Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa gate ng aming iskwelahan.
Madaming estudyante ang nagkalatan sa entrance palang.
Hindi ako transfer dito. Sa totoo lang ay matagal na ako dito, mayroong kaibigan pero iilan lamang.
Nakita ko na naman siya.. Napatitig ako dito yung magandang hugis ng muka, yung kitis ng kaniyang katawan na aakalain mong isang modelo sa sikat na commercial, yung mga mata niyang nagnining ning..
Hindi nakatakas sakin ang paglandas ng kaniyang mata sa akin.
Isang madilim na sulyap na hindi aabot ng isang segundo.
Isang madilim na mata na akala mo'y may masama akong ginawa sa kaniya.
Pagkatapos non ay umalis na agad sila ng mga kaibigan niya.
Naiwan akong nakatayo...b-bakit ba sya umiiwas? bakit sya nagbago? bakit parang nakalimutan niya na ang pangako naming dalawa na were gonna escape the reality together.
Siguro ay hindi pa niya limot.
Hindi naman kase siya nakinig sa paliwanag ko.
Masyado syang nabulag ng galit niya. Kaya kahit pagtingin man lang sa mata ko ay hindi niya makaya.
Siguro ay hanggang ganoon nalang kami. Hanggang pangako nalang na alam kong napako na nang matagal na panahon.
Tanggapin ko nalang dapat? Kase mukang tanggap niya na naman. Ako nalang yung hindi.
Napabalikwas ako dahil sa tunog ng alarm clock.
Agad- agad akong bumangon at ginawa ang aking routine.
Pagpasok ko ulit sa iskwelahan ay agad kong nakita ang aking bi- bilat chAr i mean bestfriend.
" Hoy betch anong ngina nganga mo diyan? " sabi ko kay Sheryl.
" Ay bungol! Nandito na kase sila Chase, Niko and Nilan!! My ghad gHorLaLusH! didn't yah knuuw? " maarteng tugon nito.
" Ah.. ok. " napakibit-balikat nalang siya at naglakad na kami papunta sa room.
We're on college pareho kami ng kurso na kinuha dahil alam ko namang pareho talaga kami ng habit, kaya siguro kami naging matalik na magkaibigan.
Ang malupit pa dito ay magkaklase kami sa lahat ng subjects!
Kami ay nasa 3rd yr College na at Fashion Designing ang kinuha naming kurso.
Madali lang naman para sa amin iyon pero minsan ay mahirap din lalo na kapag hectic yung sched niyo.
Ang hassle din maging College, madami ng ginagawa lalo na kapag pasahan na ng mga gawain namin. Talagang maaaligaga ka nalang. Lalo na kapag hindi ka gumawa ng pinapagawa sa inyo tapos biglang mang gugulat ang prof na pasahan na bukas.
Pero kahit papaano ay nakatawid kami ng 3rd yr College.
Medyo magaan lang ang mga topics sa Fashion Designing puro about sa sukat palang kami ng body at minsan ay pinapagawa ng plates.
Pero alam kong bigla nalang mang gugulat ang mga profs na may ipapagawa sa aming works.
" So class you need to make a design gown for the Miss. Amore And Also a thing for Mr. Amore this month. Kase next month ay gaganapin na yung pageant. Pipili lamang ng sampung students from different sections na maaasign sa iba't ibang kandidato. At class alam nyo namang malaki ang expectation ko sa section na Ito. Kaya't sana ay may masuwerteng mapili sa inyo. " At katulad ngayon! Pa surprise si ma'am.
Pagkatapos ng discussion ay kalat na sa mga students ang sinabi ni ma'am. May ibang nagsasabi na sasali raw sila sa pageant at ang iba naman ay gagandahan daw nila ang pag dedesign para mapili.