Ang Malamig na Umaga
Nagising ako sa paulit-ulit na pag-ring ng cellphone ko. Napabalikwas ako ng bangon, mabilis kong tinungo ang banyo, naghilamos, at nagmadaling magsipilyo. “4:50 AM pa lang! Sino bang matinong tao ang gigising ng ganitong oras para mag-breakfast?” inis kong sabi sa sarili.
Pagkalabas ko ng kwarto, tumungo agad ako sa kusina. Nagprito ako ng hotdog, itlog, bacon, at fried rice—‘yan lang kasi ang kaya ko. Naglabas na rin ako ng sliced bread at nagtimpla ng kape para sa aming dalawa. Abala ako sa pag-aayos ng mesa nang marinig ko ang yabag ng pababang mga hakbang. Napakabilis ng kabog ng dibdib ko nang makita ko siyang bumaba—ang asawa kong si Axel.
Simple lang ang suot niya: puting t-shirt, pantalon, at rubber shoes. Pero napakagwapo pa rin niyang tingnan. Napansin kong wala siyang suot na wedding ring. Napatingin ako sa kamay ko, at doon ay kumikislap ang singsing namin. Agad kong tinakpan ang kamay ko, ayaw kong mapansin ni Axel na suot ko pa rin iyon.
Tahimik siyang umupo sa mesa. Agad kong inabot ang plato, kubyertos, at kape. Umupo na rin ako sa harap niya, pero nanatili siyang seryoso.
"Bukod sa mga 'to, ano pa bang kaya mong lutuin?" tanong niya, diretso at walang emosyon.
"A-ayan lang ang alam ko," sagot ko, nanginginig pa.
"Never mind." maikli niyang sagot. Bumaling na lang ako sa pagkain, pero ramdam ko ang malamig na tingin niya na para bang hinuhusgahan ako.
Wala pang limang minuto ay bigla siyang tumayo, padabog pa. "Sa opisina na lang ako kakain. Nakakawalang gana ang mga nakahain." Malamig niyang boses, pero tagos hanggang buto ang sakit.
Pagkaalis niya, may inilapag siyang ATM card sa mesa. "Para sa allowance mo sa school. Kada linggo may papasok diyan. At pag-uwi mo mamaya, mag-resign ka na sa café bar." Diretsong utos niya, walang bakas ng pagmamalasakit.
"At kung ayaw ko? May magagawa ka ba?" matapang kong sagot, kahit nanginginig ang boses ko.
Nag-init ang mukha niya sa galit. "Lia, sinasabi ko sa’yo. Sa bahay na 'to, ako lang ang nasusunod. At kung ayaw mo, you're free to go."
Iniwan niya akong tulala sa kusina, ang sakit sa dibdib ko'y parang tinik na hindi ko matanggal. Ang buong akala ko, mabait siya… pero ngayon, ibang-iba ang Axel na nasa harap ko.
---
Lunch sa Cafeteria
Nasa cafeteria ako ng campus, tahimik na kumakain ng lunch habang nasa harap ko ang kaibigan kong si Rora. Masaya siyang nagkukwento, pero paulit-ulit lang ang topic niya: ang kuya kong si Lance.
"Lia, alam mo ba? Ang charming ng kuya mo! Grabe, ang gwapo niya, promise!" sabi niya, sabay hagikhik na parang kinikilig na bata.
Napairap na lang ako. Kung alam lang ni Rora na ako ang sikreto niyang sister-in-law, baka himatayin siya sa gulat.
"Rora, ilang oras na nating pinag-uusapan ang kuya ko. Hindi ka ba nagsasawa?" tanong ko habang pinipilit ubusin ang cupcake sa harap ko.
"Hindi! Kahit buong araw, go lang ako! Lalo na kapag naiisip ko ‘yung ngiti niya, ‘yung mapupungay niyang mata…" tili niya, parang eksena sa teleserye.
"Hay nako. Sige, ipapakilala kita sa kanya para tumigil ka na sa kaartehan mo," sagot ko, sabay tawa. Nagningning ang mga mata niya na parang tumama sa jackpot.
"Lia, promise, utang na loob ko ‘yan! Ay, excited na akong maging sister-in-law mo!"
Napatigil ako. Kung alam lang niya… pero nginitian ko na lang siya. "Kung alam mo lang, Rora," bulong ko sa sarili ko. Alam kong Hindi Rin Naman nito naintindihan ang mga sinabi ko. Nagpatuloy na ito sa pagkain. Wala sa sariling natitigan ko nalang ang kabuuan nito, Napaka Ganda ng sobrang unat at makakapal nitong buhok, Ang kutis na napaka puti na halos nag pipink kapag tatamaan ng kaunting sinag ng araw, Animoy Isang koreana na pumasyal sa Pilipinas, but actually Rora is a Pure Filipina. Makulit din ito parang bata although kasing edad lang kami. Nasa ganoon akong pag iisip ng biglang may sasakyan na pumarada sa labas ng Cafeteria, Bumaba ang lunan niyon. Napamulagat ako ng Makita ko kung sino ang bumababa sa sasakyan. Walang iba kundi ang Asawa ko. Nagmamadali namang lumabas ng Cafeteria si Rora para salubungin ang kuya nito, samantalang ako ay hindi ko alam ang gagawin ko, alam kong nakita ako ni Axel sa loob ng Cafeteria. Napaka sayang tingnan ni Rora habang yakap yakap ang kuya nito Maya Maya lang ay tinatawag na ako ni Rora. Wala Naman na akong nagawa kundi ang lumabas at harapin ito..
Biglang pumarada ang isang sasakyan sa harap ng cafeteria. Napamulagat ako nang makita kung sino ang bumaba. Ang asawa ko—si Axel. Mabilis siyang sinalubong ni Rora, yakap pa siya nang mahigpit.
"Lia! Halika na, isasabay ka na namin ni kuya," masaya niyang sigaw.
"Ha? Huwag na, may pupuntahan pa ako," pagtanggi ko, pero tumingin si Axel sa akin mula sa rearview mirror.
"Sumakay ka na, Lia. Huwag kang matigas," utos niya, malamig ang boses.
Wala na akong nagawa kundi sumunod. Tahimik ang biyahe, at ramdam ko ang tensyon. Dumaan kami sa Quezon City hanggang sa nakita ko na ang Tea Time Café Bar.
"Dito na lang ako," sabi ko kay Axel. Mabilis siyang tumigil, at bumaba na ako ng kotse. Bago ko pa marinig ang anumang sasabihin niya, pumasok na ako sa bar. Alam ko, kahit anong mangyari, hindi ko kayang talikuran ang trabahong mahal ko—kahit pa asawa ko na siya.
Nang maka baba ay huminto lang ako nang ilang segundo upang hintayin na makaalis ang sinasakyan nang magkapatid.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
.