Unang Kabanata

975 Words
5 years before Habang naglalakad sa isang tahimik at payapang lugar mariringan mo ang lahat ng tunog na nag gagaling sa pagaspas g mga d**o at dahon sa bawat puno, ang pag awit ng mga ibon at ang tila bumubulog na tunog ng hangin. Nandito muli ako sa lugar na kung saan nagtapos ang pagiging isip bata ko. Ang tagal na panahon na din pala. “Laila? Anong ginagawa mo ditto pag ikaw nakita ni Miss Fire pagagalitan ka nun.” Pagbabanta sakin ng kaibigan kong si Kimberly. “E bakit ikaw nandito ka din.” Tanong ko din sakanya habang nakangiti. “Sinundan kita.” “Sus sabihin mo gusto mo lang din pumunta ditto.” Mula ng magtapos kami ng elementary nagbago na ang mga bagay bagay. Mula sa simpleng buhay. Naging parang isang magic.Literal na magic. Hinawakan ako ni Kim at sa isang kumpas na nya lang lumabas ang lagusan papunta sa aming mundo. “Sorry!” sigaw sakin ng isang fire wizard na mukang nagkamali nanaman ng bato sa kanyang balloffire. Madalas na ganyan ang eksena lalo na sa mga pasaway. “Laila praktis tayo mamaya ah.” Sabi ni Jessica isang air wizard. Nginitian ko lang bilang isang sagot. “Papansin yung babaeng yun.” Sabi ni Kim sabay gawa ng isang bolang tubig at basta nalang piniga na parang isang hinog na hinog na prutas. Isa syang water wizard. Isa sa mga magagaling na water wizard. “Kita tayo mamaya.” Paalam ko kay Kim sabay tapik ng balikat nya. Dumeretso ako salugar na kung saan ako nabibilang. Ang Earth Wizard. “Laila. Late ka nanaman.” Pagbubunganga sakin ni Miss Fire. “Gumawa ka ng circleoffire” Sa aking pagkumpas huminga ako ng malalim at dinama ang init saaking kamay at kapaligiran hanggang sa unti unti kong nararamdaman ang init sa aking mga palad. Kinumpas ko na isang bilog sa hangin ang aking kamay at bumuo ng circleoffire. “Balutan mo ng tubig.” Tila imposible ang nais nya. Ngunit muli huminga ako ng malalim at hinayaan na hawakan ng kaliwa kong kamay ang init habang ang kanang kamay ko ay dinadama ang tubig sa bawat paligid ng makakuha ako ng sapat na dami ng tubig. Unti unti kong iniikot ang tubig na sa cirleoffire ang lahat ng mata ay nasa akin malapit ko nang mabalot ng tubig ang apoy ng hindi ito namamatay ngunit sa hindi inaasahan lumabas ang butyl ng aking mga pawis. Nataranta ako. Mas lalong dumami ang paglabas ng pawis ko. Na ngangati ang dinadaanana nito at hindi ko makontrol ang galaw ng katawan ko parang gusto kong punasan pero pinigilang ko. Hanggang sa. Hinigop lahat ng kanang kamay ko ang lahat ng tubig sa paligid at bumalot sa circleoffire at dahil ditto. “ o asan na ang apoy?” tanong ni Miss Fire. Nanlumo akong binagsak ang tubig. Wala na yung apoy.  Isa akong Earth Wizard nagiisa ako sa lahat ng wizard. Hawak ko din ang lahat ng kapangyarihan pero hindi ko naman alam kung pano o ano ang dapat kong gawin. Naglakad ako palabas ng hall at nasalubong si jessica "Hulaan ko nangyari sayo" Sabi nya sakin na parang sanay na sanay na sanay na sa gantong eksena ng buhay ko. "Halika nga tala sa dalampasigan, Tuturuan kita." eto nanaman kami halos araw araw ata ganto nalang ang eksena. mabibigo ako tas andyan si Jessica na taga pagligtas ko. Nakarating kami sa dalampasigan. Nakapagrelax sa isip ko ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa dagat. " Alam mo magaling ka naman pero tandaan mo. Pagdating sa pagcontrol ng tubig kailangan maingat ka. Damhin mo ang lamig nito habang patungo ito sa mga kamay mo. Isipin mo na kamay ito ng taong mahal mo. Iingatan mo to na parang isang dyamante." Unti unting nabubuo ang circleofwater sa bawat kumpas nya. Isang napakaganda ng ginagawa nya. Habang tinititigan ko. Napansin ko na tila nagiging buo ito na parang yelo. Hanggang sa matapos si Jessica sa ginagawa nya. Hinawakan nya ang buo at matigas na circle ofwater "Marami kang bagay ang matutuklasan habang patuloy kang mag aaral. Tulad nito. Sa paglipas ng buwan natutunan kong patigasan ang tubig gamit ang malamig na simoy ng hangin. Kakaiba diba." Tumango ako at alam ko ngayon kita nya ang paghanga ko sa ginawa nya. Mas hinawakan nya ito ng mahigpit. at di nag tagal nagkaroon ito ng tusok tusok sa paligid. Mas lalo akong humanga sa ginawa ni Jessica. "Sa tuwing gagawa ka ng bagong bagay kailangan alam mo din kung pano o saan ito nag mula. Para alam momg kontrolin ang bagay. Madali lang gawin ang iniisip mo. Pero mahirap tong ibalik sa dati pag gusto mo na." Tumahimik ng sandali si Jessica at pumikit unti unti nakikita kong unti unti ding nalulusaw ang hawak nyang circleofwater. Mas lalo ko itong kinamangha. Ang layo na ng nalalamn nya kunpara sakin. Nasa akin nga ang lahat ng kapangyarihan ngunit di ko magamit ng maayos. Nakita kong nakita ni jessica ang pagkalungkot ko. "Hindi ka dapat malungkot hindi ibig sabihin na kaya mong gawin ang hindi kayang gawin ng iba ay malakas at magaling kana." muling kinumpas ni Jessica ang kanyang mga kamay at muling bumubuo ng circleofwater. Ngunit hindi palang nabubuo ay bigla nalang itong sumabog. Nag alala ako kay jessica dahil sa nagyari bigla syang napaupo. "JESSICA! Ayos ka lang ba?" hinawakan ko ang kamay nya at nadama ko ang lamig nito. " Sa bawat kalakasan may katapat na kahinaan. Nararamdaman mo yung kamay ko? Ang lamig diba. Ibig sabihin lahat may hanganan. kailangan ko ng mainit." Hinawakan ko ang kamay nya at bahagyang dinama ang init ng katawan ko at pinalabas ng kaunti sapat upang malunasan ang lamig na dama ni Jessica.  "Tara na." aya ni jessica ng naging maayos na ang pakiramdam nya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD