Husband and Wife

1054 Words
Chapter: Sa Loob ng Bahay Niya Tahimik na ipinasok ni Axel ang mga gamit ko sa loob ng bahay, ni hindi man lang ito nagsalita mula nang bumaba kami ng sasakyan. Ramdam ko ang bigat ng tensyon, lalo na’t hindi ko pa rin alam kung ano ang dahilan ng pagbabago ng ugali niya. Nang maibaba na ang lahat ng maleta ko, sakto namang lumabas ang nag-iisang katulong niya. Agad itong lumapit upang tulungan akong buhatin ang mga gamit ko, pero napigilan siya ni Axel. “Manang, stop! Kaya na niya 'yan!” Malaki ang gulat ko sa sinabi niya. Sa laki ng mga maleta ko, kahit pagsamahin pa ang lakas namin ng katulong niya, alam kong hindi ko ito kakayanin. “Sir, hindi po ito kakayanin ni Ma’am mag-isa,” wika ni Manang, halatang nag-aalanganin. “Hayaan mo siya! Kaya na niya 'yan, malaki na siya!” Mariing sagot ni Axel. Tumigil saglit si Manang, tila nag-aalala, ngunit sumunod na lang din ito. “At Manang, pwede ka nang magbakasyon. Pumunta ka sa pamilya mo, sagot ko ang lahat ng gastos mo.” Napamaang ako. Kanina lang, parang ang bait niya habang nasa sasakyan kami, humihingi pa ng paumanhin. Pero ngayon, biglang ganito? “Ma’am, halika na ho’t ituturo ko ang magiging kwarto ninyo,” saad ni Manang habang iniiwasan ang mga mata ni Axel. Napabuntung-hininga na lang ako at sumunod sa kanya. Mabuti na lang, nasa first floor ang kwarto ko kaya hindi na ako mahihirapang hilahin ang mga maleta. “Salamat, Manang,” tipid kong bati sa kanya. Iniwan niya ako matapos ituro ang kwarto. Pagpasok ko, hindi ko maiwasang mapahanga. Ang laki ng kwarto—mas malaki pa kaysa sa dati kong kwarto. Pinaghalong brown at nude ang mga kulay ng pader, may malaking kama na parang ulap sa lambot, sariling banyo, malaking TV, mini living area, at walk-in closet. Ang ganda ng lahat, pero bakit parang wala akong nararamdamang kasiyahan? Pinahinga ko muna ang sarili ko sa kama. Ngunit hindi rin nagtagal, bumalik ako sa pinto para kuhanin ang natitirang maleta. Sakto namang dumating si Manang, patago pa ang kilos niya nang tulungan akong buhatin ang isa sa mga maleta. Nginitian ko siya, nagpapasalamat sa pagtulong. “Naku, Ma’am, gusto ni Sir na ikaw na daw ang mag-asikaso ng lahat dito sa bahay,” simula ni Manang matapos naming maipasok ang lahat ng gamit. “H-ha? Ako? Bakit naman?” tanong ko habang naguguluhan. “Ewan ko ho ba kay Sir. Kanina lang, tinawagan niya ako at sinabing ihanda ko lang ang kwarto mo bago ako magbakasyon,” sagot niya habang umiiling. “Anong oras ba siya umaalis? At ano bang kailangan kong gawin?” “Alas-singko pa lang ng umaga gising na si Sir. Nag-aalmusal na siya agad. Marunong ka naman magluto, Ma’am, ‘di ba?” tanong niya. Medyo nahiya ako. “Sa totoo lang, hindi pa ako nakapagluto kahit kailan…” “Hala!” Halatang nagulat si Manang. “Ay, naku, huwag kayong mag-alala. Halos lahat naman ng pagkain gusto ni Sir. Kaya mo 'yan.” Napahinga ako nang maluwag. Pero sa likod ng isip ko, parang may bumigat sa dibdib ko. Pinakasalan ba niya ako para gawing housekeeper? “Manang,” nag-aalangan kong tanong, “ako na ba ang bahala sa lahat dito? Ganoon ba ang gusto niya?” “Oo, Ma’am. Pero kada linggo naman, may pumupunta dito para maglinis. Sa labada naman, dalhin mo lang sa laundry shop. Ayaw kasi ni Sir na basa lagi ang mga sahig ng banyo niya.” Natawa ako nang bahagya. “At least hindi ko kailangang maglinis araw-araw.” “Oh siya, aalis na ho ako papuntang Zamboanga. Ikaw na ang bahala kay Sir,” paalam ni Manang. “Salamat, Manang.” Naiwan akong mag-isa. Hapon na nang matapos kong ilipat ang lahat ng gamit ko sa closet. Sa gutom ko, diretso ako sa kusina para maghanap ng makakain. Pagbukas ko ng ref, puro prutas at tubig lang ang laman. Walang gulay, isda, o karne. Hinugasan ko ang kiwi, mansanas, at ubas, saka nilagay sa plato. Kakagat pa lang ako nang marinig ko ang malamig na boses sa likod ko. “From now on, magreresign ka na sa trabaho mo sa café,” sabi ni Axel nang walang pasakalye. “What?” Napalingon ako, gulat na gulat. “I need you to resign. Ayokong nagtatrabaho ka roon. Pero pwede ka pa rin mag-aral, sagot ko lahat ng gastusin mo. Pero ikaw ang bahala sa bahay na 'to,” dagdag niya, ang mga kamay ay nakasuksok sa bulsa. “Hindi pwede! Matagal na ako sa café na ‘yon, Axel! Kahit ang pamilya ko, hindi ako pinigilan. Ikaw pa kaya?” Protesta ko, ramdam ang galit sa boses ko. Ngunit tumitig lang siya sa akin, ang mga ugat sa bagang niya ay nagpoprotesta rin. “Iba na ang sitwasyon mo ngayon, young lady. Gusto mo man o hindi, magreresign ka.” Napasapo ako sa ulo ko. Hindi ito maaari! Pero hindi ko na siya masagot nang mapansin niyang ang prutas sa plato ko. “Isa pa, ayokong malaman ng ibang tao na kasal na tayo. Naiintindihan mo?” malamig na sabi niya. “Akala mo ba gusto kong ipagkalat? Kaka-twenty ko pa lang!” Naiiyak ako sa galit, ngunit wala siyang pakialam. “Breakfast. Five o’clock sharp. Huwag kang ma-late,” dagdag niya bago tuluyang umalis. Naiwan akong nakatulala. "I'm in charge of this house?!" bulong ko sa sarili ko. "At ayaw pa niyang malaman ng iba na mag-asawa na kami? Para akong tinusok ng karayom sa dibdib." “May iba ka pa bang tanong?” may pag taas pa ito ng kilay sakin. “W-Wala na!” tipid kong naisagot. “Good! Good! Mas maganda nang nag kakaintindihan tayo!” Hindi na ako nakaimik bigla nalang itong umalis at naiwan akong tulala. Kahit gusto kong ibaling sa mga Prutas ang atensyon ko ay hindi ko na magawa! Malalim akong napabuntong hininga “Im in charge of this whole house? Damn! This house is F*cking Huge! What am I supposed to do now?” Naibulalas ng utak ko. “And the fact na ayaw niyang malaman ng ibang tao na mag asawa na kami ay para akong tinusukan ng karayom sa dibdib!” Bulong ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD