Paghanga O Pagmamahal

1819 Words
CHAPTER 3 ETATSKIE POV “Etatskie! Etatskie! Pa-picture naman o!” “Pahawak ng abs! Promise, one second lang!” “Pwede ba akong uminom ng buko habang nakapatong sa dibdib mo? CHAR!” Ganito na ba talaga buhay ko ngayon? Dating tahimik lang akong kargador ng niyog sa palengke ng San Miguel. Buhay-kargador, pawis, init, sako ng niyog, tapos uwi. Walang arte. Walang drama. Pero ngayon? Tangina. May fan club na ‘ko. Lahat ng tindera, suki, matrona, pati mga batang namumulot ng tingi, biglang kilala ako. Hindi lang ako "Etatskie ang kargador," kundi “Etatskie, the Bukol King,” “Etatskie, Giling Master,” “Etatskie, Tagapagtimpla ng Pantasya.” Pero higit sa lahat ako ‘yung lalaki na sinalo si Taruts Fuentebella. Ang Reyna ng Gata. Ang babaeng parang gatas ng niyog malapot, mainit, at pag sumobra ka… mapapaso ka sa kilig. Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa isip ko nun. Basta’t nung nakita ko siyang nadulas, automatic. Parang niyog na hulog sa ulo boom. Hinuli ko siya, at doon nagsimula ang kaguluhan. Pero ngayon habang hawak ko pa rin pisngi kong hinalikan niya… Tangina, pare. Iba na ‘to. Huminga ako ng malalim habang nilalampasan ko ang mga nagtitiliang ale. Tumigil ako sandali sa harap ng sako ng niyog na dadalhin ko sa kabilang stall, pero hindi na siya kasing bigat tulad dati. Para bang, kahit punô ng laman ‘yan, gumaan dahil sa isang halik. Isang halik mula kay Taruts. Isang halik na parang sinabi sa akin ng mundo: “Hoy, gago. In love ka na.” "Etatskie!" sigaw ni Arnold, ang tanod. "May pila pa ng taga-barangay hall sa likod, gusto raw ng special treatment!" Napakamot ako ng batok. "Hindi ako buko stand, tol. Tao rin ako, napapagod." "Pero tao ka rin na pinangarap naming lahat," sabat ni Aling Baby, may hawak na tabo ng gata. "Eto, reward. Gata with love." "Thanks, Aling Baby." Tumango siya, pero may ngiting parang alam niya ang nasa isip ko. Mga tindera dito, pakiramdam ko, psychic pagdating sa love life. Pagbalik ko sa pwesto ni Taruts, nakita ko siyang abala pa rin, pero ibang-iba na ang energy niya. Mas mabenta siya ngayon. Hindi lang gata ang binibenta niya, kundi kilig, kwento, tawa, at… puso. At sa bawat tawa niya, parang nadadagdagan ang t***k ng puso ko. Lumapit ako. Dahan-dahan. Kasi kahit gwapo ako aminin ko na nga, kahit ako nabibighani kay Taruts. "Miss Gata Queen," bulong ko sa likod niya. "Ay pota! HALA KA!" tili niya sabay balikwas. "Akala ko si Kap na naman, may memo!" “Hindi. Ako lang ‘to. Yung lalaking sinabihan mong 'apoy sa gata mo.'" Tumawa siya, pero may bahagyang pamumula sa pisngi. "Eh kasi naman, Etatskie… ikaw lang naman ang kargador na pinapa-andar pati ovaries ko." "Ganun ba?" sabay lapit ko pa sa kanya. "Eh di dapat… araw-araw kita inaalog?" “Alogin mo na rin puso ko habang andyan ka!” sabay tawa niya na parang sirena sa karagatan ng niyog. I swear, kung may award para sa ‘Pinakamalakas Mambaliw ng Lalaki,’ si Taruts na ‘yun. Pero hindi ko inasahan ang isusunod niya. "Etatskie…" sabi niya, seryoso bigla. “Hindi ako maarte. Hindi rin ako pabebe. Pero ‘pag minahal kita…” Tumingin siya diretso sa mata ko. “…expect mo, ikaw lang. Hindi kita pagseselosan kahit sa longganisa ni Dodong." Napanganga ako. Dahil sa lahat ng linya na maririnig mo sa palengke… ‘yun ‘yung pinaka-honest. At hindi ko alam kung sa init ba ng araw, o init sa dibdib ko, pero parang gusto kong hawakan siya. Yakapin siya. Sabihin sa kanya. “Taruts… Hindi ako magaling sa salita. Kargador lang ako. Pero kung gusto mo ng lalaking sasalo sa'yo literal at emosyonal I’m your guy.” Napakagat labi siya. Tumingin sa paligid, at binaba ang tabo ng gata. “Eh kung ganun… ready ka ba sa challenge ko?” "Anong challenge?" "Mag-isa akong magbabalat ng isang sako ng niyog ngayon. Ikaw, tatabi lang. Gusto kong makita kung kakayanin mo akong panoorin na pawis-pawisan habang nakatuwad ako!" NAHULOG ANG KALULUWA KO. Pero tinanggap ko ang challenge. "Tara. Simulan na natin ang laban." At nagsimula na nga ang pinaka-init na eksena sa kasaysayan ng palengke. Sa harap ng mga tindera, suki, at kahit si Kapitan na tumigil sa pagsulat ng memo, pinanood ko si Taruts magbalat ng niyog. Bawat hataw ng bolo niya, may kembot. Bawat tagas ng gata, may bounce. Pawis, giling, sigaw. “PUTA! ANG LIGAYA KO!” sigaw ni Aling Baby. "Parang indie film!" sabi ni Mang Ben. "Mas mataas ang ratings nito kaysa sa teleserye!" dagdag ni Dodong. At ako? Literal na halos mapunit ang t-shirt ko sa paghanga. Tapos, pagbalat niya ng huling niyog… Bumaling siya sa’kin. Hingal. Pawisan. Pero naka-smile. “Etatskie… ready ka na ba?” “Para saan?” Sabay abot niya ng baso ng gata. “Tikman mo ‘to. Kung mas matamis kaysa sa halik ko, edi bye.” Tinanggap ko ang baso. Ininom ko. Matamis. Pero ‘di kasing tamis ng halik sa pisngi niya. Lumapit ako. Hawak ang baso. Tumingin sa mata niya. “Taruts…” “Hmm?” “Wala pa ring tatalo sa’yo.” At sabay halik ko sa noo niya. Dahan-dahan. Sagrado. Mainit. Hindi mapangahas pero punô ng pangakong: “Ako na ang kargador mo. Habambuhay.” At sa palengke ng San Miguel, sabay na nagsigawan ang lahat: “ETARUTS FOREVER!!!” At doon ko narealize. Hindi ako simpleng kargador. Ako ang tagapagdala ng niyog. Tagapagdala ng gata. At ngayong araw na ‘to… Tagapagdala ng pagmamahal. Hindi ko alam kung paghanga lang ba ito o… mahal ko na ba talaga si Binibining Taruts? Hindi ko na maipinta ang nararamdaman ko tuwing naglalakad siya sa harap ko may hawak-hawak na niyog, parang hari ng palengke sa kumpiyansa, tapos biglang sisigaw ng, “Gata, gata! Preskong-presko! Galing pa sa dede ng langit!” Sabay ngisi, sabay kindat sa mga suki niya. Tangina. Parang sumisikip dibdib ko sa kilig kahit alam kong gimik lang 'yon sa pagbebenta. Pero sa bawat kindat niya, ako rin kinikindatan niya. 'Yun ba ‘yon? O masyado lang akong assuming? Kanina, habang pinipiga niya ang gata gamit ang malapad niyang palad sa kayod na niyog, napakagat ako sa labi. Yung pag-ikot ng kamay niya sa bao, para bang ako ang pinipiga. Yung singlet niyang nakababa sa isang balikat, ‘di ko alam kung trip lang niya o sinasadya, pero kita ko ang mala-tsokolateng balat niya na pawis na pawis. Pucha, nag-shimmer pa sa liwanag ng umaga. Parang bagong steamed na biko na hinihintay kong tikman. “Hoy, Etatskie! Hoy!” boses ni Aling Baby ang gumising sa pantasya ko. Napalingon ako. “Opo, Aling Baby?” “Ngiting-ngiti ka riyan ha, iniisip mo na naman si Gata Queen mo no?” sabay tawa ng masama habang pinipisil ang braso ko. “Aba'y, kung ako si Taruts, pakakasalan na kita agad. Pogi na, malakas pa sa buhat.” Napangiti lang ako. Pero deep inside, tangina, sana nga. Pagkatapos ng pahinga, bumalik ako sa pagbubuhat ng mga sako ng niyog papunta sa pwesto ni Taruts. Nakangiti siyang sumalubong. “Oyy! Ayan na ang paborito kong porter. Halika rito, tulungan mo nga akong buhatin itong gata drum, ang bigat eh.” Lumapit ako agad, siyempre. “Sige, ako na. Diyan ka lang.” Habang binubuhat ko ang drum, nasa likod ko siya. Pakiramdam ko, sobrang lapit niya. Ramdam ko halos ang hininga niya sa batok ko. Tangina. Lalong bumilis t***k ng puso ko. 