"Wala akong pakialam ,basta ang utos ko ay alisin at palayasin ang pamilyang iyon sa lupain ng asawa ko!"matigas ang utos ni Clara sa mga tauhan ng asawa. "Ayoko pang marinig ang kanilang pakiusap ,paalisin ninyo sila ,narinig ninyo?" "Opo Maam Clara,kayo po ang masusunod"at agad na tumalima ang mga tauhan ni Don Ismael.Bawat utos niya ay agad ding sinusunod ng mga ito dahil siya nga ang reyna sa mansyon at sa mga nasasakupan ng Don. Ibang iba na talaga ang naging ugali ni Clara dahil parang kasing ugali na niya ang Don tulad nalang ng pagpapalayas o pag alis sa mga tao kagaya ng ginawa ni Don Ismael sa pamilya ni Clara noon.Di naman maipagkakaila dahil sa sakit at poot na naranas ng dalaga kaya sinusulit niya ang bawat sandali dahil siya na ang reyna ng mansyon ng Don kaya lahat ng gus

