Aligaga na ang mga students ng mga Fashion Designing para sa plates na ipapasa sa aming profs for the upcoming Ms. Amore and Mr. Amore.
Binigyan kase kami ng dalawang linggo para sa pag gawa nito.
At maraming estudyante ang tapos at hindi pa tapos kaya ang iba ay pa chill chill lang, at ang iba naman ay aligaga.
Ako?Ayos naman na yung sa akin
I sketched a gown that was not too purple in color. there is a vline on the chest and a small sleeve on the arm. And the thigh side is fitted followed by the hem which is a bit pompous. I also put butterfly designs on different parts of the gown. I based it on today’s trends because I knew it would be popular if someone did that.
Natapos ang pasahan ng matiwasay para sa aming dalawa. Pero sobrang stressing sa iba. Hihintayin nalang namin kung sino ang maswerteng mapipili na mag gagawa ng gown/ things for boys.
Hindi pa namin alam kung sino ang mga sasali pero may ibang bali-balita na mga guwapo at magaganda ang mga iyon. May iba na ding prediction na sasali daw si crush nila. ganorn?Paano naman si bebelovs nikoq?
Btw simula ng eksenang halikan ay hindi kona ulit nakita pa si niko na nagpupunta sa cafeteria o kahit sa pagpasok sa eskwelahan. Siguro ay naging busy ito sa babae niya. wow teh?bitter?
The next day ay ayos naman ang eksena ganuon pa din. May mga late na nagpasa ng kanilang plates at syempre may mga pa chill chill lang na akala mo ay makakapasa sa mga subjects nila. Btw it's ok lang naman na ienjoy mo ang pagiging estudyante bilang college, dahil din kase rito ay magkakaroon kapa ng experience sa iba't ibang bagay.
Malakas na bulong bulungan dito na ngayon daw iaanounce kung sino sino ang maswerteng mapipili sa pag gawa ng gowns and things for boys. Hinihiling ko ngayon na sana ay babae ang matapat sa akin at hindi lalaki dahil alam kong maiilang ako kung lalaki man ito.
" So class, today i will announce to you who is the chosen representative of your section and who is the candidate you will dress. " kabado na ako, sana mapili ako para dagdag grades din.
" Ms. Serraña you will be the representative of your section, congrats! " nagpalakpakan ang mga kaklase ko at ang iba ay nakabusangot ang muka dahil siguro expected nila na crush nila ang magiging isa sa kandidato na kanilang gagawa ng damit.
"And the candidate you will make is .... Mr. Silviña so goodluck nalang sa iyo! "
Natapos ang discussion na tulala pa din ako't hindi makaimik sa nalaman ko.
Si Niko ang gagawan ko ng damit!? Paano yan? baka hindi ito makicooperate. Kailangan ko ang grades na ito para madali akong makapag apply sa mga kumpanya.
Hanggang sa paglakad pauwi sa bahay ay hindi pa din ito maalis sa aking isipan. Makikita ko ulit siya ng malapitan? Makakausap ko ulit siya? Ang saya naman.
" IKAW TALAGA MAURICIO SINABI KO SAYONG HUWAG MONG IPANGSASABONG ANG PERANG INABOT KO SA IYO DAHIL PAMBAYAD IYON SA KURYENTE NATIN! NGAYON PAANO MO MABABALIK ANG TATLONG LIBO NA IYON!? " wala pa ako sa pintuan ang aming tahanan ay abot tengang rinig mona ang sigaw ni inay.
" Sinabi ko naman sa iyong na holdup ako't ibinigay nalang duon ang pera! "
" HUWAG MO AKONG ULULIN MAURICIO! ALAM KONA IYANG MGA STYLE MO MGA BULOK NA IYAN! GUMAWA KA NG PARAAN PARA MABALIK ANG TATLONG LIBO DAHIL NAKO PAG TAYO AY NAWALAN NG KURYENTE! SINASABI KO SAYO! " sigaw ni inay kay itay.
" Osiya, osiya gagawa ako ng paraan para hindi kana putak ng putak diyan. bwct! " pagkatapos non agaran din siyang umalis. Hindi man lang ako napansin na nasa tapat ng pintuan.
Hindi naman ganiyan si itay nuon. Siguro ay sinisisi niya pa din ang kaniyang sarili sa krimen na hindi naman siya ang gumawa.
Napabuntong hininga na lamang ako't nahiga sa aking kama.
Maliit lang ang kuwarto ko pero kasya naman ang mga gamit ko rito.
Napadako ang tingin ko sa bintanang kahoy sa aking silid. Kitang kita ang pagningning ng mga bituwin sa kalangitan. Kasabay nito ang pag balik- tanaw ko sa mga ala-ala naming dalawa.
Yung mga ngiti at tawa niya sa tuwing inaasar niya ako.
" HAHAHAHAHAHHAH grabe yung muka mo leng HAHAHAHAH "
" HAHAHAHHAHA hoy tulungan mo'ko dito sa tula tinulungan naman kita sa math kanina ah! "
" ayan ba ang crush mo? ampangit naman ng taste mo. " saad nito habang nakatingin sa lalaking mataba. Kung alam mo lang Nikolai, ikaw ang gusto ko pero palagi mo akong inaasar sa iba tse uncrush kita diyan e.
" hahahhahaha yuck ambaho ng utot mo leng itae mona yan! " asar niya kahit ang totoo ay siya ang umutot, napahawak nalang ako ng madiin sa ilong ko at kunot ang noo.
Dati ay siya ang gumagawa ng paraan para mapansin ko, yung mga jokes niyang corni na tatawanan ko nalang ng plastik. Normal lang sa amin ang hawakan ng kamay, akbayan. Siya ang first kiss ko maliban kay itay at inay. That time nag confess siya sa akin na ako ang unang makakaalam kung may crush ba siya o liligawan.
Those memories are treasures for me. Hindi kolang alam sa kaniya. May luhang lumandas sa aking mata ma agaran ko din pinunasan. Sa tuwing naaalala ko yung mga memories na iyon ay hindi ko maiwasang hindi mapaluha.
Kase ang saya na namin e, kung di lang talaga dumating yung problema sa amin. Kami. Ako. ang sinisisi niya hindi nga kase siya nakinig sa ekspelnasyon ko. Masyado siyang nagpabulag sa galit.
Hindi naman siya ganoon dati e. Ewan koba kung bakit kung kailan kailangan na kailangan ko siya ay wala siya. Masyado talaga siyang naglabulag sa mga maling salita. Maling impormasyon.
A/N : Hi! Goodmorning. Nag almusal na kayo? Almusal na kayoww. Btw sinipag na naman si ako kaya nag ud HAHAH sana 2loy 2loy na hane? btw gus2 q e2, i one thousand words kaya hahabaan ko nalang yung authors note chAr! Thanks for reading! Gbless! Lovelots.