CHAPTER 9 THIRD PERSON POV Mayamaya pa, dumating ang isang itim na limousine sa harap ng mansion. Bumukas ang pintuan, at lumabas si Don Emilio Claudio matikas, matanda ngunit makapangyarihan. Kasunod niya ang anak niyang si Maria Claudio, naka-white bodycon dress at designer heels, may hawak na envelope na may tatak ng law firm. Sa loob ng mansion, tumawag ang mommy ni Etatskie mula sa second floor. "Anak, baba ka muna! May guests tayo!" Tahimik na bumaba si Etatskie. Suot niya'y plain black polo at dark jeans, pero hindi ito nagkulang sa tindig. Nang makita ni Maria ang lalaki, agad itong lumapit, dala ang pekeng ngiti. "Oh my God, babe! You’re finally here," masayang wika ni Maria, saka mabilis na yumakap. "I missed you so much!" Ngunit hindi gumanti si Etatskie. Nilihis niya ang

