“N-Nag-s*x sila,” hindi makapaniwalang bulalas ko.
“Nag-s*x sina Ninong at Mama,” pangungumbinsi ng isip ko dahil hindi talaga ako makapaniwala. Dama ko pa ang kaba at panlalamig dahil sa nakita.
Why? Bakit sila nag-s*x? Are they in a relationship? Napailing ako sa sarili. No. Hindi. Walang nobya si Ninong. Kahit daw nililigawan ay wala siya. Para saan ‘yon? Bakit nila ‘yon ginawa?
Mahal ba ni Ninong si Mama? May gusto ba si Mama sa kaniya?
Muli kong naalala ang mga binanggit kanina ni Mama habang ginagawa nila ‘yon. Na-miss niya raw. Meaning… matagal na nilang ginagawa? Dati pa? When?! Bakit hindi ko alam?! Bakit parang wala akong kalam-alam sa namamagitan sa kanila?!
Pagsapit ng gabi ay hindi pa rin umalis si Ninong. Hindi naman niya sinabing dito siya matutulog ngayong gabi. Hindi niya ugali ‘yon dahil may sarili siyang bahay.
Ngayong nasa harapan ko silang dalawa ay mukha silang normal at parang walang ginawang kababuyan sa kwarto ni Mama kanina. Siguro, dati pa silang ganito kaya hindi ko napapansin.
“Sakto ba ‘yong mga damit na binili ko para sa’yo?” nakangiting tanong ni Ninong.
Isang tango ang naging sagot ko. I don’t want to talk to him. Naiinis ako na nagagalit. I don’t know. Matapos kong mapanuod sila kanina…hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.
“Mabuti naman,” wika ni Ninong.
Hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang sa pagkain. Napansin agad ni Ninong ang pagiging tahimik ko. Dati-rati kasi, tuwing uuwi siya ay puro daldal ako at halos hindi magalaw ang pagkain sa plato. Ngayon ay para akong nawalan ng gana sa kaniya, sa kanila ni Mama. Sa lahat ng bagay na nasa paligid ko ngayon.
“I’m done,” paalam ko.
“P-Pero kakaunti pa lang ang nakain mo. At kaninang lunch—” putol na saad ni Mama.
“Busog na po ako,” wika ko at tinalikuran na silang dalawa. Nasa hagdanan na ‘ko nang magsalita uli si Mama.
“Pauwi na ang Ninong mo, hindi mo ba siya ihahatid sa gate?”
“Ikaw na lang, ‘Ma,” walang gana kong sagot sa kaniya.
“May mga assignments pa ‘ko,” dugtong ko at nagmadaling umakyat sa kwarto. Ni-lock ko uli ang pinto ko.
Hindi masyadong nagtagal si Ninong at umuwi na rin sa bahay niya. Mabuti na rin ‘yon at baka masundan na naman ang ginawa nila kanina ni Mama.
***
Kinabukasan ay maaga akong gumayak. Alam kong pupunta si Ninong ngayon dahil ugali niya ‘yon. Tuwing bakasyon niya rito sa Pinas ay araw-araw siyang pumupunta rito sa bahay para ihatid ako sa school at kung wala namang pasok… namamasyal kaming dalawa.
Hindi ko rin ginalaw ang mga pasalubong niya. Hindi ko na sinukat ‘yong iba. Kahit ‘yong mga manga comic books ay hindi ko rin pinakialaman. Gusto ko na lang itapon.
“May lakad ka?” tanong ni Mama nang makababa ako.
Isang beses akong tumango. “May allowance ka pa ba?” tanong niya. Umiling ako.
“Saan ba ang punta mo? Sinong mga kasama mo? Ihahatid na lang kita,” wika niya.
“Friends ko lang. Nagkayayaan lang kumain sa labas,” walang ganang sagot ko sa kaniya.
“Hintayin mo ‘ko at ihahatid kita,” nagmamadaling sabi niya at umakyat sa taas. Umirap ako sa hangin nang mawala sa paningin ko si Mama.
Habang nasa taas si Mama at nagbibihis ay biglang dumating ang sasakyan ni Ninong. Bumusina pa ito pero hindi ako lumabas para pagbuksan siya ng gate. Hanggang sa bumaba siya sa sasakyan niya at nag-doorbell. Inirapan ko siya kahit hindi niya nakikita.
“Faye, may tao!” malakas na boses ni Mama habang nasa kwarto siya. Muli akong umirap sa hangin at naiinis na binuksan ang pinto at tumungo sa gate.
“Good morning!” matamis na bati ni Ninong nang masilayan ako. Hindi ako sumagot.
“May lakad ka? Sayang, aayain pa naman sana kita..."
“Si Mama na lang po ang yayain ni’yong lumabas,” tamad kong sagot.
Sakto namang lumabas si Mama. Nagbatian pa sila kaya hanggang tenga na naman ang ngiti ni Mama kay Ninong. Inirapan ko silang dalawa sa isip ko.
“Akin na ‘yong allowance ko, ‘Ma. Magko-commute na lang ako,” walang gana kong sabi.
Agad namang dumukot si Mama sa wallet niya at inabot sa ’kin ang allowance ko. Hindi niya ‘ko pinapagamit ng credit card dahil gusto niya ‘kong matutong mag-budget.
“Ihahatid na kita,” wika ni Ninong.
“Hindi na po. Kaya ko naman kahit wala ka,” wika ko at kinuha ang hawak ni Mama na allowance ko. Walang gana akong humalik sa pisngi ni Mama.
“Bye. Enjoy yourselves,” makahulugang wika ko at dinaanan lang si Ninong sa gate. Narinig ko ang pagtawag ni Mama sa pangalan ko pero hindi ako lumingon at nagkunwaring walang narinig.
Wala naman talaga akong lakad today. Dahilan ko lang ito para hindi makita si Ninong at si Mama. Naiinis lang ako sa pagmumukha nila.
Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa isang mall. Saka ko pa lang tinawagan ang dalawang kaibigan ko para may kasama ako. Inubos ko ang oras ko sa maghapon kasama sina Marielle at Grace. Sandali kong nakalimutan ang mga nakita ko kahapon.
Tinatawagan ako ni Ninong pero hindi ko sinasagot. Pati si Mama ay hindi ko rin sinasagot. Mapa-personal man o sa telepono...ayoko silang makausap.
“Gabi na. Susunduin kita. Nasa’n ka?”
Inirapan ko ang screen ng phone ko nang mabasa ang text ni Ninong. Nakailang missed calls na rin siya.
“Nag-aalala na ang Mama mo sa ’yo.” Kasunod ng text niya. Binulsa ko na lang ang cell-phone ko.
“Uuwi na kami,” ani ni Marielle.
“Sige. See you tomorrow na lang,” wika ko sa kanila.
“Bye-bye na,” wika naman ni Grace at nagbeso-beso kami.
Umalis na sila at naiwan ako. Nandito pa rin ako sa Mall at wala pang balak na umuwi. Muling nag-ring ang cell-phone ko. Dinukot ko ‘yon sa bulsa at nakasimangot nang makita ang mukha at pangalan ni Ninong sa screen.
“Kaya kong umuwi mag-isa,” bungad ko nang sagutin ko ang tawag niya.
“Nag-text na rin ako kay Mama kung ‘yan ang inaalala mo,” dagdag ko. Magsasalita pa sana siya pero binabaan ko siya ng tawag.
Ngayon pa lang ako magtitipa ng text kay Mama. “Pauwi na ‘ko.” Pagka-send ng text ay lumabas na ‘ko ng Mall para pumara ng taxi pauwi.
Pero pagkalabas ko pa lang ng mall ay si Ninong agad ang nakita ko. Wala akong nagawa nang lapitan niya ‘ko. Walang gana ko siyang tiningnan. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nandito ako.
“Alam mo ba kung ano’ng oras na?” tanong niya.
“Seven,” walang gana at prangkang sagot ko sa kaniya.
Bumuntong-hininga siya. “Kagabi ka pa ganiyan. May problema ba?” tanong niya.
“I don’t know,” sagot ko.
“Anong klaseng sagot ‘yan?” Inirapan ko siya.
“Pagod ako at gusto ko nang umuwi,” wika ko at nilagpasan siya.
Hinawakan niya ‘ko sa siko kaya mabagsik ko siyang nilingon. “Uuwi na ‘ko. Nag-aalala si Mama, ‘di ba?” sarkastikong saad ko.
“Ihahatid na kita,” mahinahon pa ring boses niya kahit walang modo akong sumasagot sa kaniya.
Pinagbuksan niya ‘ko ng pinto sa passenger seat. Padabog akong sumakay doon at humalukipkip matapos mag-seatbelt.
Nang makasakay si Ninong ay agad siyang nagmaneho. “Ano bang kinakagalit mo?” maingat na tanong ni Ninong Dave. Nilingon ko siya.
