Chapter 4

1357 Words
Bago pa makaalis si Luding ay tinignan ni Clara ito.Sandaling nagkaroon sila ng eye contact at bigla rin naman itong ang unang kumawala.Waring may kinakatakutan itong nakita sa kanyang mga mata . "S-sige, iiwang na kita !"at agad na nag mamamdali itong lumabas ng silid. Nakabadya sa anyo nito ang takot. Tumayo siya sa kinauupuan .Inalis at tinungo niya ang kama.Inalis niya ang pagkadaka ang balot ng tuwalya at humiga siya. Naghihintay siya sa pagbubukas ng pinto. Hindi bumukas ang pinto.Mula sa bintana ay humihip ang isang banayad na hangin.Dinala ang hangin sa kanyang paanan. "T-Tulungan m-mo ako ... " anas niya . "Kunin mo ang lahat sa 'kin, tulungan mo lang ako. Pumikit siya nang maramdaman ang paggapang ng hangin sa kanyang buong katawan. Napapikit siya. Lumalarawan sa mukha niya ang manipis na ngiti.Alam niyang siya lang ang tanging makakatulong sa kanya sa ganitong sitwasyon dahil siya lang ang nagtangkang tulungan siya di tulad sa mga tao sa mansyon ay takot kay Don Ismael. Napaungol siya dahil sa hangin na dumampi sa kanyang buong katawan na nag papahiwatig ng sobrang kasiyahan . Isang bagong ligaya ang naramdaman niya sa ilang saglit. Hindi nagtagal ang nalasap niyang ligaya. Agad ding natapos iyon. Nagbangon siya. Humarap siya sa salamin. Minasdan ang kabuuan niya sa repleksyon niya. Ibang iba sa Clara na isang inosenteng dalaga ngayon ay ibang iba na. Isang manipis na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Isang libo't laksang hiwaga ang nakapaloob sa ngiti niyang 'yon. Bumukas na ang pinto sa kinaroroonan niya. Ang may-ari ng mga yabag ay dali-dali siyang pinangko. Naguulol ito sa labis na pagnanansa lalo na at nakita niya ang magandang katawan ng dalaga. "Sabi ko na nga ba, hahanap-hanapin mo rin ako ... hindi ka mabibigo, masisiyahan ka sa gagawin kong pag-angkin sa 'yo!"Pagnanasang bangkit ni Don Ismael kay Clara. llang ulit siya nitong inangkin. Bawat pag-angkin ay bumabaon sa kanyang kaluluwa. Nagdudulot doon ng poot at galit na unti-unting lumikha ng maitim na mantsa. Maitim na mantsa na siyang nangibabaw sa dating busilak nitong kalagayan.Napalitan ang kanyang inosenteng mukha dahil sa poot at galit na nararamdaman niya sa tuwing inaangkin ito ng Don. Humihingal itong nakaraos at sarap na sarap sa bawat pag angkin ng dalaga na hirap na itong huminga dahil sa pagod at sobrang kaligayahan. "Ang galing mo ... labis-labis mo akong pinaliligaya ... pangako, ikaw na talaga ang reyna dito sa bahay ko ... ikaw na nga!"May kunting ngiti na gumuhit sa mga labi ni Clara dahil ngayon nag sisimula na ang gusto niyang mangyari at gagawin niya ang lahat para maging reyna sa kaharian ng isang demonyong si Don Ismael. Lumipas pa ang maraming araw na walang palya siya nitong inaangkin. Araw araw niyang sinasabi kay Clara na ang galing niya sa pag angkin kaya labis niya itong ikinatutuwa at hindi siya nagkamali sa pagpili sa tulad niya.Siya lang ang nakapagparanas dito ng sobrang kaligayahan di tulad sa mga babaeng nag daang sa kanya dahil alam niyang yaman lamang ang habol sa kanya kaya ni isa wala siyang pinakasalan at parang si Clara palang ang unang una niyang pakakasalan dahil sa kanya niya lang naranasan ang tunay na saya at kasabikan. Ginising niya si Clara isang umaga ni Luding upang balitaan. "Ihahanda kita, aayusan nang mabuti ... sa darating na linggo, may malaking kasiyahang magaganap dito sa mansyon!" "A-Anong kasiyahan 'yon?" "Ano pa kundi ang kasal ninyo ni Don Ismael. Ikakasal ka sa kanya, ikaw na talaga ang magiging reyna dito!" "Sa wakas at napagpasyahan na din ng Don na ako ang pakakasalan niya."taimtim na bulong sa sarili na waring hindi maririnig ni Luding. Tumingin lang siya sa salamin. Gumuhit sa sulok ng labi niya ang makahulugang ngiti.Ngiti na hindi kasiyahan ang laman kundi mas grabing poot at sakit. "Suwerte mo na ito ... hindi ka nakahalintulad ng mga nauna pang babae sa iyo na pinagpasasaan lang ng Don. Pakakasalan ka niya ... alam mo ba ang ibig nitong sabihin?" Hindi siya sumagot kaya ang babae na rin ang sumagot sa tanong nito. "Ibig sabihin, magkakaro'n ka ng kapangyarihan dito sa mansyon, magkakaro'n ka ng kapangyarihan sa lahat-lahat ng pag-aari ni Don Ismael." 