“Don’t worry, she’ll be okay,” mahinang wika ni blue. Basta na lang kasing natumba si Tamud kanina. Ngayon nga ay kinuha na siya ng ambulance dahil masakit daw ang kaniyang balakang. “Sure ka?” paninigurado ko. Nag-aalala ako kay Tamud at baka nasaktan siya nang sobra kanina. “Yes, t’saka huwag kang mag-alala darating din mamaya ang kapatid niya para maging proxy niya,” saad niya. Kumunot naman ang aking noo. “May kapatid siya?” Tumango naman siya. Natigilan kami pareho nang may pumaradang Volkswagen sa harap namin. Bumukas iyon at bumaba ang matandang nakasuot ng kulay violet na leggings at neon yellow na damit. Pinaresan iyon ng malaking shades at bakya. Nilapitan niya kami at ibinaba ang shades niya. Sa tingin ko ay matanda lang nang kaunti si Tamud sa kaniya. “Is this Blue Vir

