Kasalukuyan akong nakatingin sa mukha ng kaibigan kong si Rora, pero hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Kahit ayaw kong magsumbong sa kanya, napilitan na rin ako dahil kitang-kita niya ang pamamaga ng mga mata ko. "I swear, Dannielle! Malalagot sa akin si Kuya! Hindi matatapos ang gabing ito nang hindi ko siya nakakausap! Pati na rin ang babaeng iyon, si Eya!" Galit na galit na sigaw niya. Hinayaan ko na lang siya na maglabas ng galit. "Let's go! We need to relax. Kailangan nating mag-vent ng galit! Aaaargh!" dagdag niya, halos sumisigaw na. Hindi man lang niya ako tinanong kung gusto ko bang sumama. Hinila na lang niya ako papunta kung saan niya balak pumunta. "Roraaaa! May klase pa tayo!" reklamo ko habang hila-hila niya ako. Ngunit mabilis siyang sumakay sa sasakyan nila at

