakokontrol ang lumalabas na mga salita sa aking bibig.
“May girlfriend ka na? Why didn’t you tell me?! Ako lang dapat!” He said with his eyes teary.
“Who are you para sabihan ko? And please don’t act like we had a romantic relationship because we never had any! You just ruined our friendship and that’s enough!” I angrily shouted, I know I already said too much and it’s kinda embarrassing because my anger bursted out in front of our coach and the whole team.
“Then prove it! Where is she? I bet you’re lying!” he said while his tears are starting to fall down.