'Anong mangyayari?" "Hindi mo alam kung anong mangyayari? Clara, ibig sabihin, kikilalanin ka ring makapangyarihan dito ... kung anong sabihin mo, bilang asawa at reyna ni Don Ismael, batas na susundin ng lahat ang utos mo!" Nagliwanag ang mukha niya. Ngumiti siya at hindi iyon nalingid kay Luding. "Sabi ko na nga ba't may tinatago ka ring sama, eh. Hindi ka totoong santa ... may demonyo ka rin sa katawan mo!" Tinignan niya ito ng matalim at agad din itong nagtikom ng bibig. Ipinagpatuloy na lang nito ang pagsusuklay sa buhok niya. "Gusto kong makausap si Don Ismael ... saan ko siya pwedeng makausap ngayon din!" Matagal din bago siya nito tinugon. Sa loob-loob nito'y hindi pa ma'y mukhang nagaasta reyna na nga siya. "Sige, ipaaalam kong gusto mo siyang makausap ... " 'Sige, ihanda mo ako para sa pagharap ko sa kanya'y maganda ako ... mabango at kaakit-akit!"Nagplaplano nanaman si Clara para akitin ng husto ang Don hanggang mahirapan nitong humingal dahil sa sobrang saya at pananabik. Hindi ito umimik. Ginawa nito ang ibig niyang mangyari. Nang iwan siya nito, higit siyang maganda keysa sa mga naunang araw na dumating siya sa mansyon.Noon wala siyang siglang humarap sa Don pero ngayon siya na ang nag kukusa para tawagin ang Don para muli niya itong angkinin at pasabikin ng husto.Talagang ibang iba na si Clara kumpara noon. Hindi siya nainip sa paghihintay kay Don Ismael. Agad itong nakipagkita sa kanya. Pagkapasok pa lang nito sa pinto'y agad na siyang sumalubong. Sa pisngi nito'y idinampi niya ang isang halik saka bumaba sa kanyang labi at patuloy niya itong hinahalikan at pinabayaan siya ng Don dahil ito ang mga nais niya ang mag kusa itong angkinin ang buong pagkatao niya. Pinagtakhan iyon ng Don. "I-ikaw nga ba ang humalik sa akin? Hindi ba ako nananaginip?" agad siya nitong kinabig sa baywang at nalanghap niya ang amoy-tabako nitong hininga. "Oo ako nga, bakit nakapagtataka ba? Di ba't ako'y magiging asawa mo na? Di ba't ilan ulit mo na rin akong pinatikim ng langit?' "Ha-ha-ha-ha, sabi ko na nga ba at nasarapan ka rin sa aking romansa ... ano hinahanap-hanap mo ba ako? Gusto mo bang ulit-ulitin ko ang romansa sa 'yo?" Pinupog siya nito ng halik. Kusa naman siyang nagbigay. 'Talaga bang pakakasalan mo ako? Totoo ba ang sinabi ni Luding?" "Oo, totoo 'yon at bukas na bukas din 'yon, magkakaro'n dito sa mansyon ng malaking handaan para sa kasal natin ... !" Pumulupot ang kamay niya sa leeg nito. puno ng pang-akit ang mga mata niya. "Talaga?" "Oo at mamaya isusukat mo ang maganda mong trahe de boda, pero bago 'yon ako muna ang uunahin mo, paliligayahin mo ako, ha?" "Oo, lagi-lagi kitang paliligayahin!" sabi niya't siya mismo ang humalik sa labi nito. Sinikil iyon na animo'y sabik na sabik siyang makatalik ito. Nag-ulol naman ito sa pagnanasa. Agad siyang hinubaran saka pinangko't dinala sa kama. Higit siyang naging mapagbigay at sa halip na daing ng paghihirap ang naibubulalas niya'y daing ng pagnanasa't ligaya ang kunwa'y kanyang nadarama. Nakikita niyang nasisiyahan nang labis ang Don ay kayang kaya niya itong paikutin sa kanyang palad sa mga susunod na mga araw. Siya pa mandin ang kusang humiling na ulitin pa ang romansa nila at kahit na napagod ay pinagbigyan naman siya nito. Sa huli'y ito na rin ang sumuko. Plastado ito nang iwan niya sa kama. "Ngayon ako na ang susundin mo ... ako na ang reyna mo!" anas niya habang mahinang nagpakawala ng nag-uuyam na tawa. Pumasok siya sa banyo upang linisin ang katawan niyang damang-dama niyang narumihan nang labis sa pakikipagtalik sa Don. Nang humarap siya sa salamin, ibang repleksyon ang naro'n. Hindi na ang may maamong mukhang Clara. Hindi na ang mahina't api-apihang babaing noon pa lang unang araw na dumating sa mansyon ay namatay na ang kaluluwa. "Makikilala niya ang bagong reyna sa mansyon ito ... ako, si Clara ... ang bagong demonyo sa lupa sa kaharian ng demonyong si Don Ismael!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD