Dahil wala ng iba pang kasama sa mansyon ,si Luding na lang ang umako ng lahat ng trabaho . Pagkatapos niyang linisin ang kusina ay nagsimula naman siyang maghanda para sa lulutuin sa tanghalian.Naglabas siya ng karne at gulay sa ref. Wala na talagang gustong mag trabaho ba dito sa mansyon ni Don Ismael dahil sa halos sunod sunod na pag kawala ng mga tauhan at hindi alam kung nasaan o anong nangyari sa kanila dahil bigla nalang silang nawala at pati ang Don ay walang alam dito sa nangyayari dahil kahit masama ito hindi niya magawang patayin o palayasin ang kanyang tauhan lalo na at wala naman silang ginawa rito. Nag iisa si Luding ngayon sa mansyon ng Don.Sa pakiwari niya ,parang siya na lang ang nag aasikaso kay Don Ismael,siya na lang ang tanging naglilingkod at nagbpapaalipin dito.Sa

