CHAPTER 17 TARUTS POV Lumipas ang mga araw, pero hindi ko pa rin mapigilang sumimangot tuwing makikita ko si Hazel na parang glue na nakakapit kay Etatskie. "Uy, Etatskie baby! I brought you your fave matcha latte from Starbucks, oh my gaaad! I even customized it for you kasi you deserve the best, like, duh!" sigaw ni Hazel habang papalapit, suot ang pink mini dress niya at white sneakers na mukhang kakabili lang. Napailing ako. Tangina, matcha na naman. Hindi na nga makatingin nang diretso si Etatskie sa akin simula nang 'di ko siya pinansin nung isang araw, tapos heto pa si Hazel na parang linta kung makadikit. "Ayy grabe ka, Haze," ani Etatskie sabay kuha ng inumin. Ngumiti siya, 'yung tipid lang. 'Yung ngiting alam mong hindi sincere pero hindi mo rin masisi kung bakit. "Awwww, b