“May relasyon ba kayo ni Mama?” deretsong tanong ko sa kaniya.
Kumunot ang noo niya at para bang nagtaka. “Kanino mo naman nalaman ‘yan?” nagtatakang tanong niya. Wow. Ang galing magpanggap.
“Nililigawan mo ba siya?” tanong ko uli.
“Gusto mo ba siya?” dagdag ko pa. Tumawa naman siya.
“Hindi. Kanino mo ba nalaman ‘yan?”
“Nakita ko kayong nagse-s*x,” deretsong sabi ko.
Natigilan siya at nagulat. Hindi kaagad nakapagsalita kaya napangisi ako.
“Nakita ko kayo kahapon.”
“Sa kwarto ni Mama,” dugtong ko.
Walang sinabi si Ninong hanggang sa makauwi kami sa bahay. Agad din siyang nagpaalam nang maihatid niya ‘ko. Hindi ko rin kinibo si Mama nang makauwi ako. Umakyat agad ako sa kwarto at sinabing huwag akong istorbohin dahil may gagawin ako.
Habang nagbibihis ay si Ninong ang nasa isip ko. ‘Yong mukha niya kanina nang sabihin ko ang nakita ko kahapon. Para siyang nagsisisi at hindi ako kayang harapin.
Matapos akong magbihis ay nagbukas ako ng social media account ko at nakita ko siyang online. Dahil sa inis ay tinanggal ko siya sa friend list ko. Mas mabuting wala kaming komunikasyon. Wala na rin naman akong balak na kausapin pa siya. Binasura ko rin ang number niya sa contact list ko. Pati ang mga litrato niya na naka-save sa phone ko. Pero ang mga litrato namin na magkasama… nahihirapan akong buharin kaya hinayaan ko na lang muna.
***
Dumaan ang mga araw na hindi pumupunta sa bahay si Ninong. Tinatanong din ako ni Mama kung inaway ko ba raw si Ninong dahil hindi na raw nagagawi rito.
“Call him, kung nami-miss mo siya,” makahulugang saad ko at nilagay sa toaster ang slice bread.
Umagang-umaga, si Ninong ang hinahanap ni Mama. Bakit? Gusto ba niya uling maka-s*x si Ninong? Wala raw silang relasyon ni Ninong at hindi rin siya nililigawan at mas lalong hindi siya gusto. So, ano’ng tawag doon? f**k buddy? Kumukulo lalo ang dugo ko.
“Babalik na raw siya sa states bukas,” wika ni Mama.
Updated naman pala siya eh. Bakit pa niya ‘ko tinatanong kung bakit hindi na nagagawi rito si Ninong?
“Edi okay,” wika ko at kumuha ng plato para ilagay doon ang bagong toast na tinapay ko.
Si Mama ay may pasok din ngayon at kaniya-kaniya kaming gawa ng breakfast na gusto namin. Idadaan niya lang ako sa school mamaya bago siya pumasok sa trabaho niya at sa gabi na uli kami magkikita.
Kumuha ako ng itlog na bagong luto at iyon ang ginawa kong palaman sa bagong toast na tinapay.
“Ilang araw ka nang ganiyan,” wika ni Mama habang gumagawa rin ng sarili niyang almusal.
“Bakit, ‘Ma? Ganito naman ako dati,” patay malisya kong sagot.
“Dati, sinusulit ni’yo ni Ninong mo ‘yong mga araw na nandirito siya. Bakit ngayon, para bang iniiwasan mo siya?”
“Siya ang hindi pumupunta rito,” makahulugang sabi ko.
Kinuha ko na ang bag ko at kinain ng mabilis ang almusal ko. “Papasok na ‘ko,” paalam ko sa kaniya at humalik sa pisngi niya.
May gusto siyang sabihin pero naiwan lang sa ere. Ihahatid niya sana ako ngayon pero magta-taxi na lang ako. Tuwing nakikita ko si Mama, naiinis ako. Naaalala ko ‘yong ginawa nila ni Ninong. At baka noong araw na nagpunta ako sa mall ay inulit uli nila ‘yon.
Signing of clearance na namin ngayon at nagsisimula na rin kaming mag-practice para sa graduation march. In two weeks ay graduation na namin. Ang sabi ni Mama ay itutuloy pa rin daw ang celebration dahil bayad na ang lahat.
