Pagkalabas ko mula sa restroom ng bar, wala na ang grupo ni Axel. Naabutan kong nagliligpit ng mga baso si Allen, samantalang si Jacob naman ay nagtataob ng mga upuan sa ibabaw ng mga mesa. Sobrang tagal ko palang naglabas ng sama ng loob sa restroom, hindi ko namalayan na pa-out na pala kami. Hindi ko man lang natulungan ang dalawa kong kasama. Dadamputin ko sana ang mop para mag-map ng sahig, ngunit pinigilan nila ako. “Wag na, Lia! Mas mabuti pang mauna ka na. Anong oras na rin, kami na ang bahala rito,” sabi ni Allen na may ngiti sa mukha. Hindi ako nakapagsalita. “Ipapara na kita ng taxi. Mag-ready ka na, maya-maya lang rin naman ay pauwi na kami,” singit naman ni Jacob na mabilis tumakbo palabas nang mapansing may paparating na taxi. Nagmadali akong tumungo sa locker room at mabil

