Naging ayos naman ang nangyari sa sumunod na araw.
Ganuon pa rin, palagi ko siyang nakikita lalo na pag papunta sa cafeteria. Katabi kase ng Cafeteria ang Building nila, samantalang ang amin ay medyo malayo duon. Pero sa Cafeteria nila kami bumibili dahil masyadong puno duon sa amin.
Bilang lang din naman kase ang students sa Engineering.
Siguro natauhan sila na hindi ganuon kadali ang mag compute compute sa math haha.
Tanghaling tapat ay nagpaalam ako sa aming prof na mag ccr ako.
Habang naglalakad papunta sa Ladies Room ay nakita ko na naman sya.
Eto na naman ako. Aasa na naman na papansinin niya.
Sa halos limang taon na pag iignore niya sa akin ay tinanggap kong hanggang sulyap nalang ako sa kaniya.
Hindi niya naman na kase ako tanggap.
Agad na sumilay ang ngiti sa kaniyang labi kasama ang isang chinitang babae, maputi,makinis,maganda ang hugis ng muka, mapula-pula ang labi at pisnge.
Ayon siguro ang tipo niya. Mukang masaya na naman siya. Ako nalang itong pilit binabalik yung dating kami.
Agad akong nag iwas ng tingin at dali daling pumunta sa Ladies Room.
" A-akala ko wala na? -- "
Lift your head baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everyth---
Napaurong ang luha at pag eemote ko sa cr dahil tumunog yung cellphone ko. Tumawag si Sheryl at sinabi sa akin na bakit antagal ko daw sa cr, at pumunta na daw ako sa room dahil papunta na ang susunod naming prof.
Pagkatapos ng kunting emote ay pumunta na agad ako sa room at hindi ipinahalata kay Sheryl na kagagaling kolang sa iyak.
Pagkatapos ng discussion ay pumunta na kami sa Cafeteria para tumambay at kumain na din don.
Umoorder na si Sheryl ng pagkain namin at ako naman ay kasalukuyang nakaupo sa pang apatan na upuan.
Nag- ingay ang mga estudyante at mga nagbubulong bulungan pero rinig naman.
" hala? may jowa na sya? "
" sayang naman mag propropose na sana ako sa kaniya kanina, naunahan lang! "
" landi mo ghorl baka wala kapa sa kuyukot niyan "
" ay talande naman ni ghourl meh paghawak sa braso ni bebekwah nikow "
" kaya siguro nakapulupot yung kamay niya sa braso ni babe niko kase sinaunang ahas siya HAHAHAHAHA "
" bagay sila. "
Ayan ang mga bulung bulungan dito ng mga estudyante.
Hindi nako magugulat dahil alam ko naman na sikat talaga siya dito. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kaniya para mapansin niya, pero sya?parang isang hangin kalang sa kaniya. Wala kase yang pake sa mundo.
Dumaan ang kirot sa aking mata't nakaramdam ng pagsakit sa bandang puso. Eto na naman ako, tumitingin sayo.
Pinulupot niya ang kaniyang kamay sa bewang ng babae.
Nakakainggit. Ako dapat yon. Ako dapat yung kasama niya. Yung nakahawak sa braso niya. Yung sa akin lang nakatingin at walang pakialam sa iba. Ako dapat yon.
Agad akong umalis sa Cafeteria at dumiretso sa rooftop.
Tinext ko nalang si Sheryl na inutusan ako ng isang prof namin kaya ako umalis.
Sariwa ang simoy ng hangin na makakapag relax sayo.
Napatingin ako sa langit. Tinatanong na kung hindi kaya iyon nangyari ay maayos kaya ang relasyon naming dalawa? Na sabay namin tatakasan at haharapin ang katotohanan?
Pero agaran din napawi ang aking pag iimahinasyon at pagtanong sa sarili ko nang...biglang may kung anong tunog akong narinig.
Parang yapak ng tao. Agad akong nagtago sa isang kahoy na hindi ako agad makikita.
Sumilip ako at...napatinuod. Si Niko ba yon? Sinundan niya ba ako? Nakita niya ako? Siguro narealize niya na dapat niya na akong pansinin kase matagal na iyon e.
Pero agad ding napawi ang saya at galak sa aking mga mata ng makita kong naghahalikan sila ng babaeng kasama niya.
Talo ako. Anong laban ko? Past lang ako at yung babaeng iyon ang present niya.
Siguro titigilan ko nalang talaga? Para hindi na ako masaktan sa tuwing titingin ako sa mata niya na may puot at galit sa akin.
A/N : Hi again! Sinipag aqng mag ud todayy. Medyo nagdadalawang isip ako kase di q talaga ma ano yung flow ng story na ito pero gagawin q ang lahat para makatawid tayo sa dulo. Thankyou for reading. Godbless. Lovelots.❤