“Come home early, sasabihan ko si, Bebeng mamaya na maaga kang sunduin,” aniya. Hindi naman ako umimik. Kailangan habaan ko ang pasensiya ko palagi para hindi mag-abot ang galit naming dalawa. Huminga ako nang malalim at tumango. “Okay,” sagot ko. Palibhasa kasi matanda na. Ang dami ng agam-agam sa buhay. “And about that Richard,” aniya. Natigilan naman ako at inis na tiningnan siya. “Oo na, iiwasan ko na kasi magagalit ang sugar daddy ko,” mahina kong saad. Hindi siya umimik kaya nilingon ko. Nakahawak siya sa baba niya at hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Ngumiti siya at napailing. Natuod ako sa aking kinauupuan kasi hindi ko naman inakalang ganoon ang magiging reaksiyon niya sa sinabi ko. Napasandal ako sa headrest ng upuan nang ilapit niya nag mukha niya sa ‘kin. Gahibla na

