Chapter 3

2880 Words
Habang nasa ilalim ng shower ay umiiyak ako sa sama ng loob. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Nahihirapan ang damdamin ko habang sila… parang wala lang? Parang hindi mali ang ginawa nila? Kung makangiti sila sa ‘kin... kung kausapin nila ‘ko…para bang normal pa rin ang lahat matapos ng mga nakita ko. Paulit-ulit sa isip ko at ang hirap kalimutan. Kung madali lang sanang magpanggap na wala akong nakita. Kung madali lang sana. Kanina pa ring nang ring ang phone ko pero wala akong balak na sagutin. Ayokong makipag-usap kahit kanino. Nawalan ako ng interest sa mga bagay buhat ng araw na ‘yon. Sana hindi ko na lang nakita. Baka sakaling maging masaya ako sa araw ng kaarawan ko. Iniyak kong lahat ng sama ng loob ko hanggang sa mapagod ako. Paglabas ko ng banyo ay nakita ko ang missed calls ni Ninong sa akin. In-off ko ang phone ko para hindi na siya tumawag pa. Matapos magbihis ay tinuyo ko lang ang buhok para makatulog na. Magpaplano pa ‘ko bukas ng hakbang para sa pag-alis ko rito. Nasa legal age na ‘ko kaya maaari ko nang gawin ang mga gusto ko. Kung ayaw ko nang makasama si Mama, hindi niya ‘ko pwedeng pigilan. Kinabukasan ay kinatok ako ni Mama dito sa kwarto. Halos hindi rin ako nakatulog kagabi dahil sa mga iniisip kong plano. “Faye?” Hindi ako sumagot. “Aalis na ‘ko. May pagkain sa ref. Initin mo na lang sa microwave kapag gusto mo nang kumain,” wika niya. Alam na yata niyang kanina pa ‘ko gising. Hindi ako sumagot hanggang sa wala na ‘kong narinig mula kay Mama. Nang marinig ko ang pag-alis ng sasakyan niya ay saka pa lang ako bumangon. Hindi ko ginalaw ang phone ko dahil ayokong makatanggap ng tawag mula kay Ninong. Mugto ang mga mata ko nang humarap ako sa salamin. Pinagmasdan ko ang itsura sa salamin pagkatapos ay hinubad ko ang bistidang pantulog. Tinitigan ko ang katawan ko sa salamin. Inalis ko ang underwear para makita ang kabuuan ko. Nasa legal age na ‘ko ngayon. “I’m eighteen now. I can do whatever I want,” bulong ko sa harap ng salamin. Sinubukan kong hawakan ang dibdib ko. Hinaplos ko nang marahan. Wala akong naramdamang kakaiba. Hindi gaanong malaki ang dibdib ko. Hindi rin ako gano’n ka-sexy. Pero ang katawan na ‘to… wala pang nakakahawak kahit sino. I’m still virgin. Hinaplos ko ang labi. Pati labi ko ay wala pang nakakahalik. Habang pinapasadahan ko ang buong katawan sa harap ng salamin ay si Ninong ang sumagi sa isip ko. Sumunod kong naalala ang ginawa nila ni Mama. Ano kayang pakiramdam no’n? Makakaungol din ba ‘ko ng gano’n kalakas kapag ginawa rin sa ‘kin ‘yon? Masarap nga ba talagang makipag-s*x? Dahil sa sumaging mga tanong sa isip ay naligo na lang ako para iwaksi ‘yon. Bukas na ise-celebrate ang debut ko. Kailangan ko ng boyfriend para s magiging last dance ko. Hindi ko na aasahan si Ninong kahit siya pa rin ang gusto kong makasayaw. Nagbihis ako ng sexy na damit. Pinili ko ang top na tube at high-waist na pantalon tinernohan ko ng white rubber shoes at pinusod ko ng mataas ang buhok ko. Kumuha ako ng white shades para makumpleto ang ayos ko. Gumamit