Video Call

1896 Words
CHAPTER 4 TARUTS POV Pagkatapos ng kilig-kilig naming textan ni Etatskie na aminin na natin, pinapapak ng puso kong matagal nang tigang sa romansa ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tringggg! May tumatawag via video call. Nang makita ko ang pangalan sa screen, ay napa-“Ayyy!” ako sa sobrang tuwa. Si Peachay Salazar Sarmiento! Ang ganda parin talaga ng pangalan niya kahit ilang taon na kaming mag-buddy. Mabilis kong sinagot ang tawag at sabay bumulaga ang napaka-fresh na mukha niya sa screen. Parang bagong ligo sa gatas ng kalabaw. “Buddy!!!” sigaw niya, sabay kindat. Naka-rosegold na robe siya, nakatali ang buhok sa malambot na bun, at may hawak na baso ng green juice. “Ano na? Nakaubos ka na naman ng buong bangang gata d’yan sa palengke?” “Buddy!!!” sagot ko naman, sabay tili at tawa. “Grabe ka! Tapos biglang ka-video call ka? Akala ko si Etatskie na naman, baka ini-stalk ako!” “CHAROT!” sabay sabay kaming nagtawanan. Parang bumalik ang high school days namin sa tawa naming 'yon. Si Peachay, kahit CEO na ng sariling kumpanya ang Pechay Queens Farms na ngayo’y nagte-trend sa buong Luzon dahil sa organic vegetables at beauty products made from natural extracts hindi pa rin nagbago. Nakakatawa pa rin, totoo, at walang arte. At oo, sila pa rin ni Hardtin Sarmiento. Imagine mo, 'yung lalaking parang action star, mukhang mataray pero pag kinausap mo parang pusang nangangarap ng yakap oo, sila pa rin. “At ang inaanak mo, ayan!” pakita niya sa camera ng batang babae na nagsusulat sa lamesa, “Amara! Baby, wave to Ninang Taruts!” Lumapit ang batang matangkad, maputi, at may suot na eyeglasses na kulay pink. “Hi, Ninang! I’m studying po. Mama said math is important kahit I want to be a K-pop star.” Napahagalpak ako sa tawa. “Ayyy Amara! Galingan mo ‘yan ha! Pwede ka maging K-pop star na marunong mag-budget! Dapat marunong ka rin mag-gata ng niyog, ha!” “Eeeeww! Gata?” “Char lang ‘yun, anak,” sabay tawa ni Peachay. “O sige, bumalik ka na d’yan sa homework mo. Bawal ang mag-fail kay Papa Hardtin.” Nang makaalis si Amara, balik ulit sa akin si Buddy ko. “Grabe, Buddy,” sabi ko habang inaayos ang headset ko. “Ang laki na ng inaanak ko. Parang kailan lang, ako ang nag-gift ng unang pink na tsupon niya. Tapos ngayon, nagko-compute na ng fractions!” “True. Ang bilis ng panahon. Tapos eto tayo, ikaw nandiyan pa rin sa San Miguel Market, ako naman busy sa bukirin. Pero kahit CEO na ako ng Pechay Queens Farms, alam mong mas bet ko pa rin ang tawa mo, Buddy.” “Alam mo, Peachay,” sagot ko habang pinupunasan ang pawis ko, “kahit papaano, proud ako sayo. Hindi mo pinabayaan ang sarili mo. At si Hardtin ha, napalambot mo talaga. Saka ang ganda mo parin, kahit nanay ka na. Ako nga dito, mukha nang tuyong gata!” “Ay, Buddy naman! Ang sexy mo kaya! At ngayon pa na may Estadoskie na umaalalay sa’yo!” kindat niya. “Etatskie, Buddy!” napakapit ako sa dibdib ko. “Ambango. Ambango talaga niya. Tapos habang buhat-buhat ang sako ng niyog, parang gusto ko na rin magpasako sa kanya!” “Buddy!” sigaw ni Peachay, “Grabe ka! Umiinit ang linya! Spill the gata!” “Ayun nga, kanina lang, nagbuhat siya ng apat na sako ng niyog para sa stall ko. Tapos may pa-wink pa sa huli. Buddy, hindi ko kinaya! Para akong niyog na biniyak sa harap niya!” “AYYYY PUTAAA! KILIG!” sigaw ni Peachay, muntik na matapon ang green juice niya. “Teka lang! Siya ba ‘yung bagong porter d’yan? Yung tsinito na balingkinitan pero may braso ng tagabuhat ng bangka?” “YUN NGA!!!” sigaw ko rin. “Buddy, hindi ko alam kung niyog ba ang gusto kong ibenta o sarili ko na!” Tawa kami nang tawa. Sobrang saya lang pag siya ang kausap ko. Kahit matagal na kaming hindi nagkita ng personal, video call lang sapat na para bumalik ang kulitan at tawanan naming parang walang anak, walang asawa, walang stress. “Tapos Buddy,” dagdag ko, “habang nag-aayos ako ng buco pandan sa stall, dumaan siya at sinabihan akong, ‘Ingat ka lagi, Gata Queen.’ Ay, pucha Buddy, gusto ko talagang mangisay!” “GATA QUEEN?!?!” sigaw niya. “Buddy, that's it. Sa title pa lang, alam mo nang may pagnanasa! Wag mo kong ginaganyan! Kinakain ako ng kilig dito!” “Hindi pa tapos! Kanina rin, habang inaabot ko ‘yung coconut oil sa likod ng stall, bigla siyang lumapit at tinulungan ako. Ay, buddy, yung kamay niya! Dumampi sa balikat ko, tas sabi niya, ‘Kailangan mo ng tulong, Taruts?’ Ang lambing. Parang gusto kong umiyak habang nagpapahid ng VCO sa sarili ko!” “Ayy Buddy, hayup ka. Pag ‘yan hindi mo sinunggaban, ewan ko na lang talaga sayo. Huwag mong sayangin ang mainit na gata! Isalang mo na ‘yan!” “Hahaha! Ay nako. Ewan ko ba. Pero sige na nga, baka bukas… baka lang… sumabay ako sa kanya sa pag-uwi.” “Yun ohhh! Iba ka talaga, Buddy. Nasa iyo na ang lahat: charisma, katas ng niyog, at ang kabogera mong confidence. Tapos ngayon, may potential jowa pa!” Napahinga ako nang malalim habang pinagmamasdan ko siya sa screen. “Salamat Buddy. Sobrang saya lang na kahit may kanya-kanya na tayong buhay, andito ka pa rin. Para pa rin tayong high school besties.” “Palagi, Buddy,” ngumiti si Peachay. “Hindi mo kailangan maging CEO para masabing matagumpay ka. Basta masaya ka, at ang mga tao sa paligid mo ay minamahal ka, panalo ka na.” Napangiti ako. Kasi totoo. Kahit isang palengkera lang ako, kahit ang yaman na ng kaibigan ko, hindi nagbago ang samahan namin. At higit sa lahat, may kilig akong pinanghahawakan sa pagitan ng niyog at porter na baka bukas, lumalim pa. At doon ko lang napagtanto hindi lang pala gata ang masarap… kundi pati ang kilig na hindi inaasahan. Pagkatapos kong makita si Peachay at ang inaanak kong si Amara sa video call, bigla na lang sumulpot sa screen si Jessica ang loka-loka naming kaibigan na parang bagyong walang signal pero andun pa rin, nananalasa. "HOY MGA BAKLA!!!" sigaw ni Jessica habang kinakambyo ang cellphone niya pa-sideways at mukhang nakikipaglaban pa sa filter na may pakpak at sungay. "Hala ka! Jessica! Ba’t parang ang arte mo ngayon? May contest ba ng pinaka-filtered?" tawa ko habang nagtatagpi ng niyog sa bangkito. "Nako Taruts, wag kang ano d'yan. Ganyan lang talaga kapag stress sa opisina. Alam mo ba, sumabog na naman ang printer namin! Edi ako na naman ang sinisi ni Boss Hardtin! Sabi ko, ‘Sir, hindi po ako engineer, secretary po ako, hindi transformer!’" Nagkatinginan kami ni Peachay at sabay-sabay napahalakhak. Si Amara, na nasa gilid pa ni Peachay, napapailing na lang at sinabing, "Mama, ang ingay ni Ninang Jessica!" "Anak, sanay ka na d'yan. Parang kuliglig ‘yan, hindi tumitigil kahit patayin mo na ilaw," sagot ni Peachay sabay subo ng ubod habang nakangiti. "Ano bang ginagawa mo diyan, Jessica?" tanong ko habang pinupunasan ang pawis sa noo. "Aba e ‘di eto, nakatambay sa kusina nila Peachay. Nagtago muna ako sa opisina ni Hardtin, kasi may bago kaming client na parang hindi naligo ng tatlong linggo, may kasamang amoy ng paa ng duwende at kilikili ng jeepney driver." "NAG-IBA NA AMOY HA!" sigaw ni Peachay sabay tapon ng tissue sa camera. "Baka amoy mo lang ‘yan!" "Ay grabe kayo!" sabat ko. "Kayo talagang dalawa, hindi pa rin