CHAPTER 18 ETATSKIE POV Tahimik ang gabi. Nasa loob ako ng lumang apartment sa Batangas, kalmado sa paningin pero parang may sumisigaw sa loob ng dibdib ko. Si Taruts, nakahiga sa sofa, himbing sa pagod. Gabi-gabi ko siyang pinagmamasdan. Hindi para bantayan kundi para ipaalala sa sarili ko kung bakit ko ginagawa lahat ng ‘to. Bawat galos sa balat niya, bawat paghinga niya ng malalim habang natutulog… ay paalala na may isang babaeng walang kalaban-laban sa giyerang sinimulan ng isang baliw si Maria. Maria Claudio. Yung babaeng dati kong akala'y ang sagot sa pangarap kong makalayo sa kahirapan. Pero ngayon, siya ang naging bangungot naming dalawa ni Taruts. Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa bintana. May tinabihan akong rifle case. Hindi ito para umatake—ito'y para dumepensa.