din ako ng make-up para takpan ang pamumugto ng mga mata ko at stress ng mukha ko. Aaminin kong stress ako nitong mga nagdaang araw. Hindi na ‘ko maganang kumain at palaging lutang ang isip. Kahit sa school ay nadadala ko ‘yon. Mabuti na lang at natapos na ang school year. Nang makuntento sa ayos ay napangiti ako sa harapan ng salamin. “Mas maganda ako kay Mama,” bulong ko sa sarili habang nakangiti. Hindi na ‘ko nag-almusal at kinuha ang maliit kong bag. Dinala ko rin ang phone ko para tawagan ang mga kaibigan ko. Siguro naman, pwede na ‘kong uminom? Gusto kong maranasang mag-bar. Gusto kong sumayaw doon at makakilala ng mga bagong tao. Gusto kong takasan pansamantala ang kalungkutan at galit sa puso ko. Kaka-open ko pa lang ng phone ko ay rumihistro agad sa screen ang unknown number. Pero kilala ko na kung sino dahil kabisado ko ang number niya. Inirapan ko ‘yon bago sagutin. “What?! Ano ba’ng kailangan mo?” pabalang kong bungad sa kaniya. “Pauwi na ‘ko,” wika niya. Umirap ako sa hangin. “Dapat kay Mama mo sinasabi ‘yan. I’m sure... matutuwa siya. Baka mag-absent pa siya sa trabaho niya para lang salubungin ka sa airport,” sarkastikong sabi ko. “Umuwi ako para sa ‘yo,” wika niya. Kalmado lang ang boses niya pero nandoon ang pag-iingat na baka magalit ako. “Bakit pa? Sana hindi na. Nagsayang ka lang ng pamasahe,” prangkang sabi ko. “Gusto ko ring humingi ng tawad sa ‘yo, Faye. Hindi ako sanay na ganito ka makipag-usap sa ‘kin. Gusto kong maging maayos na tayo uli. Gusto kong bumalik na tayo sa dati,” may pagsusumamo niyang boses. Nasa boses niya ang stress at pagiging malungkot pero hindi ako nagpadala roon. Baka paraan niya lang ‘to para mas makalapit pa kay Mama. Hindi na ‘ko magugulat kung isang araw... umamin na silang dalawa na may relasyon talaga sila. “Hindi na kailangan. Humingi ka man ng tawad sa ‘kin... hindi na rin naman maibabalik ang dati. Hindi na tayo babalik sa dati, N-Ninong,” naging garalgal ang boses ko sa huli. Nasasaktan ako. Ayokong itapon ang mga masasayang pinagsamahan namin ni Ninong Dave. Malaking parte siya ng buhay ko, kaya ako sobrang nasasaktan ngayon dahil sa ginawa nila. “Faye,” tawag niya. Suminghot ako para patatagin ang kalooban ko. Ayokong umiyak. Tapos na ‘ko kagabi. “Pakiusap, Faye,” dugtong niya. Hindi na ‘ko umimik pa at binaba na lang ang tawag. Huminga ako ng malalim dahil iba ang kabog ng dibdib ko. Matapos lang talaga ang debut ko, aalis na ‘ko rito. Tinawagan ko sina Marielle at Grace para ayaing mag-bar. Marami silang alam na bar pero boring daw kapag umaga. “Alam niyo, feel ko mag-beach ngayon,” ani ni Grace. Nasa kama pa siya at mukhang nagising lang sa tawag ko. May group chat kaming tatlo kaya dalawa silang kausap ko sa videocall. “Sakto! May regalo sa ‘kin ‘yong cousin ko... mga brand new bikinis!” nagtititili si Marielle sa huling sinabi dahil sa excitement. “Mag-beach na lang tayo, Faye,” aya nila sa ‘kin. “Saan naman? Wala namang beach dito sa Manila,” wika ko. Mabuti na lang pala at hindi pa ‘ko nakakalabas ng bahay. “Palawan!” ani ni Grace. Napangiwi agad