CHAPTER 8 ETATSKIE POV Pagkatapos ng meeting na 'yon kay Boss Reno, hindi ko alam kung anong mas mabigat: 'yung envelope na iniabot ko o 'yung bigat sa dibdib ko na dala ko pauwi. Hindi ko rin alam kung tama ba 'yung ginawa ko o isa na namang pagkakamali sa mahabang listahan ng kasalanan ko. Basta ang sigurado lang ako: si Taruts ang dahilan kung bakit ako lumalaban ngayon. Pagkapasok ko sa maliit kong kwarto sa boarding house, umupo ako sa kama at napatingin sa kisame. Mabigat pa rin ang ulan sa labas, parang sinasabayan ang utak kong puno ng gulo. Ilang segundo lang, tumunog bigla ang cellphone ko. Vibration lang, pero sapat na para bumalik ako sa realidad. Si Mommy. "Etatskie, where the hell are you now? Huh?!" Wala pa ring pagbabago ang boses niya galit, commanding, parang lagi a

