May lalaking nakasandal sa pader at nakayuko ang ulo. I knew it. He's here. Bakit?
Nung papalapit sana ako sa room namin kaso bigla itong tumalikod at naglakad palayo. Gusto kong sigawan siya kung bakit siya nasa tapat ng Room namin at saka sinong pinunta niya roon?
Nang mag uwian ay dumiretso na nga kami sa mall ni Sheryl and kasama namin si Miyaki ngayon pero uuwi din siya kaagad. Gusto niya kase kaming makabonding. Nailibre pa ako ng dalawa para doon sa mga tela na gagamitin ko. Bumili na din kase si Sheryl ng tela dahil napag isipan niya daw na gumawa ng gown or dress para sa sarili niya.
Siguro ay bibili na din ako ng Makina kapag nagkaroon na ako ng trabaho. Nangangalawang na kase yung Makina ko sa bahay. Baka bumigay kapag pinilit kopa.
Namili rin kami ng mga damit at mga bestida dahil yung dalawa ay mahilig pala roon nadamay lang ako kase ayaw nilang hindi ako binibili ng dress na napili nila. Hindi naman ako mahilig sa dress. Noong bata ako oo kase nga bata pa ako non at saka lagi akong pinupuri ni Niko. E ngayon? Lagi nalang akong nakapantalon o short na hanggang tuhod. ( whutt )
Hindi rin nagtagal si Miyuki dahil may mga sumundo sa kaniya na body guard ata? Pero bago siya umalis ay binayaran niya na sa counter yung mga napamili namin. Nakapagbonding naman kami, madami ding napagkwentuhan. Siguro ay magiging bestfriend ko siya? I mean sila ni Sheryl, Trio kumbaga.
Kahit na Fashion Designing ang Course ni Miyaki ay hindi siya nakasali sa pag ssketch ng Gowns dahil pinili na agad siya ng Organizer na maging isa sa mga kandidata. Parang siya yung magiging represtentative ng klase nila.
Huwebes ngayon kaya ang mga students ay mga nakapang P.E kahit na college kami't iba iba ng kurso ay may P.E pa rin naman sa buong Amore. Sa court ay magkakasama ang mga mgakakasection at bukod bukod at mga pwesto ng ibat ibang kurso, pero nasa iisang court lang kami. Malaki kase ang court dito.
Alam niyo bang ang mahal ng tuition fee dito? Nung magkakilala kami ni Sheryl at nalaman niyang wala pa akong napapasukan na University ay inofferan niya na ako na may kilala daw siyang nag hahanap ng scholar students which mean is yung Mommy niya.
Kaya talagang pinag iigihan ko yung pag aaral ko dahil ayokong masayang yung pag papaaral sa akin ni Tita She. Dapat kasi ay hindi na ako mag ccollege dahil kapos sa pera. That time kase ay may part time job ako sa isang restaurant tapos naging suki na customer ko si Sheryl kaya ayun kundi dahil kay Sheryl at Tita She ay wala ako dito sa university na ito.
Nagkataon lang na dito din pala nag aaral si Niko. Hindi ko naman alam dahil matagal na akong walang balita sa pamilya niya bukod sa huling narinig ko na lumipat na sila ng tahanan matapos ang mangyari.
Medyo maga ang isa kong mata dahil putakte! nakagat ako ng ipis! Nakakainis nga dahil hindi ko alam kung pano ko'to matatakpan! Dumiretso muna ako sa Library para humiram ng Libro dahil baka may pa surprise na quiz si Ma'am mamaya. Pagkatapos ay nakayuko akong naglalakad papunta sa Building namin.
" A-ah..e.. sorry! " may nakabunggo saakin kaya nahulog ang librong hawak ko.
" Ayos lang. " sabi ko sa lalaki sabay kuha ng mga libro kong nahulog sa sahig. Nakayuko pa din ako habang pinupulot ang mga ito, ni hindi ako nag angat ng ulo dahil baka pagtawanan ng lalaki na ito ang itsura ng muka ko dahil sa pagkamaga ng mata.
Pagkatapos damputin ay dali dali akong tumayo at sinabing
" Don't worry. Ayos lang ako. " nakayuko ko pa ding sabi dito sabay karipas ng takbo.
Pagkapasok pasok sa room ay bumungad sa akin si Sheryl at agad akong dinaluhan. Tawa pa siya ng tawa dahil ang LT daw ng muka ko. Kasalanan kobang yummy ako't gustong papakin ng mga ipis sa amin?
Pinagtatawanan din ako ng iba kong kaklase dahil sa maga sa mata. Yung iba naman ay mga nag advice ng pwede kong gamitin para mawala agad yung pagkakamaga nito. Pinakinggan ko naman sila.
Naglalakad ako papuntang Cafeteria para bumili ng sandwich. Sabi ko sa Prof namin na mag ccr lang ako pero ang totoo ay kakain ako sa Cafeteria. Natatawa pa nga ako sa muka ni Sheryl nung magpaalam ako na mag ccr, mukang nagmamakaawang tuta na isama ko siya.
Medyo nakayuko pa din akong naglalakad papuntang Cafeteria.
" H-hey Let's talk. " sabi ng baritonong boses. I knew. He's here again. Ako ba yung kausap niya?
Nagpalinga linga muna ako habang nakayuko ng kunti dahil baka hindi ako yung kausap niya't magpagkamalan pa akong assumera.
" Ako? " i asked.
" Uhm yeah, later sa Rooftop. " pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na din siya agad. Ako? Eto yung pag bili ko sana ng sandwich sa Cafeteria ay naudlot dahil dumiretso ako sa Cr sa sobrang hilab ng tiyan. Every time na kinikilig ako ay nag hihilab ang aking tiyan at biglang makakaramdam na kailangan ko ng ilabas ang sama ng aking loob.
Nakakainis bat ako kinikilig? ha?? Ayan tuloy natae ako ng wala sa oras.
A/N: Lt yorn? oh ayan 2 ud in 1 day wews ang iikli naman. Btw Thanks for reading have a nice day!
Votes and comments are highly appreciated! Enjoy reading!
♡´・ᴗ・'♡