ako. “Ang layo. Baka hindi ako payagan,” sabi ko. Pero sina Marielle at Grace ay mukhang hindi problemado. “Kami na ang bahala sa ‘yo. Ipapaalam ka namin,” wika ni Grace. “Kailangan natin ng plane ticket. Mabilis bang makakuha no’n?” Gusto kong ngayong araw na gumala. Sa gabi pa makakauwi si Mama kaya papaano nila ‘ko ipapaalam? “Ako na ang bahala sa ticket natin at si Grace nang bahala sa Mama mo,” wika ni Marielle. “Makakaya ba today?” tanong ko. “Yes naman!” sagot ni Marielle. “Pwede kong tawagan ang Lolo ko para sa tutuluyan natin doon,” wika ni Grace. “Ano game kayo? Para masabihan ko na si Mommy sa tickets natin,” wika naman ni Marielle. Nag-agree agad ako kahit hindi pa ‘ko sure kung papayagan ako ni Mama. Wala pang sampung minuto ay tinawagan ako ni Mama dahil naipagpaalam agad ako nina Grace. Kaya lang gaya ng iniisip ko... hindi pumayag si Mama. Debut ko na raw kasi bukas. Pero kung gusto ko raw talagang pumunta ng palawan... next week na lang daw. Kaya naman natuloy na lang kami sa bar. “Three tequila shots, please?” ani ni Marielle sa bartender. Alam nilang hindi ako umiinom at ito ang first time ko. “Bilang umpisa mo, tequila dapat para hard agad. Walang baby drinks dito,” ani ni Grace at tumawa naman si Marielle habang patango-tango. Nilingon kami ng ibang umiinom pero mukha namang walang pakialam sa ‘aming tatlo. “Mahirap ang first time pero masarap!” makahulugang saad ni Marielle na ikinatawa naman ni Grace. “Yes. Hard but yummy!” sang-ayon naman ni Grace at kumagat pa sa ibabang labi. Pagkatapos ay malakas silang tumawa ni Marielle. Nag-apir pa sila. Wala pa kaming naiinom pero mukhang may tama na ang mga kaibigan ko. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila. Bawal ang minor dito sa bar pero nakapasok kami. Nineteen pa dapat ang pwede pero dahil uncle ni Grace ang manager... nakapasok kami. Hindi gaanong matao dahil umaga. May isang lalaking kumakanta sa stage na para bang wala namang interesado sa kaniya kahit na magaling siyang mag-gitara at maganda ang boses. Dito lang kami sa may bartender nakaupo. At mula rito... kitang-kita ko ng malinaw ang lalaking kumakanta sa stage. He has a nice voice. Malamig at malambing. Para bang gusto ka niyang patulugin habang nakayakap siya sa ‘yo. Nasa harap na namin ang tequila. Hawak ko na ang shot-glass pero nakatitig lang ako roon. May sliced lemon pang ibinigay. “Pagkatapos mong inumin nang mabilis... lunok kaagad then sipsipin mo ‘tong lemon,” turo ni Marielle. “Follow me,” ani pa ni Grace. Mabilis lang at mukha siyang sanay uminom pero napangiwi pa rin siya. “Wooh!” sigaw pa niya matapos niyang malunok ang isang shot ng tequila. Sumunod agad si Marielle at gano’n din ang naging reaksyon niya. “Ikaw na,” sabay nilang sabi sa ‘kin. At dahil gusto ko nang maramdamang adult na ‘ko... tinungga ko ang laman ng maliit na baso. Mapait at magaspang sa lalamunan kaya nalukot ang mukha ko. Napaupo agad ako dahil sa tapang ng lasa. Agad inabot nina Grace ang lemon. “Sa una lang ‘yan,” ani nilang dalawa at nag-order uli ng tatlong shot ng tequila. Nang mapatingin ako sa singer na nasa stage ay nakatingin na ito sa ‘kin. Kumakanta pa rin siya pero parang sa akin lang siya nakatingin. Napalingon din sina Marielle at Grace sa kaniya. “Type ka yata,” nakangiting bulong ni Grace at inabot sa ‘kin ang maliit na baso. “Kunin natin ang number niya mamaya?” nakangiti namang suhestiyon ni Marielle. “Bahala kayo,” sabi ko at ininom ang bagong shot ng tequila. Napangiwi ako kahit sa pangalawa. Kahit sa pangatlo at pang-apat na shot. Pero habang tumatagl ay nasasanay na ‘ko at nasasarapan. Nagustuhan ko ang matapang at mapait na lasa ng unang alak na natikman ko. Habang umiinom ay pakiramdam ko... nakalaya ako. Pakiramdam ko... nasa legal na edad na talaga ako. Naging masaya ako kahit pansamantala lang. “Tequila shot, please?” nakangiwing sabi ko sa waiter. Tinawanan naman ako ng dalawa kong kaibigan. “Last five shots na lang ha? Iuuwi ka pa namin,” paalala ni Grace. Tumango naman ako habang mapupungay na ang mga mata. “Whisky,” isang baritonong boses ang narinig ko sa gilid ko. Isang lalaking umupo sa tabi ko. Agad akong napalingon sa stage. “Sabi na eh... ikaw ‘yong kumakanta kanina,” wika ko at ininom ang bagong salin na tequila. Ganito pala ang epekto nito. Kumakausap ako kahit hindi ko pa kilala. “David. You can call me, Dave,” pakilala niya sa sarili at nilahad ang kamay niya. Tinawanan ko siya nang malakas kaya nagtaka siya. “Sa dami ng pwedeng maging pangalan mo... Dave pa talaga?” natatawang tanong ko sa kaniya. “Why?” tanong naman niya. Umiling-iling ako habang natatawa. “Kapangalan mo kasi ‘yong Ninong Dave niya,” singit naman ni Marielle. “Shh!” agad kong awat kay Marielle. “Faye ang name niya,” pakilala naman sa ‘kin ni Grace kay Dave. “Nice name. Faye,” nakangiti namang sabi ni Dave at kinuha ang kamay ko. Nakipag-shake hands siya sa ‘kin. “Ito ang number niya,” ani naman ni Marielle at inabot kay Dave ang number ko. “Hoy! Mga baliw,” pabirong singhal ko sa kanilang dalawa. “Wala pang boyfriend ‘yan,” bulong pa ni Grace kaya tumawa si Dave. Natawa rin ako dahil ngayon ko lang na-realize na cute pala siya. Kinuha naman ni Dave ang number ko. “Invite mo kaya siya bukas?” tudyo ni Marielle sa ‘kin. “Bakit? Ano’ng meron bukas?” tanong naman ni Dave. Mabango rin siya at presko ang porma. Nasa tabi niya ang kaniyang gitara na ginamit niya kanina lang. “Debut niya bukas. Pero kahapon lang siya nag-eighteen,” sagot ni Grace. Hindi na ‘ko nagsasalita dahil hinahayaan ko na lang silang kausapin si Dave. “Kantahan mo siya bukas, Dave,” ani ni Grace. Napailing na lang ako sa dalawang kaibigan ko. Binubugaw na yata ako. “Sure! Basta papayag si Faye,” ani naman ni Dave. “Bahala kayo,” nakangiwing sabi ko at ininom ang huling shot ng tequila. “Punta ka bukas, Dave ha? Sunduin ka namin para sabay-sabay na tayo sa venue,” ani ni Marielle. Pumayag naman si Dave at sinabi kung saan siya susunduin. Si Dave na ang nagbayad ng mga ininom namin. “Baka maubos ang pera mo,” wika ko. “Ayos lang. Treat ko na lang sa inyo,” nakangiti namang sabi niya. Sa pagkakaalam ko kasi... hindi naman masiyadong