'Di ko alam kung pawis ko lang ba ‘tong tumutulo o katas na ng kaba at pagnanasa. “Uy,” bulong niya. “Bakit parang init na init ka?” Lumingon ako ng bahagya. “E ikaw ba naman biglang dumikit ng ganyan, sinong hindi lalagnatin?” Napahalakhak siya. “Loko ka talaga, Etatskie. Sabagay… gusto ko ‘yung mga lalaking pinapawisan.” “Ganun ba?” tinig ko medyo pa-kagat. “Eh gusto ko ‘yung mga baklang matitigas magkayod ng niyog.” Napatigil siya. Saglit kaming nagkatitigan. Seryoso. Tahimik ang paligid, parang kahit ang mga palaka sa kanal sa gilid ng palengke ay napatigil sa kakakoak. Ilang segundo lang, pero parang oras ang lumipas. Bigla siyang ngumiti ng maloko. “Aba’t kung ganun… baka gusto mong ikaw na lang ang magkayod sa akin gabi-gabi.” Tangina. Hindi ko na alam kung biro pa ba ito o paanyaya na. “Wag mo kong tinutukso kung hindi mo rin kayang panindigan, Taruts,” sagot ko habang inilalapag ang drum. “Ay,” aniya, sabay dampi ng palad niya sa balikat ko, “Sino bang nagsabing hindi ko kaya? Baka ikaw ang umatras kapag napatunayan mong mas matigas pa ako sa bao ng niyog mo.” Tangina talaga. Naiwan akong nakatayo habang siya'y naglalakad papasok sa kanyang pwesto. Ang bilis ng mga pangyayari. Ang bilis din ng t***k ng puso ko. Nagpanggap akong may inaayos sa may kanto ng stall niya pero totoo niyan, sinusulyapan ko siya habang tumatawa sa isang mamimili. Ang ganda ng tawa niya, parang wala siyang pakialam sa mundo. Ang tapang, ang lakas, pero may lambing. Parang kulang ang palengke pag wala si Taruts. “Hoy!” sigaw ni Dodong, ang vendor ng longganisa sa kabila. “Tigil-tigilan mo yang pagtitig d'yan. Halata masyado! Baka matauhan ka pag nalaman mong ikaw din ang pinapantasyahan ni Taruts!” Hindi ko alam kung biro ba ‘yun o totoo. Pero gusto kong maniwala. Kinagabihan, hindi ako mapakali. Kahit pawis na pawis na ako’t katatapos lang ng ilang rounds ng buhat sa gabi sa pier, iba pa rin ang pagod ko. Hindi dahil sa trabaho, kundi sa isip ko nandoon pa rin si Taruts. Nakaupo ako sa terrace ng inuupahang kwarto. Bitbit ang malamig na Red Horse, nakatitig lang sa buwan. Naisip ko, dapat ko na bang aminin sa sarili ko? Na gusto ko siya? Na baka nga mahal ko na? Hindi na lang kasi ito tukso. Hindi lang ito init. Tuwing tumatawa siya, kumakalma ang araw ko. Tuwing pinipiga niya ang gata, parang siya na rin ang bumubuo sa gulo ko. Tuwing binibiro niya ako, gusto kong tumira sa birong ‘yon habang-buhay. Pero… handa ba siya? Handa ba ako? Baka iniisip lang niyang biruan ito. Baka pag sinabi ko, mawala na ang lahat yung kulit, yung asaran, yung lambing. Pumikit ako. Biglang may nag-text. Taruts: “Hoy, pogi. Gusto mo ng gata? May tinitira pa ako para sa'yo. Pero ikaw dapat ang humigop diretso sa bao.” Tangina. Tumayo ako agad. Kinuha ko jacket ko. Lumabas ako ng bahay. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin pagdating ko sa kanya. Pero isa lang ang sigurado ko ngayon hindi na ito paghanga. Mahal ko na si Binibining Taruts. At ngayong gabi, baka masagot ko na kung ako rin ba… ang gusto niyang pagsalukan ng gata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD