boring"Hindi ako maaaring magtagal, diwata."
Tumaas ang isang kilay ni Aella sa narinig habang nakatulala sa isang tasang may kape na nasa harapan niya.
"Bakit ka pa nagpunta rito, kung ganon?" Walang gana niyang tanong.
"Para tignan ku-"
"Kung buhay pa ako? Pasensya na ngunit buhay pa ako. Huwag kang mag-alala, bibisitahin ka ng kaluluwa ko oras na mamatay ako," aniya pagkatapos putulin ang sasabihin sana ni Denier.
Makalipas ang ilang taong walang paramdam ay bigla na lamang itong sumulpot sa silid ni Aella. Hindi mawari ng diwata kung ikatutuwa ba niya iyon o hindi.
Batid niyang ito ang araw na matagal na niyang hinihintay ngunit may parte sa kaniyang puso na tila hindi ikinatutuwa ang nangyayri ngayon.
Ang alaalang nais niyang iaksi ay unti-unting bumablik sa kaniya habang pinagmamasdan ang tasa ng kape sa kaniyang harapan.
Ang takot at pangambang naramdaman niya nang araw na iyon ay muling bumalik. Ramdam niya ang bahagyang panginginig kaya naman mabilis niyang itinago ang mga kamay sa alalim ng lamesa.
"Kailan ang alis mo?" Aniya matapos ang ilang minutong pananakop ng kataimikan sa pagitan ng dalawang nilalang.
"Mamaya." Tango lamang ang kaniyang isinagot. Ilang minuto siyang pinagmasdan ni Denier, tila kinakabisado ang bawat pagbabagong kaniyang napapasin sa itsura ng diwata. "Paumanhin kung pinaghintay kita ng matagal ngunit iyon ang utos ng pinuno, Aella."
Unti-unting iniangat ni Aella ang kaniyang tingin. Agad ay nahuli niya ang titig ng binata sa kaniya. "Buhay ang pinuno." Bagamat hindi tanong ay sinagot pa rin iyon ng isang marahang pagtango ni Denier. "Ano ang mas marami?"
Hindi man kumpleto ang tanong ay tila may malalim na koneksyong nagdudugtong sa dalawa na siyang dahilan kung bakit nagkakaintindihan anag mga ito.
"Patay. Kabilang doon si Lexi at Amanda."
Kasabay ng bahagyang pagtango ni Aella na tila naiintindihan ang tinuran ng lalaki kahit na ang utak niya'y tila nabalot bigla ng kalungkutan ay ang biglaang pagtulo ng mga luhang matagal niyang kinimkim.
Isang malalim na hininga ang kaniyang hinugot, umaasang mapapatigil niyon ang kaniyang pag-iyak at ang sakit na kaniyang nararamdaman sa may dibdib ngunit bigo siya.
"Alam ko ang nangyari kay Lexi pagkat nakita ko iyon ngunit ang nangyari kay Amanda ay hindi..."
"Paumanhin, diwat-"
"Bakit ka humihingi ng paumanhin? Ikaw ba ang may pakana nang kaguluhang iyon? O may kinalaman ka?"
Isang buong linggo na ang nakalipas ngunit ang pagdalaw na iyon ni Denier ay hindi pa rin nakakalimutan ni Aella. Maging ang kanilang pag-uusap ay tila sirang plaka kung umulit sa kaniyang isipan.
Batid niyang naging masakit ang huling tinuran niya sa binata ngunit hindi na niya iyon mababawi pa. Humingi man ng tawad at makatanggap man ng kapatawaran ay batid niyang ang mga salitang nabitiwan na niya ay pang habang buhay nang mananatiling nakatatak sa pagkatao ni Denier.
Sa isang buong linggo ring iyon ay palagian niyang nakikita ang lalaking nabato niya ng bola noon.
Kamakailan lamang nang mapag-alaman ng diwata na ang lalaking ito ay nakatira rin sa appartment na kaniyang tinitirhan kaya hindi na nakakagulat pa sa kaniya sa tuwing nakakasalubong niya ito. Ang ayaw niya ay ang patuloy na panggugulo nito sa kaniya.
Araw ng sabado at naisipan ni Aella na mag punta sa palengke ngunit pagkalabas pa lamang ng pintuan ay namataan na niya ang paglalakad ng lalaki na tila palabas din.
Sa halip na tumuloy ay umatras ang diwata at nagpasyang maghihintay na muna ng ilang minuto bago muling lumabas at umalis.
Lahat ng paraan ng pag-iwas na alam niya ay kaniyang ginagawa sa kagustuhang makaiwas sa lakaki ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana.
Nang magbalik ang klase, unang araw nila sa kolehiyo, ikinagulat ni Aella ang biglaang pag-upo ng naturang lalaki sa kaniyang tabi.
Maaga kung pumasok si Aella sa paaralan pagkat maaga siyang nagigising. Ang dahilan, simple lang. Mabagal kumilos si Diana at ayaw niya itong kasabay maglakad papasok sa paaralan pagkat walang awat kung ito ay magsalita. Hindi kinakaya ng tainga ni Aella ang kadaldalan ng roommate kaya naman minamabuti na lamang niyang unahan ito at iwananan.
"Hindi kita sinusundan, baka iyon ang iniisip mo," ani ng lalaki habang nakatitig sa mukha ni Aella.
Nasa tabing bintana ang diwata at sa kaliwang banda niya nakapwesto ang lakaki. Ang atensyon ni Aella ay nasa labas, pinapanood ang mga nagkakagulong mag-aaral na kung hindi nakikipagkwentuhan at asaran ay namomroblema naman sa paghahanap ng kani-kanilang klase.
