Chapter 5

728 Words
Kinabukasan ay pumasok ako ng maaga dahil sa pagkabadtrip. Umagang umaga kase ay nagsisigawan na sila inay at itay dahil isinabong na naman daw nito ang perang pangbayad sana namin sa tubig. Hindi ko ba alam kung bakit nalulong si itay sa sabong na iyan. Dapat ay iwasan niya na yan dahil baka masira pa ang relasyon ng pamilya niya dahil sa mga manok. Scholar lamang ako dito sa Amore University kaya kailangan ay ma maintain ko ang grades na makukuha ko, kaya hindi pwedeng pilado. Siguro ay kailangan kona talagang humanap ng trabaho? Kahit magkaano ang sweldo basta may maipang tulong lang sa bayarin sa bahay. May ipon naman ako na pera para duon sa tela na gagamitin ko sa paggawa ng susuotin ni Niko. Meron naman sigurong libreng materials na gagamitin sa school? Dibale gagawan ko nalang ng paraan baka sa sabado o linggo ay mag aapply nako. Papunta sa klase ay nakasalubong ko si Miyaki sa hallway kanina, kaya ang nangyari ay magkasabay kaming pumasok sa Building ng Fashion Designing. Sa kabilang Room lang pala siya, hindi kolang siya masyadong nakikita o napapansin. Sabi niya pa sa akin ay sabay daw kami mamayang pumunta sa Cafeteria kase daw hindi daw natuloy yung kahapon. Actually mabait naman siya tapos ang conyo niya pang magsalita. Sabi niya ay sa Japan at Us daw kase siya nanirahan tapos mag oone year niya palang siya dito sa Pinas. Nang makapunta ako sa Room ay kitang kita ko ang excitement ni Sheryl sa mata't halos hampasin niya na ako ng hampasin dahil sa sobrang saya. Binigyan na daw kase siya ng mama niya ng credit card. And guess what? 100k ang laman! Sanaol. Kaya ayun sabi niya saken ay mamayang uwian diretso kami sa bilihan ng tela at sa mall para mag enjoy. Hindi naman ako makahindi, okay na din siguro 'to mag eenjoy muna ako ngayong araw dahil alam kong sa susunod na mga araw ay magiging hectic na ang sched ko dahil baka may trabaho na ako. I didn't tell Sheryl na mag aapply ako ng trabaho. To be honest ay ayaw niyang mag apply ako kase last yr ay nagipit din kami kaya kinailangan kong magtrabaho as a temporary cleaner sa isang hotel. Pero agad din akong pinaalis ni Sheryl kase sabi niya ay kung may maitutulong siya sa akin ay huwag akong mag dalawang isip na humingi ng tulong sa kaniya. Pero syempre ay nahihiya pa din ako, madami na siyang naitulong sa akin ayoko namang maging pabigat. Saka dapat niyang enjoyin yung 100k na yun para sa sarili niya hindi para saakin. Nang nag bell na ay dumiretso ako sa pintuan ng room namin dahil kita kona si Miyaki habang si Sheryl ay nakahawak sa braso ko't tawa ng tawa kase hindi daw siya makamove on dun sa prof namin kanina. Napagalitan kase siya kase sumisitsit siya sa akin kaya ayon agik nababaliw na ang Lt daw kase amp. Miyaki and Sheryl are already know each dahil nagkabungguan daw sila sa Mall last week. Kaya medyo close din sila. Ang cute lang tignan dahil ang Friendly ni Miyaki kahit na ang ganda ganda niya at mukang sosyal. Para siyang isang Mamahaling diyamante na magsisisi ka kung mawala mo. Naglalakad na kami ngayon pabalik sa room, nagpaalam na din agad si Miyaki dahil mukang tumawag yung daddy niya sa kaniya. Kaya kami ni Sheryl ang naiwan dito, eto namang babaita na ito ay hindi matikom ang bibig dahil daldal ng daldal sa akin puro tango naman ang sagot ko. Medyo wala kase ako sa mood dahil masakit yung ngipin ko antatamis ba naman ng kinain namin puro desserts! E hindi naman ako sobrang fun ng mga sweets. Bitter? Pkemwoba? Hindi ko alam kung bakit nagkukumpulan ang ibang students ng Fashion Designing sa room namin. Siguro ay may sikat na lalaki o babae na naman ang pununta ruon? " hoy gagi andyan na si lexa " " awts peyn sanaols " " chinaoil me bebe " " when kaya " Dahil hindi ko naman alam kung anong meron at bakit nila aq nipagchichismisan ay inismid ko nalang ito't nagpatuloy sa paglalakad. May lalaking nakasandal sa pader at nakayuko ang ulo. I knew it. He's here. Bakit? A/N: Wews sobrang ikli? 699 words lang eto e HAHAHAH cuz pabitin is me? HAHAH btw goodmorning have a nice day!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD