Nauna nang pumasok sa bahay si Axel, naiwan akong tulala sa loob ng sasakyan. Hindi ko lubos maisip kung paano ganito ang ugali niya. Dali-dali akong bumaba at pumasok sa bahay. Pagkapasok ko, halos mapasigaw ako sa gulat. Nakatayo siya malapit sa pintuan, at mababanaag ang galit sa kanyang mukha. Ilang saglit pa, iniabot niya ang kanyang kamay sa harapan ko na parang may hinihingi. "Ano 'yan?" tanging tanong ko, naguguluhan. Mas lalo pa niyang inilapit ang kamay niya sa akin. "Give me back my card!" malamig niyang sagot, walang emosyon. "Bahala ka na sa mga gusto mong gawin. Kung gusto mong magtrabaho sa bar na parang kabayo, go on! Pero ibalik mo ang ATM card ko!" Wala akong nagawa kundi ang dukutin sa bag ang ATM card niya. Nang maabot ko ito sa kanya, agad siyang tumalikod at naglak

