CHAPTER 10 TARUTS POV Nagtext ako kay Etatskie kung kamusta na ang lakad niya. "Kamusta ka na d'yan sa Manila?" Maya-maya lang ay nag-reply siya. "Okay lang ako, Baby. Uuwi na ako bukas diyan sa San Miguel. Miss na kita sobra." Napangiti ako habang binabasa ko ang text niya. Kahit pagod ako buong araw sa palengke, biglang nawala lahat ng pagod ko. Ibang klase talaga 'pag si Etatskie ang kausap ko. Iba 'yung kilig. Iba 'yung saya. "Seryoso ka? Uuwi ka na talaga?" "Yes, Baby. Hindi ako puwedeng hindi bumalik. Namimiss na rin kita eh." Napakagat ako sa labi habang nakatitig sa cellphone ko. Para akong high school student na kinikilig sa crush niya. Nakaupo ako sa gilid ng kama habang hawak-hawak ang cellphone, hindi pa rin makapaniwala na pauwi na si Etatskie. "Promise me, ha? Pag-u