Malapit na ‘kong mag-eighteen kung saan magiging legal age na ‘ko. Sabi ni mama, papayag na raw siyang magkaroon ako ng boyfriend. Naalala kong hiniling ko sa kaniyang doon ako kay Ninong kapag college na ‘ko. Pumayag si Ninong at si Mama no’n, pero ngayon... parang ayoko nang ituloy pa ang pagka-college ko sa states.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Nakabalik na rin ng America si Ninong nang hindi kami nagkakausap o nagkikita. Sinubukan niya rin akong i-add uli sa social media account ko pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya ina-accept.
Paminsan-minsan siyang nagmi-missed call sa’kin pero hindi naman nagte-text. Parang sinasadya lang ni Ninong magparamdam pero naduduwag ding makipag-usap sa’kin.
Ngayon na ang araw ng graduation namin pero hindi ako masaya. Masayang-masaya si Mama at excited sa pagtatapos ko pero ako... parang ayokong pumunta. Pero nagpaayos pa rin ako ng buhok at make-up na rin.
Suot ang puting toga ay umakyat ako sa stage para kunin ang diploma ko. Pinilit ko lang ngumiti nang kuhanan ako ni Mama ng pictures.
Natapos ang graduation nang maayos. Dinala rin ako ni Mama sa mamahaling restaurant para sa munting celebration.
“Happy graduation! And happy birthday!” rinig kong boses ni Ninong mula sa phone ni Mama.
Hinarap naman sa ‘kin Mama ang cell-phone niya. Nakangiti si Ninong nang makita ako pero ako ay walang ganang nakatunghay sa kaniya.
“Bakit naman nakasimangot?” tanong ni Ninong.
“Hay, naku! Kanina pa nga ganiyan ‘yan eh,” wika naman ni Mama.
Nag-order si Mama habang naka-on ang video call. Kunwaring kasabay namin si Ninong sa munting celebration na ‘to. Birthday ko at celebration para sa pagtatapos ko. Sa susunod na araw gaganapin ang debut ko. Hindi kasi pwede ngayon dahil hindi makakadalo ang mga kaklase ko’t kaibigan. Kukulangin din kami sa oras kung ngayon gaganapin lahat.
Tahimik lang akong kumakain. Si Ninong ay nagsasalita pero si Mama na lang ang sumasagot sa kaniya. Hindi ako kumikibo kahit ako ang kinakausap niya. Mukha namang tuwang-tuwa si Mama sa pakikipag-usap niya kay Ninong eh. Mukha ngang nag-e-enjoy siya eh.
Kapag college na ‘ko, bubukod na ‘ko. Maghahanap ako ng part-time job at hindi na ‘ko aasa kay Mama. Gusto ko na lang lumayo sa kaniya. Dahil tuwing nakikita ko siya, galit at sakit ang nararandaman ko. Hindi ko alam kung para saan at kung bakit.
Matapos kumain sa mamahaling resto ay binigyan ako ni Mama ng credit card. Gift daw niya sa’kin. Tinanggap ko pero hindi ko rin ito gagamitin. Pero nagpasalamat pa rin ako.
“Nakapag-inquire na ‘ko rito kung saang university ka papasok,” ani ni Ninong. Hindi ako sumagot at hindi na rin ako interesado.
“Kinakausap ka ng Ninong mo,” untag sa ‘kin ni Mama.
Nasa sasakyan na kami pero nasa linya pa rin si Ninong. Himala yatang mahaba ang oras niya ngayon para makipag-video call. At kung makipag-usap si Ninong sa ’kin ngayon... para bang okay kami.
“I’m not interested anymore. Dito na lang ako sa Pilipinas mag-aaral,” wika ko habang nakatingin sa bintana.
“Hindi ba’t ikaw pa ang nag-request na gusto mong makasama si Ninong Dave mo sa pagtungtong mo sa college?” naguguluhang tanong ni Mama.
“Hindi ko kayang iwan ang mga friends ko rito,” dahilan ko. Natahimik pareho sina Mama at Ninong.
“Uwi na tayo, ‘Ma. Gusto ko nang magpahinga,” pagod kong saad.
Nagpaalam na si Mama kay Ninong. Muli pa ‘kong binati ni Ninong ng ‘Happy birthday’ bago ibaba ang tawag.
“Kailan ba kayo babalik sa dati ng Ninong mo?” tanong ni Mama nang makauwi kami.
Nilingon ko siya ng walang kabuhay-buhay. “Hindi ko alam, ‘Ma. Babalik siguro kami sa dati kung makakalimutan ko ‘yong nakita ko sa kwarto mo,” wika ko at saka siya tinalikuran.