Sinadya kong magtagal sa banyo para mas lalo siyang maghintay. Tiyak na matutuwa si Mama dahil mas matagal niyang makaka-s*x si Ninong. Mag-enjoy lang sila hangga’t gusto nila. Kaunting araw na rin naman at mawawala na ‘ko sa landas nila. They can do whatever they want hanggang sa magsawa sila sa isa’t isa.
Habang nakababad sa malamig na tubig mula sa shower ay nasasaktan ako sa iniisip. Ayokong mag-asawa si Mama kung si Ninong Dave lang din. Marami namang iba at hindi naman ako tututol kung sino’ng magustuhan ni Mama, huwag lang talaga si Ninong Dave. Dahil magbabago na ang tingin ko sa kaniya kapag magiging step-father ko siya. Pati na rin ang pakiramdam at pakikitungo ay magkakaroon ng pagbabago. Dahil kahit Ninong ko siya, hindi ko siya itinuturing na pangalawang magulang ko.
Matapos maligo ay namili ako sa cabinet ko ng magandang susuotin. Pinili ko ang crop-top na mababa ang harapan. Parang feel ko ngayon magpakita ng cleavage, tutal, nasa bahay lang naman ako. Maiksing maong short din ang napili kong isuot. Hindi ako nagsuot ng bra dahil hindi talaga ako mahilig lalo na kapag nandito lang sa bahay. Nag-apply din ako ng kaonting make-up para hindi halata ang epekto ng hangover kahapon. Baka mahalata at masermonan pa.
Dala-dala ang cell-phone ko, lumabas na ‘ko ng kwarto. Nilingon ko pa ang kwarto ni Mama. Tumaas ang isang kilay ko nang wala akong narinig na ingay. Himala yatang walang ungol. O baka, tapos na sila.
Habang pababa sa hagdanan ay napatingin ako sa phone ko nang tumunog ‘yon. Isang text mula kay Dave ang lumabas sa screen.
“I can’t wait to see you.”
Nagtipa naman ako ng reply… “Miss mo na ‘ko?” Napangiti pa ‘ko sa ni-reply ko sa kaniya. Gusto kong sabayan ang trip nitong si Dave. Base sa mga text niya ay halatang may gusto na siya sa ’kin. Hindi na ‘ko nagtaka dahil sanay na ‘ko. Gano’n din kasi sa school.
Pagkababa sa hagdanan ay mukha agad ni Ninong ang nakita ko. Nalusaw agad ang ngiti sa labi ko nang makita siya. Nakangiti siya sa ’kin pero inirapan ko siya kahit katabi pa niya si Mama.
“Faye!” a warning tone from my mother pero hindi ako nasindak.
Wala akong pakialam kung pagalitan niya ‘ko dahil sa attitude na pinapakita ko kay Ninong ngayon. Kasalanan nilang dalawa kung bakit ako nagkakaganito. He deserve it. Iyon ang sa tingin ko.
“Ayos lang, Mina,” nakakaunawang saad ni Ninong.
“Hindi kita pinalaking ganiyan,” wika ni Mama. Nakasimangot ito at handa ng sermonan ako.
“Hindi ka naman ganiyan dati. At hindi ka manlang ba matutuwa o magpapasalamat sa Ninong mo dahil umuwi siya para sa debut mo?” Magkasalubong ang mga kilay niya habang nakatitig sa ’kin nang mariin.
Hindi ko siya pinansin at dere-deretsong tumungo sa kusina. “Faye! Kinakausap kita!” galit niyang saad.
“I’m listening,” walang buhay kong wika sa kaniya.
Akma niya ‘kong susugurin pero pinigilan siya ni Ninong. Taas-baba ang dibdib ni Mama dahil sa pagtitimpi.
“Ilang araw ka ng ganiyan. Ano bang nangyayari sa ’yong bata ka?!” nagtitimping boses ni Mama.
Pinipilit niyang maging kalmado kahit ganito ang ugaling pinapakita ko. Mabait si Mama. Never niya ‘kong pinagbuhatan ng kamay at pinagalitan ng sobra. Magagaan na sermon lang ang nakukuha ko mula sa kaniya kapag pinapagalitan niya ‘ko. At hindi rin naman ako ganito dati. Alam niya ‘yon. Alam nila ni Ninong ‘yon.
“Ninong knows why,” walang ganang sabi ko at kumuha ng mansanas at kinagatan habang walang ganang nakatitig sa kanilang dalawa.
Nagkaroon ng takot sa mga mata ni Ninong Dave at si Mama naman ay nagtataka.
“Go, ‘Ma. Ask him,” tudyo ko sa kaniya.
“Ano ‘yon, Dave?” kinakabahang tanong ni Mama.
Parang alam na niya kung ano ang pinupunto ko. Nabanggit ko nga pala sa kaniya noong isang gabi. Pero hindi ko naman derektang sinabi kung ano talaga ang nakita ko sa kwarto niya. Natawa ako sa isip habang pinagmamasdan sila.
“Hindi ko lang nabili ‘yong gustong anime figure na paborito ni Faye. Nangako kasi ako tapos hindi ko nabili kaya siya galit,” pagsisinungaling ni Ninong. Napailing na lang ako.
Tila nakahinga naman ng maluwag si Mama sa sinabing ‘yon ni Ninong. Talagang isinisekreto pa ‘yon ni Mama kahit nakita ko na. Magmumukha lang siyang tanga. Napailing uli ako at kinagatan ang mansanas na hawak ko.
Nagluto si Mama ng almusal dahil nandito si Ninong. Kaniya-kaniya kami ng breakfast pero kapag nandito si Ninong... nag-aasal asawa siya. Kung asikasuhin ni Mama si Ninong parang wife talaga eh. Nairita agad ako kaya hindi na lang ako tumingin sa kanila.
Magkakasalo kaming kumakain pero silang dalawa lang ang nag-uusap. “Faye, dapat hindi ka magalit sa Ninong mo nang dahil lang sa mababaw na dahilan,” wika ni Mama.
Pinuno ko ng pagkain ang bibig ko para may dahilan akong hindi sumagot. Hindi ko sasagutin ‘yon. Baka isipin ni Ninong ay okay na kami kaya sinasakyan ko ang kasinungalingan niyang sinabi kanina.
Umilaw ang phone ko dahil may text message uli akong natanggap mula kay Dave.
“Hindi nga kita makalimutan buhat kagabi. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.”
Nakatatlong missed calls lang si Dave sa ’kin kagabi. Mabuti at hindi siya makulit tulad ng isang Dave rito. Napangiti ako nang mabasa ang text niya at nagtipa naman ng reply, “Bolero.”
Nag-angat ako ng tingin nang maibaba ang phone ko. Nakatingin doon si Ninong at saka ako tiningnan sa mukha. Binalingan ko naman si Mama at binalewala ang kakaibang tingin ni Ninong.
“May inimbita pala akong wala sa listahan,” wika ko.
“Kaibigan mo?” tanong naman agad ni Ninong imbes na si Mama ang dapat na magtanong.
“Yes,” sagot ko pero kay Mama ako nakatingin.
“Sige. Walang problema,” sang-ayon naman ni Mama.
Matapos ang almusal ay nasa kwarto lang ako nanunuod ng anime series sa laptop ko. Iniwan ko sila sa baba at bahala sila kung ano ang gagawin nila. Habang nanunuod ay napatingin ako sa manga books na bigay ni Ninong. Nandito pa ang kahon ng mga pasalubong niya.
Napatayo ako at nilingon ang bintana ko nang makarinig ng tunog ng sasakyan. Umalis na si Ninong. Dapat ay masaya ako sa pag-alis niya pero bakit ganito? Nalulungkot ako at nakakadama ng pagsisisi. Pinilit ko na lang ituon ang atensyon sa pinapanood ko at binalewala ang kakaibang nararamdaman ko.
Sumapit ang tanghalian at tahimik lang kami ni Mama na kumakain. Mukha siyang matamlay at walang gana. Tinatago niya sa ’kin pero halatang-halata rin naman.
“What happened?” tanong ko. Nahinto siya sa pag-nguya at nilingon ako.
“W-Wala,” nakangiting tanggi niya at nabuhol pa ang dila niya dahil sa pagsisinungaling.
Hindi ko siya pinaniwalaan kaya nag-iwas siya ng tingin sa akin. “Excited lang ako sa debut mo mamaya. Bilang isang ina ay mahirap magpalaki ng anak. Lalo pa at mag-isa na lang akong magulang sa ‘yo. Kahit nag-iisa ka lang sa buhay ko... ang dami ko ring pinagdaanan bago kita mapagtapos sa high school at mabigyan ng malaking celebration sa debut mo. I’m so happy, anak. And I’m so proud. Kung titignan ka ngayon... pakiramdam ko ang laki na ng nagawa ko para sa ’yo. Happy birthday, Faye, anak,” nakangiti at naluluhang sabi niya.
Natahimik ako at hindi kaagad nakaimik. Sa huli ay ngumiti ako sa kaniya.
“Thank you for everything, ‘Ma.”
Sandali kong sinantabi ang galit ko kay Mama. Sa kabila ng lahat ay ina ko pa rin siya at anak niya ‘ko.
Inayusan ako mga bandang alas singko ng hapon. Nakahanda na ang gown na susuotin ko. Ang theme ay fairy, kaya naman kulay puti at berde ang napili kong kulay. Nakalugay at nakakulot sa dulo ang mahaba kong buhok. Pinaibabawan din nila ng totoong bulaklak na kulay puti gaya ng gusto ko.
Tube ang style ng gown ko. Sa ibaba ay may mga paru-parong desenyo na nakatahi. Mint green at white ang kulay na maiksi sa harapan pero mahaba sa likuran. Gustong-gusto ko ang desenyo dahil sexy pa rin ang dating kahit fairy. Kita rin kasi ang malaking bahagi ng likuran at may pasilip ng kaonti sa cleavage.
Light make-up lang ang ginawa nila dahil ayoko ng heavy kahit pang-gabi pa ang debut ko. Nag-text na rin ang mga kaklase ko’t kaibigan na dadalo sila. Si Dave ay tinawagan pa ‘ko para sabihing pupunta talaga siya. Nag-text din sa ‘kin si Grace na susunduin nila si Dave mamaya. Kinakabahan ako na na-e-excite.
Katabi ko si Mama at inaayusan din siya. Terno kami ng kulay ng damit pero magkaiba sa designs. Kung ako, mahilig sa sexy dress... si Mama naman ay kabaliktaran ko. Hindi niya hilig ang mga damit na sexy. Kaya magkaibang-magkaiba talaga kami ng taste pagdating sa damit.
Flat shoes na may mahabang lace ang suot ko para bumagay sa suot ko. Hindi ko rin piniling mag-heels dahil alam kong sasakit ang binti ko bukas. Pero may high heels sandals naman ako para sa picture taking mamaya.
Six-thirty na ng gabi nang matapos akong ayusan. Nagpa-picture muna ako sa photographer at nag-selfie na rin bago tumungo sa venue. Nakaalalay lang sa akin si Mama hanggang sa makasakay kami sa sasakyan. Panay ang puri niya sa ‘kin dahil napakaganda ko raw ngayon. Nagulat pa ‘ko nang makita ang driver. . .si Ninong Dave.
He was wearing a black tuxedo, very manly, and very handsome. Ngayon lang ako humanga sa isang lalaki. Bagong gupit siya at bagong ahit. Hindi ko mapigilang hindi siya puriin sa ayos niya ngayong gabi. Nakangiti siya sa ‘kin na parang kaming dalawa lang ang nakasakay dito sa loob ng sasakyan at hindi niya napapansin si Mama.
“T-Tara?” nauutal na tanong ni Mama. Doon lang naputol ang titig ni Ninong Dave sa ‘kin. Nagmaneho agad siya patungo sa venue.
Dalawa sila ni Mama na nakaalalay sa ‘kin nang makababa ako. Sa labas pa lang ay dinig ko na ang malakas ng tugtog mula sa loob. Mga favorite songs ko ang pinapatugtog.
Sa may pintuan ay nakaabang sa akin sina Grace at Marielle. “Oh my, Faye!” hindi makapaniwalang bulalas ni Grace.
“You’re so pretty!” ani naman ni Marielle.
“Hi, Tita. Hi, Tito!” bati nilang sabay kina Mama at Ninong.
“Si Dave?” tanong ko sa kanila. Nagtaka naman sina Mama at Ninong.
“Nagpaalam lang sandali,” sagot naman ni Grace.
“Si Dave ‘yong sinasabi kong bago kong inimbitahan,” wika ko kay Mama. Napatango na lang siya sa ‘kin. Pero si Ninong ay para bang may pangamba sa bagong Dave na kilala ko.
“Dave!” tawag ko sa kaniya nang lumabas siya sa exit.
Sandali siyang natulala kaya kinilig ang mga kaibigan ko. Nasa loob na ang mga kaklase namin at ilang teachers. “Huy!” untag ko sa kaniya. Kumurap naman siya kaya natawa ako.
“S-Sorry. Ang ganda mo kasi,” wika niya.
“Bolero!” nakangiwing sabi ko.
“No. I mean it. You’re so beautiful,” wika naman niya.
“Oo na,” wika ko at kunwari siyang inirapan.
Pinakilala ko si Dave kay Mama. Hindi ko siya pinakilala kay Ninong dahil hindi pa kami okay. Hindi ko alam kung magiging okay pa kami.
Magkakasabay kaming pumasok sa loob. Ang loob ng venue ay para bang nasa gitna ako ng magandang paraiso. May mga paru-parong lumilipad na hindi ko alam kung paano nila nagawang paramihin o kung totoo ba talagang paru-paro ‘yong mga nakita ko. May fountain at ang pinaka-gusto ko ay ang magiging background ko. Water falls siya at mukhang tunay. Mukhang malaki ang naging gastos ni Mama dito.
Sa red carpet ako naglakad patungo sa naghihintay kong magandang upuan sa stage. Binigyan din nila ako ng wand na makatotohanan ang itsura. Parang nabubuhay ako sa fairytale ngayong gabi.
Si Mama ay hindi maitago ang saya habang pinapanood ako. Naka-on din ang camera ng phone niya na nakatutok lang sa ‘kin.
Ang mga kakilala at iba pang naririto ay nasa kaniya-kaniya nang lamesa. Si Dave ay kasama naman nina Grace at Marielle. Ka-table nila sina Mama at Ninong.
Nagsimulang magsalita ang M.C at doon na rin nagsimula ang party. Malambing na kanta ang pinatugtog para sa eighteen roses. Pinagtawanan ko lang ang mga kaklase kong lalaki nang abutan ako ng pulang rosas at isinayaw ako. Karamihan kasi sa kanila ay basted noong nililigawan ako.
Naging sunod-sunod ang pagdating ng rosas. Sa seventeen rose ay si Ninong ang lumapit. Naging seryoso ang mukha ko nang hawakan niya ang kamay ko at iabot sa ‘kin ang pulang rosas.
“Happy birthday, Faye!” nakangiti at masiglang bati niya.
“Salamat,” matabang kong sabi.
“Pinagsisisihan ko ‘yong ginawa ko. Pinagsisisihan ko talaga. Wala kaming relasyon ng Mama mo at nadala lang ako nang akitin niya ‘ko. Pareho kaming sabik dahil pareho kaming single,” paliwanag niya habang sinasayaw ako.
“Ang sabi niya, na-miss niya raw. Meaning, dati niyo nang ginagawa,” galit kong saad sa kaniya.
“Isang beses lang ‘yon at iyong n-nakita mo, iyon ang pangalawa. Nang yayain niya ‘ko kahapon, tumanggi na ‘ko at sinabi kong may iba akong gusto,” paliwanag niya.
Mapakla akong tumawa. “So, si Mama pa ngayon ang nag-aaya at nang-aakit?” natatawa at sarkastikong tanong ko sa kaniya.
“Ayokong masira kayo ng Mama mo. Pero mas lalong ayokong masira tayo. Kay tagal kitang hinintay, Faye,” nagsusumamong wika niya at binigyang kahulugan sa huling sinabi.
Nagkaroon ng kakaibang kaba sa dibdib ko matapos sabihin ‘yon ni Ninong. Nang bitawan na niya ‘ko at sumunod naman si Dave ay iyon pa rin ang nasa isip ko.
Si Dave ang last dance ko. Balak kong ipahiya si Ninong dahil hindi na siya ang huling lalaking magsasayaw sa ‘kin pero gusto kong umurong at pagpalitin sila ni Dave.
“Kay tagal kitang hinintay, Faye,” bulong sa isip ko. Napalingon ako sa lamesa kung nasaan si Ninong. Nakatunghay ito sa ‘kin at namumungay ang mga mata na para bang nagmamakaawa at nakikiusap.
Tila bumagal ang oras habang nakatitig ako sa kaniya. Malakas ang tugtog pero mas dinig ko ang t***k ng puso ko. Gusto kong umiyak dahil sa hindi ko maipaliwanag na damdamin. Isang halik sa pisngi ang iniwan sa ‘kin ni Dave nang matapos niya ‘kong maisayaw. Marami siyang sinasabi sa ‘kin kanina pero hindi ako nakatugon ng maayos.
Bumalik uli ako sa upuan ko habang kay Ninong pa rin nakatingin. Nagpalakpakan ang mga bisita nang may i-announce ang MC. Hindi ko na nadidinig ang nasa paligid ko dahil ayaw maalis sa isip ko ang huling sinabi ni Ninong.
Matagal niya ‘kong hinintay? Ano’ng ibig sabihin no’n? Bakit matagal na niya ‘kong hinihintay? At sino ang babaeng gusto niya? Ako ba ‘yon? Ang babaeng matagal na niyang hinihintay? Ako nga ba ‘yon?