nagbabago. Pero Jessica, seryoso, Secretary ka pa rin ni Boss Hardtin hanggang ngayon?" "Oo teh, loyal ako. Kahit tinapon na niya ‘yung last ballpen na regalo ko sa kanya, ayan pa rin ako, present everyday. Alam mo ‘yun? Parang anino hindi nakikita sa sweldo pero laging present!" "HAHAHA! Tangina mo Jessica!" tili ni Peachay. "Yung sweldo mo parang ex mo puro promise, walang deposit!" "Speaking of ex," singit ni Jessica sabay titig sa camera, "Bakit nga ba hindi kayo nagka-break ni Boss Hardtin, Peachay? Anong sekreto mo? Pa-farm girl pero naka Hermès, ganern?" "Ano ka ba, tunay na pag-ibig ‘yan! Tsaka, in fairness kay Hardtin, never siyang nagloko. Nung nalaman niya buntis ako, sinarado agad ang zipper at tinapon ang pantalon parang lola kong kinulam." "Baka kasi naputulan na ng pag-asa," singit ko. "O baka nakita niya ang apoy ng kalderetang may gata mo, kaya nagbago!" Si Amara naman ay nakatitig lang sa aming tatlo habang iniikot-ikot ang kulot niyang buhok. “Ninang Jessica, may boyfriend ka na ba?” Biglang natahimik si Jessica. Tumingin sa kisame, sa kaliwa, sa kanan, at sabay sabing, “Anak, boyfriend? Wala, pero marami akong ini-stalk!” "Bakit hindi ka pa nagkaka-boyfriend, Jessica?" tanong ko habang pinipigilan ang tawa. "Aba e kasi naman, puro gusto sa akin 'yung mga mahilig sa k-drama, gusto nila sweet ako eh ako, gusto ko horror, 'yung tipong ready mamatay sa tawa at sa utang!" "Tapos ang peg mong outfit, laging leopard print na mukhang galing Divisoria, pero ang lakad mo akala mo runway model," tawa ni Peachay. "Hoy! Leopard print is life! Sexy ‘yan, lalo na kung may kasama kang ulam!" "Sino'ng ulam?" tanong ko sabay tagay ng coconut juice. "Baka naman chicharon lang ‘yan, Jessica?" "Ay di bale nang chicharon, basta mainit! Alam mo ‘yun? Yung kapag kinagat mo, may pumuputok sa tenga mo!" "Hala grabe!" halos matumba ako sa bangko kakatawa. "Alam mo Jess, miss na miss na kita. Wala kang kupas. Nakaka-baliw ka pa rin gaya ng dati!" "Tayo pa ba naman, mga bruha ng San Miguel!" sabay pose ni Jessica na parang beauty queen. "Mula palengke hanggang opisina, dala natin ang lagim at ganda!" "Teh, baka ‘yung lagim lang," singit ni Peachay. "Alam mo Jessica," sabi ko habang nakatingin sa screen, "Minsan sana, magbakasyon ka muna. Punta ka dito sa palengke, miss ka na ng mga taga-rito." "Aba e gustong-gusto ko! Gusto ko ‘yung binubugbog ako ng amoy ng tuyo at buko juice sa umaga. Tsaka syempre, ikaw, Taruts! Gusto ko ulit makita yang tagiliran mong parang daing!" "Hoy! Respect my sexy bones!" sigaw ko habang tinatakpan ang tagiliran ko ng sako. "Jessica, promise ha! Next week, punta ka. Mag-gata party tayo!" sigaw ni Peachay. "Oo nga! Lulutuan kita ng 'Masarap na Gata ni Taruts' version 2.0 mas malapot, mas mapusok!" "At may halong saging ni Dodong!" sabat ko. Naghiyawan kami sa tawa. Biglang may narinig kaming kalabog mula sa background ni Jessica. "Ay wait lang, mga bakla! Nandito na si Boss Hardtin! Oh my God! Nakalimutan kong mute itong video call!" "PATAY KA DIYAN!" sigaw namin sabay-sabay. "Jessica, ayusin mo ‘yan! Baka matanggal ka sa trabaho!" sabi ko habang tumatawa. "Naku! Mga bruha kayo! Tatawagan ko na lang kayo mamaya, baka mapatalsik ako tapos maging vendor na rin ako ng niyog!" "Aba! Masaya kaya dito!" sabi ko sabay kindat. Click. Naputol ang tawag. Napailing na lang ako habang nakangiti. Iba talaga kapag buo ang barkada. Kahit gaano ka-wild ang mundo, basta’t may tawanan, may gata, at may mga loko-lokong kaibigan masarap pa rin ang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD