CHAPTER 20 TARUTS POV Sa dami ng gulo, panlilinlang, at takot na dumaan sa mga araw namin ni Etatskie, hindi ko inakalang darating ang araw na ‘to. Na makakaramdam ulit ako ng kilig. Hindi takot. Hindi kaba. Kundi ‘yung pakiramdam na para kang binubuhusan ng malamig na tubig sa tag-init nakakagulat, pero nakakagaan. Nasa Tagaytay kami. Nakatago pa rin, oo, pero kahit paano ay binigyan niya ako ng isang araw na parang kami lang ang tao sa mundo. “Gusto mong mag-date?” tanong niya nung madaling-araw habang nililigpit niya ang mga gamit namin sa safehouse. Napakunot ang noo ko. “Ha? Sa lagay ng sitwasyon natin ngayon, date ang iniisip mo?” Ngumiti siya. ‘Yung ngiti niyang hindi ko na kayang tanggihan. ‘Yung ngiting parang sinasabi niyang kahit magulo ang mundo, okay lang basta kasama