"Sorry to disappoint you pero wala akong isip," masungit na turan ng dalaga.
Ang tawa mg binata ay taliwas sa kaniyang balingkinitang katawan. Napapalingon ang iba nilang kasamahan sa silid na iyon at iyon ang ayaw ni Aella. Sa halip na balingan ay bahagyang inilayo ng diwata ang kaniyang upuan at kahit wala nh espasyo ay pilit pa niya itong isinisiksik sa tabi ng bintana.
Pagka ano'y tumigil din sa pagtawa ang lalaki. Matinding pagkumbinsi sa sarili ang ginawa ni Aella upang huwag itong balingan ngunit nang may isang payat na kamay ang bumulaga sa kaniyang harapan ay hindi na niya kinaya at iniangat na ang mga mata upang tignan ang binata.
Nakangiti na ito at tila tuwang-tuwa sa nangyayari, taliwas sa seryoso at walang emosyong mukha ni Aella.
"Sherwin Garcia, kapitbahay mo." Pagpapakilala nito.
Tintiigan ni Aella ang kamay nito ng ilang minuto bago unti-unting inangat para makipagkamay. "Aella," malamig noyang tugon kasunod ang mabilis na paghatak sa kaniyang kamay at muling paglingon sa bintana.
Ganoon ang senaryo ng dalawang nilalang araw-araw. Mas nauunang pumasok si Aella ngunit may iilang araw na pilit siyang inuunahan ni Sherwin ngunit nabibigo ito.
Panay rin ang pangungulit ng lalaki kay Aella na siya namang sinusuklian ng kasungitan ng diwata.
Isang hapon ay pauwi na sana si Aella nang madaanan niya ang isang maliit na eskinita sa pagitan ng dalawang building. Doon ay may babaeng nakatayo habang hawak ang isang kahon ng tingin niya'y isang cake at iniaabot sa lalaking nakaharap.
Wala naman talaga sanang pakialam ang diwata ngunit nang magtama ang tingin nila ng lalaki ay tila nagkaroon ng sariling buhay ang kaniyang katawan at bigla na lamang itong huminto. Napalingon din tuloy ang babae sa kaniya na unti-unting nawala ang ngiti sa labi.
Patay malisyang inialis ni Aella ang tingin sa dalawa at walang ano-ano'y umalis na para umuwi.
Lingid sa kaalaman ng diwata na ang kaguluhang ito ang magdadala sa kaniya sa kapahamakan.
Hindi pa man tuluyang nakakapasok kinabukasan ay agad siyang napaatras sa isang dingding nang sabay-sabay siyang sugurin ng limang babae.
Pawang mga baguhan ang mukha ng mga ito sa kaniya maliban sa isa, 'yung babaeng nakita niya kahapon na kausap ni Sherwin at nagbibigay ng cake.
"Problema niyo?" Matapang na tanong ng diwata. Matinding pagpipigil din ang kaniyang ginagawa upang hindi na mairapan pa ang mga ito pagkat batid niyang lalo lamang siyang mapaoahamak kung gagawin iyon.
Sa ilang taon niyang pamumuhay rito ay ilang beses na rin siyang nakakita ng ganitong senaryo. Mga babaeng nagkukunwaring malakas na mahilig maghamon ng away laban sa mga tingin nila'y mahihina.
Ngunit lingid sa kaalaman ng mga babaeng ito, ang babaeng napili nilang pagtripan ay hindi ordinaryo. Alam man ni Aella ang advantage niyang ito ay hindi naman niya magamit pagkat ipinagbabawal iyon. Isa iyon sa mga bilin ni Lady Pega noon at ayaw niyang suwayin ito.
Napahamak na nga ang mga ito at ang palasyo dahil sa kaniya tapos, dadagdagan pa niya.
"Ikaw 'yung babaeng dikit ng dikit kay Sherwin, eh," anang babaeng may kulay dilaw at itim na buhok. Kayumanggi at may magandang pangangatawan. Malayong malayo sa itsura ng kaniyang mga kasamahan.
"Marami akong ginagawa, bukas niyo na lang ako awayin." Sinubukang kumawala ni Aella mula sa mga ito ngunit hindi pa man nakakagalaw sa pwesto ay mabilis siyang itinulak dahilan king bakit tila bola kung tumalbog ang kaniyang katawan laban sa dingding.
Napailing ng kaunti ang diwata sa sakit na naramdaman. "Busy kami bukas at bakit ba ikaw ang nag dedesisyon kung kailan ka namin aawayin, huh?" Gigil na bulong nang babae kasunod ang biglaan niyang paghawak sa panga ni Aella at bahagyang pagdiin dito.
Hindi na napigilan pa ng diwata ang pag-irap na siyang agad na napansin ng mga kasamahan ng babae. "Girl, iniirapan ka! Palaban!" Anang isa kasunod ang isang nakakarinding tawa.
Sa inis ay walang atubiling iniangat ni Aella ang kaniyang kanang paa para sana sipain ang babae ngunit bago pa man magawa ay may biglang humatak sa balikat noon dahilan kung bakit ito napalayo kay Aella.
Isang babaeng hindi pamilyar kay Aella ang may gawa. Mukhang masungit at gaya niya ay wala ring emosyong nakikita sa mga mata nito.
"Ang hilig ninyo sa away pero bakit tila hindi kayo marunong pumili ng magandang kaaway?" Habang pinapanood kung paanong tumiklop ang mga babaeng napakatapang kanina ay tumayo ng matuwid si Aella at bahagyang pinagpagan ang likurang bahagi ng damit, maging ang kaniyang mukha na siyang nahawakan ng babae kanina. "Bakit tila pawang mga mahihinang nilalang lamang ang inyong pinipili? Ang boring..."