Pagpasok namin sa loob ay halos maistatuwa ako sa nasaksihan. May mga babaeng nakapalibot kay Blue at halos maghubad na ang mga ito. Maging si Blue ay wala na ring suot na damit pang-itaas. Nakatitig siya sa ‘kin habang nakikipaghalikan sa babaeng katabi niya. Kinakabahang tiningnan ko naman si Orlando. “Here she is, as promised,” wika niya. Kaagad na nag-abot ang aking kilay. “Ano’ng ibig mong sabihin?” kinakabahan kong tanong. Tumayo si Blue at nilapitan niya kami. Ngumisi siya at inayos ang iilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tenga. Kinikilabutan ako sa klase ng tingin at ngisi niya. “O-Orlando.” “Don’t worry little girl. Mabait ako, hindi ako kasingsama ni, Orlando. Sisiguraduhin ko ring hindi mo pagsisisihan ito,” wika ni Blue. “Ipinamimigay mo ba ako?” tanong ko kay O

