“Liaaaaaaaa!” Mula sa malayo pa lamang ay naririnig ko na ang sigaw ni Rora. Papalapit na siya sa akin, at hindi pa man ako nakakapasok sa gate ay sinalubong na niya ako. Napansin ko ang mga estudyanteng agad na napatingin sa aming dalawa. Nang makalapit siya, niyakap niya ako nang mahigpit at sabay hila sa akin patakbo papasok ng campus. Halatang excited siya habang inilalapit ako sa bench na napapalibutan ng mga magaganda at makukulay na bulaklak. Nagulat pa ako nang kurutin niya nang mahina ang tagiliran ko. “You! You owe me an explanation!” madiin niyang sabi. Hindi ko tuloy mawari kung ano ang gusto niyang iparating. Maya-maya pa, inilabas niya ang isang maliit na kahon na nakabalot sa gold wrapper na may pink na ribbon sa ibabaw. “Happy wedding to the both of you!” Nakita ko pa ang

