CHAPTER 16 THIRD PERSON POV Lumipas ang ilang araw mula sa madramang o dapat sabihing madumihing pangyayari sa ilalim ng puno ng mangga. At gaya ng sinasabi ng matatanda sa baryo, "Ang baho ng nakaraan ay maaaring malimutan, pero ang video na naka-upload sa social media? Hindi!" Kaya si Hazel? Viral pa rin. Pero dahil rich kids don't cry in public, ipinangalandakan na lang niyang ginawa niya raw iyon para sa "organic facial experience." Whatever that means. Samantala, si Taruts, gaya ng dati, balik sa palengke, balik sa pag-ikot, at balik din sa pagbili ng niyog kay Hazel. Well, technically hindi kay Hazel, kundi sa Hacienda ng pamilya nito. Pero since lagi ngang si Hazel ang tumatambay sa veranda na parang reyna ng mga kalabaw, ay siya ang nadadatnan ni Taruts. At ngayon, heto na uli