kalakihan ang kinikita ng mga kumakanta sa bar. “Kami na ang bahala sa kaniya, Dave. Thank you and see you tomorrow,” wika nina Grace at Marielle. “Bye, Faye,” nakangiting paalam ni Dave. Nakasuot sa likuran niya ang bag ng gitara niya. “Bye!” sabay-sabay naming paalam sa kaniya. Hinatid ako nina Grace sa bahay. Mabuti na lang at wala pa si Mama. Ni-lock ko na lang ang pinto ng kwarto ko para hindi malaman ni Mama na nag-inom ako. Baka hindi niya ‘ko payagan sa lakad namin sa Palawan. Pagewang-gewang ang lakad kong tumungo sa banyo para maghilamos. Ganito pala ang pakiramdam ng makainom. Ito rin ba ang matatawag na lasing? Tinawanan ko ang sarili. “Lasing ako?” tanong ko sa sarili habang natatawa. Tiningnan ko ang namumulang mukha sa salamin ng banyo. “Maganda pa rin ako. Mas maganda pa rin ako kaysa kay Mama,” bulong ko. Nakakatayo pa naman ako at alam pa ang ginagawa. Kaya nakapagbihis pa ‘ko. Hindi rin ako nagpakalasing ng sobra dahil ayokong mapagalitan ni Mama sina Grace at Marielle. Medyo nahihilo ako kaya pinili kong humiga sa kama. Sa pagpikit ng mga mata ko ay may tumawag sa cell-phone ko. Unknown number pero hindi pamilyar sa akin kaya sinagot ko. “Hello? Sino ‘to?” bungad ko nang sagutin ang tawag. “Hey, it’s Dave,” wika sa kabilang linya. “Ikaw pala...” “Nakauwi ka na ba?” tanong niya. “Mmm... oo. Ikaw?” “Nasa byahe na,” sagot niya. “Ah,” tanging nasabi ko. Hindi ako madaldal sa telepono. Kay Ninong lang ako nakakapagkwento ng marami. Kaya siguro ‘yong ibang manliligaw ko, sumuko na lang dahil boring akong kausap. Muling bumalik ang lungkot at galit sa dibdib ko nang maalala na naman siya. Kapangalan pa niya ang kausap ko ngayon. “Punta ka bukas ha? Aasahan kita,” wika ko. “I’ll be there,” wika niya kaya napangiti ako. “Tawagan kita uli mamaya. Bye,” wika niya. “Okay. Bye,” paalam ko. Nakatulog agad ako matapos ang tawag kaya hindi ko na uli nakausap si Dave pagsapit ng gabi. Hindi rin ako lumabas ng kwarto ko para kumain kaya hanggang umaga akong tulog. Nagising na lang ako sa alarm ng phone ko. Pagtingin ko sa screen ay naroon ang naka-set na alarm date sa calendar ko. Nasapo ko ang noo. Debut ko nga pala ngayon. Maaga pa naman dahil alas otso pa lang ng umaga. Sa gabi pa gaganapin ‘yong debut at mamayang hapon pa ‘ko aayusan ng make-up artist. Nakatanggap ako ng message kay Dave. “Good morning!” Napangiti ako nang mabasa ‘yon kaya ni-reply-an ko. “Good morning too!” Sent. Binitawan ko muna ang cell-phone ko dahil masakit ang ulo ko. “Hangover?” Tinawanan ko lang ang sarili sa tanong na lumitaw sa isipan ko. Papasok pa lang ako ng banyo nang may mahihinang katok sa pinto ng kwarto ko. “Faye?” Si Mama lang pala. “Bakit?” tanong ko. “May bisita ka sa baba,” sagot niya. “Sino?” tanong kong naiinip. “Ang Ninong mo!” excited niyang sabi. “Maliligo na ‘ko.” Imbes na sagutin ang sinabi ni Mama ay iyon ang nasabi ko. Talagang umuwi pa siya para sa debut ko? Mapakla akong tumawa. “Umuwi lang ‘yon para maka-s*x uli si Mama,” bulalas ko at tumungo na sa banyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD