Pagkatapos nga niyang kumain ay hindi pa rin kami tapos ni Bebeng. Nakatingin lang kami kay Orlando na tila bilang na bilang ang bawat subo. “Finish your food quickly. Don’t forget to change your clothes too,” aniya. Hindi ko naman namalayan kung ano ang sinabi niya dahil nakapokus ako sa pagtingin sa bibig niyang namumula pa. Tiningnan niya ako ng kalahating segundo at kaagad na umalis. Siniko naman ako ni Bebeng kaya napakurap ako. “Masiyado kang napaghahalataan. Narinig mo ba ang sinabi niya?” tanong niya. Kumunot naman ang aking noo. “Hindi eh, ano ba ang sinabi niya?” sagot kong patanong. Umiling-iling naman siya. “Ang sabi niya kakainin ka niya pagkatapos dahil may mga bisita siya,” sada niya. Kumunot naman ang aking noo. “Huh?” Pinanlakihan naman niya ako ng mata. “Na

