Bago matapos ang discussion namin ay sinabihan na kami ng aming prof na magkikita-kita yung mga Designers at Candidates sa Music Room. Dahil ayun nalang ang bakanteng room na magagamit namin.
Tuloy pa din ang klase ng mga estudyante pero kaming mga designers na napili at mga candidates ay excuses na sa klase.
Kinakabahan ako kase mamaya ay makikita kona si niko! Diba nga? ilang yun saakin ni hindi nga yata ako kayang titigan sa mata. Tapos magkapartner pa kami! Pero syempre kahit na kinakabahan ako e dapat ay hindi ko ipahalata yun sa kaniya.
Halos nandito na lahat maliban sa kaniya. Baka hindi yun sumipot kase nalaman nyang ako yung magiging designer ng susuotin niya. Pero sa kabilang banda ay umaasa naman ako na baka sumipot siya, baka na traffic sa hallway..
o baka kasama niya yung babae nya?...
Natigil ang kwentuhan ng mga kasama ko dito sa Music Room. Matangkad, makapal ang muka-- este yung kilay! mapupulang labi makikintad mo ngiti ~ umaabot hanggang sa langit~
bakit mo kinanta?
" So mag- uumpisa na tayo. Kilalanin niyo muna ang isa't isa dahil alam kong medyo may kahabaan ang pagsasamahan nyo dahil sa paggawa ng gagamiting gowns and things for boys. " Nawala ang pag iimahinasyon ko't bumalik sa reyalidad dahil sa pag sasalita ng prof na naasign saamin.
Nakaupo siya malayo sa akin, sinadya niya ata talaga yon? Para umiwas sa akin? Ofc. Sino ba naman ako?
" Kilala nyo naba ang mga ka partners nyo? " sumagot naman kami ng oo.
" Lumapit dito sa unahan ang mga tatawagin kong pangalan. "
" Lucifer Lucero and Miyaki Eru. " tinawag ang mga magkakapartners at pinaglapit sa unahan. Maganda yung babae chinita at maputi pero mukang inis siya sa kapartner niya. Dahil naka tingin ito sa lalaki ng masama. Samantalang ang lalaki at ngumingisi laman rito at tila'y nagpipigil ng tawa.
" Alexa Serraña and Nikolai Silviña. " Tapatayo ang ng matawag ang pangalan ko't pangalan niya. Nang nasa unahan na kami ay naglagay agad siya ng distansya, hindi niya ba talaga kayang maramdaman yung prisensiya ko? Hindi pa rin ba tapos yung issue na yon?
" So class, we will give you three weeks to do the designing and making the candidates' clothes, so I hope everyone will cooperate with their partners. Because next month the pageant will be held. And if you have any other questions you can ask me or the professors who announced to you about the pageant goodluck and do your best. You can go back to your classes. "
Pagkatapos sabihin ng prof yun ay kaniya-kaniya ng naglabasan ang estudyante sa Music Room.
" Ay!sorry po! " paumanhin ko kase may nakabungguan ako sa paglabas sa pintuan.
" Nah it's fine. Ow what's your name? Napansen kitah kanina ah ang gorgeous mo! " sabi nung nakabungguan ko. Siya ata si Miyaki? Muka kase syang hapon.
" Ah oo, nako enebe! chAr. Sorry pala hindi ko kase nakitang may tao pala kaya nabangga kita " paumanhin ko ulit rito.
" No, i told you it's ok, you don't have to worry. Look I'm fine. Btw may i know your name? " she asked.
" Ah uhm.. Alexa Serraña, Alex nalang " sabay lahad ng kamay dito.
" Ow what a nice name huh, btw I'm Miyaki Eru from Fashion Designing, you can call me Miya? Yaki? whatever you want haha. " i chuckled.
Niyaya niya ako na mag sabay kami mamayang break time. Hindi pa kami nakakaabot sa building ng Fashion Designing ay nakita ko na si Niko na nakatayo at mukang may hinihintay.
Nakita kong matalas ang tingin na iginawad nito sa akin. Parang may masama na naman akong ginawa. Bigla nitong hinawakan ang pulsuhan ko't kinaladkad ako papunta sa madilim na bahagi ng building.
Hindi na nga ako nakapagpaalam kay Miyuki dahil maging ako ay nagtataka rin.
"Alam kong sinadya mong tayo ang maging mag kapartner! "sigaw na na mahina nito, tila nag iingat na walang makarinig.
" h-ha? a-anong pinagsasabi mo? "kunot-noo kong tanong dito. Ano na naman bang ginawa ko? Kung siya pa siguro ang dating kilala ko ay hindi ako magdadalawang isip na sabunutan at batukan siya. Pero iba na e, hindi na siya yung dati kong nakilala.
" Alam kong malakas ka sa mga professors ng Fashion Designing kaya ka nag request na ako yung maging kapartner mo hindi ba!? " tila isang dragon ito na bubuga ng apoy sa galit at inis.
Oo at malakas ako sa mga profs ng Fashion Designing pero hindi naman ito rason para humingi ako ng request para siya ang maging kapartner ko! Ang kapal naman ng muka ko kung gagawin iyon hindi ba?
" Ano? wala akong naalala na humingi ako ng request para maging kapartner ka! Saka bakit saakin ka nagagalit at hindi sa prof o sa nag partner sa atin!? " giit ko rito.
" At ngayon ay nandadamay kapa. Mahilig ka talaga. " sabi nito sabay alis.
Natulala at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ako na naman? Ako na naman yung sinisi niya? Ako yung sinasabihan niyang nandamay? Diyan siya magaling. Sa pang sisisi. Sabagay hindi naman siya marunong makinig sa eksplenasyon ng tao.
Nalate ako ng pasok sa susunod naming subject dahil sa eksenang nangyari kanina. Matapos niyon ay sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa klase. Pero kahit anong gawin ko ay sumasagi sa isip ko yung huli niyang sinabi.
" At ngayon ay nandadamay kapa. Mahilig ka talaga. "
Masakit yung impact nun sa akin. Akala niya ba ay palagi akong pa victim? Ang hilig niyang manghusga, nakakasawa siya. Hindi niya ba alam na kung mahirap ito sa kaniya ay mas mahirap ito saakin?
Na nandito naman ako. Nandito ka magkalapit tayo pero bakit parang ang layo- layo mo? Parang ang hirap mong abutin. Why we can't just be happy? Bakit kailangan pang magkaroon ng problema sa buhay? Palagi ko'yang tinatanong sa sarili ko. Sa panginoon.
Na bakit ganoon? Kung kelan nakangiti at masaya ka ay biglang may problemang mangsusurprise sayo? Tapos nun ay dirediretso na walang abante o businang magpapatuloy iyon.
Siguro ay ang pagtakas nalang sa Reyalidad ang makakaya kong gawin para maibsan ang sakit na naidudulot ng Reyalidad sa akin.
A/N : Heluu. Goodmorning it's already 10: 37 na. I hope nakakain na kayo ng almusal o kaya pangtanghalian. Medj sinipag pero 1000+ words lang ang kinaya. Hindi na ata kinaya ng brain ko HAHAHA chos. Thanks for reading!