CHAPTER 21 THIRD PERSON POV Ang umaga sa Tagaytay ay may kakaibang lamig na tila niyayakap ang bawat sulok ng lungsod. Habang unti-unting sumisilip ang araw mula sa likod ng mga ulap, mahimbing pa ring natutulog si Taruts sa duyan, yakap-yakap ni Etatskie. Tahimik ang paligid, tanging huni ng mga ibon at kaluskos ng dahon ang maririnig. Dahan-dahang iminulat ni Etatskie ang mga mata, at sa paglingon niya, bumungad sa kanya ang mukha ni Taruts payapa, walang bakas ng alinlangan o takot. Parang isang anghel na sa wakas ay natagpuan na ang sandaling pahinga sa gitna ng gulo. Pinagmasdan niya ito ng ilang segundo, bago marahang hinalikan ang noo nito. “Good morning, Baby,” bulong niya. Napapikit pa si Taruts, pilit pang kinakalaban ang paggising. “Hmm... five minutes pa…” usal nito, pi

