Single Mom Series 1 JANA DAZA 2

1222 Words
Chapter 2 Kinaumagahan, alas kwatro pa lang ay nagising na ako sa tunog ng alarm ng cellphone ko. Kahit buntis ay hindi ako hirap gumising dahil sanay na din naman ang katawan ko. May mga umaga nga lang na minsan tinatamad pa akong bumangon kagaya na nga lang ngayon. "Cris, Cris, pasuyo ako, timplahan mo muna ako ng gatas at tinatamad pa ko bumangon." Sabay yugyog ko sa kanyang balikat. Ngunit kahit anong gising ko ay hindi ito nagising. Napabuntong hininga na lang ako sabay bangon. "Anong oras na naman kaya sya umuwi kagabi?" Kausap ko sa aking sarili habang nagtitimpla ng gatas Pagkatapos nya kasing kumain kagabi pagkagaling sa trabaho ay pumunta ito sa bahay ng mga magulang nya para maki- wifi doon at maglaro ng online game. Hindi ko na namalayan kung anong oras sya nakauwi kagabi. Nagising ako ng alas onse ng gabi pero wala pa din sya kaya natulog na lang ako ulit. Medyo nakakapagtampo na nga lang minsan dahil puro na lang sya online game. Mabilis kong naubos ang tinimpla kong gatas dahil hindi na din naman gaanong mainit yung tubig. Pagkatapos kong uminom ng gatas ay naligo ako. "Cris, gising na. Magbibihis lang ako tapos aalis na tayo. " Habang nagbibihis ay nakita kong bumangon na din sya para maghilamos at magsipilyo. Bago matulog sa gabi ay inaayos ko na ang mga gamit ko sa pagpasok sa trabaho pati na din ang susuotin ko. Bawal kaming pumasok na suot ang aming uniporme kaya nakasibilyan lang kami pag pasok. Inayos ko na din ang aming hinigaan habang inaantay ko syang matapos mag hilamos at magpalit ng damit dahil nakapangtulog pa sya. Alas siete ng umaga ang pasok nya sa trabaho kaya mamaya pa sya maliligo. Tiningnan ko na din ang bag ko kung kumpleto na ba ang mga gamit ko gaya ng tickler para dun ilista ang dalang pera, ballpen, uniform, lalo na sumbrero at hairnet. Nang makagayak nga ay inaya na nya akong aalis na daw kami. "Daan muna tayo sa bakery ha, dun na ako mag aalmusal sa trabaho at bibili na din ako ng pang meryenda ko mamaya pag nagutom. Bili ka na din ng pandesal at pansit, almusal mo." "Sige". sagot nya. Hindi na kasi kami nagluluto sa umaga kaya bumibili na lang kami ng mga pagkaing luto na sa karinderya. Nagmomotor lang kami pag hinahatid nya ako sa trabaho. Dahan dahan nga lang ang patakbo nya dahil nga sa buntis ako. Pagkarating sa trabaho ay napansin kong inilagay nya sa box ng motor nya sa likod yung helmet na sinuot ko. Dati naman ay sinasabit nya lang sa kamay nya yung helmet na sinuot ko pag pauwi na sya sa bahay matapos akong ihatid. Medyo nagtataka na ako dahil isang linggo na syang nagdadala ng extra helmet sa trabaho. "Bakit dun mo nilagay sa box? Dadalhin mo ulit sa trabaho?" Tanong ko sa kanya. "Oo, dito na lang to para pag umaalis tayo kukunin na lang dito sa box. Tsaka di ba minsan sa gabi dun tayo nakain kila Mama? Dito na lang to parati ilagay para nakaready na gamitin". Sagot nya. Minsan kasi pag bagong sahod sya ay bumibili sya ng lechon manok at doon na kami kumakain sa mga biyenan ko. Gaya na lang ngayon, biyernes ngayon at sahod na nya mamaya. Sumasahod sila tuwing biyernes ng hapon. "Sige, sabi mo eh. Bye, ingat."Um-oo na lang ako at pumasok na dahil mag aalmusal pa ako. Kahit medyo di na ako kumprotable sa pagdadala nya ng extra helmet ay hinayaan ko na lang sya. Inisip ko na lang na hawak ko naman account nya sa social