“Sasama ka sa ’kin ngayon. Wear this,” aniya at basta na lang itinapon sa mukha ko ang paper bag. Kaagad na sinalo ko naman iyon at hindi na nakapagtanong pa dahil umalis na siya kaagad. “Time’s running,” dagdag niya pa. Mabilis na pumasok naman ako sa kuwarto ko at kinuha ang damit sa loob ng paper bag. Nanlaki ang mata ko nang makitang kulay beige iyon at see-through. Mukhang may plano yata siyang gawin akong Megan Fox. Nakatitig lang ako roon at nagdadalawang-isip ako kung isusuot ko ba o hindi. Ilang minuto rin akong nakatitig sa damit. Napalingon ako sa pintuan nang marinig ang katok. Bumalandra naman ang mukha ni Bebeng na nag-aalala. “Walang hiya ka! Bilisan mo ang kilos mo’t nag-aalburoto na sa galit si, Orlando sa baba. Kunting-kunti na lang at talagang matitikman mo ang hag

