Nagsimula itong kumain habang nasisiyahan siyang nakamata. "O, masarap ito, ha, sinong nagluto?" "Ako, ipinagluto kita ng masarap na pagkain!" "Marunong ka palang magluto, sige mula ngayon, hindi na si Luding ang magluluto ng pagkain ko, ikaw na!" "Sige." Naka ngisi habang pinapanood ni Clara si Don Ismael habang sarap na sarap ito sa pag subo ng pagkain na kanyang iniluto para sa Don.Para itong nalipasan ng gutom kung tutuusin.Ngayon mas magiging tunay na talagang asawa siya ng Don dahil siya na mismo ang mag luluto ng kakainin ng Don kaya naman medyo mababawasan ang gagawin ni Luding.Imbes na masiyahan si Luding dahil mas kaunti ang gagawin niya ngunit hindi mas naging malungkot ito dahil mas nanaisin niyang mag trabaho at kahit walang pahinga basta para kay Don Ismael. Panay ang s