media at nabubuksan ko naman anytime kaya malalaman ko kung nagloloko sya. Kinahapunan, sampung minuto na lang bago mag alas sais ay wala pa din si Cris. Andito pa din ako sa bahay ng biyenan ko, naghihintay sa kanya. Panay chat na ako sa kanya kung may overtime ba sila. Kung may overtime sila hanggang alas singko, wala pang tatlumpong minuto ay nakakauwi na sya sa bahay. Nag online na din sya kanina pero di man lang makaisip mag chat kung pauwi na. Nakita kong online ang kaibigan nya na si John Joseph kaya chinat ko sya at tinanong kung nag out na din ba si Cris dahil wala man lang pasabi sa akin kung may pupuntahan pa. "Nag basketball sila, baka mamaya pa yung alas otso matapos." reply nya. "Ganun ba? Sige salamat at pasensya na sa abala." "Ma, uuwi na po ako, nag basketball pa daw po si Cris kasama ng mga kaibigan nya kaya baka mamaya pa daw po yun makauwi." Dahil hindi pa makakauwi si Cris kaya nagpasya na lang akong umuwi na lang sa bahay. "Gabi na, kumain ka muna." sabi ni Mama. "Hindi na po, bibili din po ako sa palengke ng lulutuing ulam." sagot ko. "Gabi na ang pagpunta mo sa palengke. Nakaluto na ko, magdala ka na ng uulamin nyo ni Cris." Alok ni Mama sa akin. Dahil gabi na nga kaya kinuha ko na din yung ulam na binibigay ni Mama. Kesa mamalengke at magluto pa. Medyo pagod din ako ngayon dahil maraming customer sa drive thru kanina. "Sige po Ma, salamat ho sa ulam. Uuwi na po ako para makapaglaba". paalam ko kay Mama. Nakakainis lang, nag online na sya pero hindi man lang makaisip na mag sabing di pa sya makakauwi dahil nag basketball silang magtotropa. Halos ako na din araw araw ang naglalaba ngayon dahil lagi nyang sinasabi na may overtime sila. Nagpahinga lang ako saglit pagkarating sa bahay at inilabas ko na yung mga labahin para makapaglaba na. Mamaya na lang ako kakain pagkatapos maglaba dahil hanggang alas otso lang ng gabi ang tubig at bubuksan na lang ulit pag alas kwatro ng umaga. Wala pang alas otso ay tapos na ako maglaba. Kumain na ako at nag hugas na din ng pinagkainan habang may tubig pa sa gripo. Hinanda ko na din yung mga gamit ko para sa pagpasok kinabukasan. Nilista ko yung serial number ng pera. Pati na din yung barya at kung magkano lahat ng dala ko. Maging yung damit na isusuot ko ay hinanda ko na din para hindi ako ngarag parati tuwing papasok. Itinupi ko na din yung mga damit na nilabahan ko kahapon para hindi ako matambakan ng damit na tiklupin. Labing limang minuto na lang bago ang ika sampu ng gabi subalit wala pa si Cris. Wala din ako natanggap na mensahe mula sa kanya. Nakahiga na ako pero di pa rin ako dinadalaw ng antok. Ewan ko, para bang may mali. Hindi ako mapakali. Hanggang sumapit ang hatinggabi ay wala pa din sya kaya naisipan ko nang mag chat sa kapatid nya kung nandun ba sya sa Mama nya. "Pauwi na sya dyan, Jana. Galing sya dito sa bahay." reply ng Ate nya. "Ok, salamat po. Pasensya na sa abala." reply ko. "Bakit dun pa sya dumiretso, dapat dito na lang kasi hatinggabi na". tanong ko sa sarili habang hindi pa din maalis alis yung kakaibang pakiramdam ko. Medyo hindi na ako natutuwa dahil napuyat na ako dahil sa pagkabalisa ko kakaantay ko sa kanya. Bawal pa naman sa akin ang magpuyat dahil buntis ako. Pero heto at hatinggabi na pero gising pa din ako dahil hindi ako mapakali at meron akong nararamdamang kakaiba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD