Kumakain na ang mga bisita. Nakita ko si Ninong na panay ang kuha ng wine na dala ng waiter. Sina Grace ay kumakain na rin kasama si Dave. Habang kumakain ay meron daw message sa akin si Mama. Umakyat sa stage si Mama at hinalikan ako sa pisngi. Naluluha itong nakatingin sa akin.
“Parang kailan lang noong nasa sinapupunan pa kita. Parang kailan lang, anak noong hawak-hawak kita at hinihele sa bisig ko,” panimula niya at saka suminghot.
“Ang bilis ng panahon. Dalaga na ang prinsesa ko,” wika niya at mahinang tumawa. “
“Ilang taon na lang at alam kong tatahakin mo na rin ang buhay nang mag-isa. Pero nais kong malaman mo, Faye, anak... na hindi doon matatapos ang pagiging ina ko sa ‘yo. Always remember that, anak. I love you,” wika niya at agad siyang inabutan ng tissue ng MC. Niyakap niya ‘ko at paulit-ulit na sinabing mahal na mahal niya ‘ko. Hindi ko napigilang lumuha dahil doon. Nagpalakpakan ang mga tao at saka naman sumunod na nagbigay mensahe ang mga kaibigan ko at mga kaklase. Pati teachers namin ay binati rin ako.
“Go, Dave!” sigaw nina Marielle nang si Dave naman ang umakyat sa stage at dala-dala ang gitara niya.
Inayos muna sa stage ang magiging set-up para marinig maigi ng audience ang pagkanta at pagtugtog na gagawin niya. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan si Dave.
Nagpalakpakan naman ang mga tao nang magsimula na siya. “Kahapon lang kita nakita...” panimula niya kasabay ng magandang tunog ng kaniyang gitara.
Natahimik ang lahat at ang buong atensyon ay na kay Dave. Ang titig ni Dave ay nasa akin lang kaya hindi ko maiwasang ngumiti sa kaniya. Para niya ‘kong hinaharana sa harap ng maraming tao. Nanunood din sa kaniya ang ilang nanligaw sa akin na binasted ko na. Pare-pareho silang namamangha kay Dave.
“Kahapon lang kita nakilala, pero hindi ka na naalis sa isipan ko, aking sinta...”
“Kung iyong papayagan, gusto ko sanang makilala ka pa ng lubusan...”
Nagtilian ang ilang kaklase kong babae dahil sa kanta ni Dave. Nakahawak pa sila sa dibdib nila na para bang in-love na sa kumakanta. Mukhang ginawa pa ni Dave ang kanta para sa ‘kin.
“At ngayong ikaw ay aking kaharap, tila kay sarap mangarap na balang araw tayong dalawa’y magkayakap...”
Nagpalakpakan ang mga tao at pati na rin ako. Binulungan ko pa siya nang ngitian niya ‘ko.
“Bolero!” Tumawa naman siya at kinindatan ako. Lalong tumili ang mga kaklase ko sa kilig.
Maraming regalo ang natanggap ko kaya napakaraming tao rin ang pinasalamatan ko isa-isa. Baka bukas ko na lang bubuksan dahil late na natapos ang celebration. It was fun! Nagsiuwian na ang mga kaklase ko at mga guro. Pati na rin ang ilang katrabaho ni Mama. Sina Grace ay nagpaalam na ring uuwi na. Sumabay na sa kanila si Dave kaya iilang tao na lang ang natitira. Si Ninong ay mukhang nakainom pero hindi naman lasing na lasing. Mukha pa naman siyang nasa ayos.
“Comfort room lang ako,” paalam ko kay Mama.
Kanina pa ‘ko nakaupo sa stage at nanakit talaga ang pwet ko sa ngalay sa pag-upo. Mabuti na lang talaga at hindi ako nagsuot ng heels, dahil kung hindi... sasakit talaga ang mga binti ko.
Tumango lang si Mama dahil busy rin sa kausap niya. Uuwi na rin kami pagkatapos dito. Dali-dali akong tumungo sa restroom at pumasok sa isang cubicle. Kanina pa ‘ko naiihi kaya nang makaupo sa bowl ay ang laking ginhawa sa ‘kin.
Nakarinig naman ako ng yabag papasok kaya pinakinggan ko. Nang matapos ay tumayo na ‘ko para maghugas ng kamay. Gusto ko na ring mag-alis ng make-up at kakain ng marami. Gutom na ‘ko at pagod na.
Nagulat ako nang makita si Ninong nang buksan ko ang pinto. Tila ba hinihintay niya ‘ko dito sa ladies room. Iniwasan ko siya at tumungo sa lababo. Sa peripheral vision ko ay nakatitig siya sa ‘kin. Hindi ako tumingin sa salamin para hindi siya makita.
“Faye,” mahinang tawag niya.
“Faye,” ulit niya.
Nilingon ko siya sa salamin. “What do you want?” tanong ko at tinapos ang paghuhugas ng kamay. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ko ang kamay.
“You. Ikaw ang gusto ko,” deretsong sagot niya.
“Hindi na tayo babalik sa dati, Ninong. Hindi ko matanggap ang mga nakita ko sa inyo ni Mama at hindi ‘yon madaling kalimutan,” wika ko.
“Hindi mo ‘ko naiintindihan,” wika naman niya.
“Alin ang hindi ko maintindihan?!” bahagyang tumaas ang boses ko kaya tumahimik siya.
“Pagod ako at gutom na. Ayoko ng stress dahil stress na stress na ‘ko sa inyo ni Mama. At ‘yong mga nakita ko, pinipilit kong kalimutan dahil kahit ako... gusto ko na lang bumalik sa dati. Iyong dati na wala akong nakitang kababuyan sa inyo ni Mama,” mariin at puno ng kahulugan kong sabi sa kaniya. Iniwan ko siya sa loob ng banyo at dere-deretsong lumabas.
Inaya ko na si Mama para umuwi. “May nangyari ba? Bakit ganiyan ang itsura mo?” magkasunod na tanong sa ‘kin ni Mama.
“Gutom lang at pagod. Gusto ko nang umuwi,” sagot ko.
“Uuwi na tayo,” wika naman niya.
Kasabay pa rin namin si Ninong sa pag-uwi. Siya kasi ang magmamaneho tulad kanina.
“Dito ka na matulog, Dave. Gabi na kasi kung babyahe ka pa,” wika ni Mama na puno ng concern kay Ninong. Inirapan ko sila ng lihim pero nakita pa rin ni Ninong.
“Hindi na, Mina. Kailangan ko ring umuwi dahil nakalimutan ko ang laptop kong naka-charge. Naiwan ko pala kanina,” tanggi niya. Nakita ko ang panghihinayang ni Mama.
“Ah, gano’n ba?”
“Sige. Mag-iingat ka na lang sa byahe,” wika ni Mama. Napatango naman si Ninong Dave. Pero bago umalis ay may sinabi siya sa ‘kin.
“Happy birthday ulit, Faye. Hihintayin pa rin kita.” Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay saka siya umalis. Nag-iwan na naman siya ng salita sa isip ko na tiyak mahirap alisin.
***
Puno ng regalo ang sala namin. Habang kumakain ako ay doon ako nakatitig pero ang isip ko ay okupado sa sinabi ni Ninong.
“Ano ba kasing ibig sabihin no’n?” tanong ko sa isip at sumubo ng malaki sa cake na kinakain ko.
Hanggang sa makapaghilamos ako at makapagbihis ay iniisip ko pa rin ‘yon. Tiningnan ko ang screen ng phone ko. Mga text mula sa kakilala. Binati nila ako at ni-congratulate. Nalungkot ako nang wala akong makitang text mula kay Ninong. Napahilot na lang ako ng sintido. Nalilito na ‘ko kay Ninong Dave. Nalilito na rin ako sa sarili ko. Parang ang gulo-gulo na. Wala na ‘kong maintindihan.
Kinabukasan ay late akong gumising. Tanghalian na nang bumaba ako. May sticky note sa pinto ng ref at si Mama ang nagsulat.
“May pagkain sa ref. Initin mo na lang.” Pumasok na siya sa trabaho niya.
Nasa sala pa rin ang mga hindi nabubuksan na regalo. Mansanas lang ang kinuha ko at nilapitan ang mga gifts. Malalaki ang kahon at ang iba ay nasa paper bag.
Inuna kong sinilip ang mga laman ng paper bags. Puro damit ang nakita ko. Sinunod ko ang katamtamang laki ng kahon at mga sapatos at damit din ang nakita ko. Hindi ko alam kung saan ko sila ilalagay dahil baka hindi kayanin ng cabinet ko. Ang malalaking kahon ay mga damit din ang laman.
Napagod ako sa pagbubukas ng regalo. Marami pang bouquet ng bulaklak galing sa mga kaklase kong lalaki. Napailing ako nang mabasa ang mga note na nakalagay. “Mga bolero,” bulalas ko at nilagay muna sa tabi.
Dahil wala naman akong lakad, nagpasiya akong ayusin sa cabinet ko ang mga bagong damit. Magdadala rin ako ng mga new clothes sa Palawan para sa outing namin nina Grace next week. Kinuha ko ang maleta para ihanda na agad ang mga dadalhin ko.
Napuno ang lagayan ko ng sapatos nang mailagay ko ang ibang regalo. Hindi pa lahat dahil wala ng space. Hinayaan ko na lang muna sila sa kahon nila at nilagay sa ilalim ng kama ko. Habang pinagmamasdan ang mga dadalhin kong damit para sa outing ay napalingon ako sa malaking kahon na nasa sulok. Mga pasalubong ni Ninong. Nilingon ko ang cabinet kong puno na. . .wala ng space. Kung gano’n, wala na rin ba siyang space sa buhay ko? Mabigat akong bumuntong-hininga. Ayoko muna siyang isipin. Busy ang utak ko sa ibang bagay, kaya dapat doon lang ako mag-focus.
Inayos ko na lang ang laman ng maleta at naligo pagkatapos. Manunuod na lang ako buong hapon. Nagluto rin ako ng popcorn at nagdala ng chips sa kwarto ko. Pagod ako kagabi kaya wala ako sa mood gumala ngayon.
Nang gabing makauwi si Mama ay ibinalita niya sa ‘kin na umalis na raw si Ninong. Tinatawagan daw ako pero hindi raw ako sumasagot. Doon ko lang nakita ang mga missed calls niya. Nilagay ko pala sa silent ang phone ko kahapon kaya hindi ko napansin.
“Dapat nagpasalamat ka manlang sa kaniya,” ani ni Mama habang naghahanda ng hapunan.
“Text ko na lang siya mamaya,” pagsisinungaling ko dahil wala akong balak na kausapin o i-text pa siya. Mabuti nga ‘yon na bumalik na siya sa America.
Habang kumakain ng hapunan ay isang tanong ang sumagi sa isip ko. “Mama, may nanliligaw ba sa inyo?”
“Bakit mo natanong?” nakangiting tanong niya. Tumaas ang magkabilang balikat ko at hiniwa ang manok na adobo at saka sinubo.
“Wala lang. Naisip ko lang bakit hindi ka nagkakaroon ng boyfriend,” sagot ko habang ngumunguya.
“Meron naman pero wala akong interest sa kanila,” wika niya.
“Interesado ka sa iba?” tanong kong ako rin ang kinabahan.
“Sabihin na nating oo. Pero... may iba raw siyang gusto.” Humina ang boses niya sa huling sinabi.
“Mahal mo?” deretsong tanong ko.
“Matagal na,” pagtatapat niya. Sandali akong hindi nakaimik dahil alam ko na kung sino ang tinutukoy ni Mama.
“Baka ayaw niya sa may anak,” wika ko.
Malungkot na ngumiti si Mama. “Hindi naman. May hinihintay daw kasi siyang iba, matagal na.”
Hindi ako nakatulog ng maayos sa huling pag-uusap namin ni Mama. Binabagabag ako ng isip ko. Pinagdudugtong-dugtong ko ang mga sinabi ni Mama at ni Ninong. At ang lumalabas na resulta ay ako. Ako ang matagal na hinihintay ni Ninong kaya hindi niya pinili si Mama kahit nag-confess na. Ako ang dahilan kung bakit ayaw ni Ninong sa iba at kahit kay Mama.
Matagal nang walang asawa si Mama. Hindi rin siya nagka-boyfriend mula nang mamatay si Papa. Dahil si Ninong ang gusto niya. Napasabunot ako ng buhok. Hindi siya gusto ni Ninong dahil ako ang gusto ni Ninong Dave!
*
Lumipas ang ilang araw na walang paramdam si Ninong Dave. At tuwing pinag-uusapan namin ni Mama tungkol sa lalaking mahal niya at gusto ay si Ninong Dave talaga iyon. Kagabi ay inamin niyang si Ninong Dave ang matagal na niyang gusto at inamin niya ring nililigawan niya.
Nakaramdam ako ng awa kay Mama dahil naging desperado siyang mahalin siya pabalik ni Ninong. Handa niyang ligawan ‘yong lalaki, mahalin lang siya. Hindi niya inaamin na may nangyari sa kanila pero halatang pati ‘yon ay ibinigay ni Mama mahalin lang siya. At dahil do’n, hindi natuloy ang paglalayas na gagawin ko. Nakokonsensya ako kung iiwan ko si Mama habang broken hearted siya kay Ninong. Kahit kasi basted siya ay maayos pa rin niyang pinakikitunguhan si Ninong Dave. Walang nagbago sa pakikitungo niya kay Ninong.
“Tatawag ka agad kapag nandoon na kayo ha?” paalala ni Mama.
Tumango ako at humalik sa kaniya. Hinatid pa niya ‘ko sa airport kung saan kami magkikita-kita nina Grace. Ngayon na ang flight namin patungong Palawan. Maganda ang resort na pupuntahan namin at libre ang tutuluyan dahil taga-roon ang Lolo ni Grace.
Isang linggo kami ro’n kaya binigyan ako ni Mama extra-ng allowance. Kasama rin namin si Dave dahil niyaya siya nina Marielle. Akala kasi nila ay boyfriend ko na si Dave kahit hindi pa naman nanliligaw.
Hindi kami magkakasama sa upuan sa eroplano pero hindi rin naman kami magkakalayo. Dalawang oras mahigit lang yata ang naging byahe at nakarating din kami sa isla ng Palawan. Napakagandang probinsya kaya na-excite kami lalo. Si Dave ang nagdala ng mga gamit ko at kinilig naman ang dalawang kaibigan ko.
May sumundo sa amin patungo sa isla kung saan nakatira ang Lolo ni Grace. Sakay ng bangkang malaki ay mas lalo akong na-excite nang makita ang malinaw na tubig ng dagat. Malayo ang isla pero worth it daw kapag nandoon na dahil puti ang buhangin at maganda ang tanawin.
Pagkarating sa isla ay napatunayan kong worth it ang layo ng isla dahil paraiso para sa ‘kin ang nakikita ngayon. May mag-asawang matanda ang sumalubong sa ‘min, ang lolo at lola ni Grace.
Sa isang kubo kami tumuloy. Kubo kung saan tumutuloy ang mga tourist. Simple ang desenyo at gawa lahat sa kahoy ang mga gamit. Magkakasama kaming babae sa iisang kwarto at si Dave lang ang iba.
Habang pinagmamasdan ang lugar ay para bang gusto kong manatili muna rito nang mas matagal. Naisip kong... dito na lang kaya ako magsimula at hayaan na lang si Mama kay Ninong.